Wendigo Psychosis 2

202 8 0
                                        

Alas sais na ng umaga

Ilang oras lang ang tulog ko kaya masakit ang ulo ko

Andami ko pa kasing aayusin kaya maaga aga din akong nagising

Kasalukuyan akong nagkakape at kumakain

Sariwang karne

Mahilig kasi ako sa karne at ayaw na ayaw ko din ang gulay

Mas gusto ko din yung half cook

Mas masarap sa aking panlasa

Umupo ako sa sala habang kumakain ng buksan ko ang tv

Breaking news

Balita na naman sa isip ko

"Isa na namang babae ang pinaghahanap, huli namataan ng alas dos ng madaling araw kasama ang nobyo nito dalawang araw na ang nakakalipas" natigilan ako bigla sa nginunguya kong pagkain

Pinakita kasi yung larawan ng babae

Napahawak ako sa aking bibig ng narealized ko na siya yung babaeng nakabangga ko dalawang araw na ang nakakaraan

Napakagat labi ako

Sisimsim na sana ako ng kape ng makaramdam ako ng kakaiba

Nagtataasan ang balahibo sa batok ko

Parang may nagmamasid

At Muntik ko na ngang mabitawan ang tasang hawak ko ng mapalingun ako sa may bintana

May nakatayu doong babae

Masama ang tingin sakin

Umalis din ito kaagad ng mapansin niyang nakita ko siya

Dali dali ko itong sinundan

At kinilabutan talaga ako ng mapagtantong si Luna iyon

Nagmamadali siyang pumasok sa bahay niya

At bago siya tuluyang makapasok sa pinto ay isang nakakamatay na tingin ang muli niyang ibinigay sa akin.








"Oh ano Rachel sasama kaba?" Pang apat na beses na atang tanung ni Amina sakin yan andito kasi siya sa bahay ko at niyayaya ako sa kung anung pag diriwang daw dito sa San Rafael.

"Pag iisipan ko" sabi ko ulit saknya

"Sige naman na Rachel minsan lang ito saka maraming may gustong makilala ka doon" pag pupumilit na naman niya

Napabuntong hininga nalang ako

Alam ko kasing hindi niya talaga ako titigilan

Sabagay linggo naman bukas day off ko kaya ok lang naman siguro

"Sige na nga"

"Talaga? Nako Rachel aasahan ka namin mamaya ha bali 10 pm yun. Dun sa may basketball court gaganapin. " tuwang tuwa niyang sabi sakin

"Sige"

"Basta sinabi mo yan ah, sige alis na ako"

Umikot na naman ang aking mata pag ka alis niya

Hindi talaga ako mahilig sa mga ganung bagay

Mas gugustuhin ko pang mag mukmuk nalang sa bahay kesa umattend sa mga ganyang pag diriwang





"Rachel!!! Buti naman at nakarating ka" salubong sakin ni Amina

Nasisilaw ako sa mga ilaw na umiikot sa paligid
Ibat ibang kulay ito

Nabibingi na din ako sa lakas ng tugtug

"Ah oo, pasensiya ka na at medyo nalate ako" halos pasigaw ko ng sagot saknya dahil sa sobrang lakas ng tugtog sa paligid

"Ok lang ang mahalaga dumating ka, halika papakilala kita sa mga kaibigan ko" hinila ako ni Amina sa isang mesa, may mga babae doon na tila nag uusap at mga lalaki na umiinum

Napalingon sila samin ng mapansing papalapit kami

"Tesa si Rachel nga pala , siya yung kinukwento ko sainyong bagong lipat jan sa tabi ng ilog" pagpapakilala niya sakin

"Hi Rachel" magiliw nitong bati sa akin

"Eto din pala si Jaime, Josephine, Karla, at Lucas mababait yang mga yan"

"Hello sa inyo"pilit na ngiti ko saknila

"Ang ganda mo naman pala Rachel" nakangiting turan sakin nung lalaking may pangalang Lucas

"Salamat" alanganin kong sagot

"Halika umupo ka"

Napangiti ako at tumabi saknya

"By the way I'm Lucas" pormal na pagpapakilala nito sakin sabay lahad ng kanyang kamay

"Nice to meet you lucas"

"Saglit lang ha at kukuha ako ng makakain mo" saad nito saka umalis

Yun lang ginawa ko ng ilang oras

Kumain nakipag kwentuhan

Habang nakikipag kwentuhan ako ay niyaya ako ni Lucas na magsayaw sa gitna

Sweet song ito

Naghiyawan ang kasama namin sa mesa ng pumunta kami ni Lucas sa gitna

Hinawakan niya ako sa bewang habang ako naman ay nag aalangang ipinatong ang kamay sa balikat niya

Sweet

Mabagal lang pag sasayaw namin ng mapatingin ako sa puno ng malaking manga di kalayuan

Madilim doon

Pero napatigil ako at nagulat ng makita ang isang bulto sa tabi nito

May isang babaeng nakatayu doon

Tinitigan ko itong mabuti ng medyo gumalaw ito at nailawan ang kanyang muka dun ko lang nakumpirmang si Luna ito

Nag salubong ang mga mata namin

Parang galit na galit ito sakin

Bahagya akong napaatras

"Bakit?" Tanung ni Lucas kita sa mata niya ang pag tataka

"Ha? Wala" sagot ko at tumingin ulit sa dereksyon kung nasan si Luna pero wala na ito

"Sigurado kaba?" Nag aalalang tanung sakin ni Lucas

"Pasensiya kana pero medyo sumama ang pakiramdam ko, uwi na ko" pag mamadali kong sabi kay Lucas sabay alis

"Teka Rachel sandali" pasigaw na sabi nito sakin pero dirediretsyo pa din akong naglakad pauwe

Nasa madilim na parte na ako ng kalsada ng biglang may humawak sa aking braso

Impit akong napasigaw

"Ako to Rachel, ihahatid na kita pauwe mahirap na at marami ng nawawala ngayun, madilim pa naman ang daang pauwe sa bahay mo" Sinundan pala ako ni lucas

"Ok lang naman ako, saka baka hinahanap ka na nila Amina hindi ka ata nagpaalam"

"Mamaya na sasabihin ko nalang na inihatid kita dahil masama ang pakiramdam mo"

"Salamat Lucas ha"

Tahimik lang kaming naglalakad ni Lucas ng mapansin kong parang may sumusunod sa amin

Lumingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao

Baka guni guni ko lang

Nasa tapat na kami ng bahay ng yayain ko si Lucas na pumasok at magkape saglit ngunit tumangi na ito dahil babalik na daw siya doon ang mahalaga ay naka uwe raw ako ng ligtas

"Sige Lucas salamat ulit ha" pag papa alam ko sakanya. At tumalikod na nga siya sa akin

Compilation Of Horror StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon