Nagising ako sa paulit ulit na doorbell sa labas ng aking pinto
Napatingin ako sa maliit na orasan sa tabi ng kama
1 pm na pala
Napuyat kasi ako kagabi kaya late na ako nagising
Dahandahan akong bumangon ng kama saka nag inat
Masakit ang mga braso ko
Nangalay ata
Sinuot ko ang aking pulang roba at pumanhik na sa baba
Di pa din tumitigil sa pagpindot ang kung sinu mang tao sa labas
Dahan dahan kong binuksan ang pinto
"Rachel diba kasama mo si Lucas kagabi?" Bungad sakin ni Amina
"Oo, hinatid niya ko pauwe. Bigla kasi sumama pakiramdan ko. Pasensiya na di na ako nakapag paalam"
"Hanggang nagyun kasi hindi pa siya umuuwi saknila, hindi pa din namin siya nakikita simula kagabi" nag aalalang tanung niya sakin
"Imposible sabi niya sakin babalik siya ka agad sainyo" kunot noo kong sabi saknya sabay napatingin sa babaeng kasama niya nakatalikod ito kaya di ko alam kung sino
"Hindi siya bumalik"taranta pa din siya
"Baka naman may pinuntahan lang"
"Impossible walang ibang kaibigan si Lucas kami lang" doon na ako medyo natigilan
Naalala ko kagabi parang may sumusunod sa amin
"Pero Amina, ang alam ko kasi tlaga bumalik siya sa inyo, hayaan mo babalitaan kita pag may nalaman ako" sabi ko saknya habang nag iisip ayokong sabihin saknya yung napansin ko kagabi
"Sige Rachel salamat ha" buntong hiningang sabi ni Amina bago umalis
Napatingin ako sa tapat na bahay
May alam kaya siya?
Isasara ko na sana ang pinto ng mapansin kong naiwan ang kasama ni Amina
Andun pa din siya sa dati niyang pwesto
Akma ko na sanang hahawakan ang balikat niya ng bigla itong lumingon
Nanigas ako sa kinatatayuan ko
Tumutulo ang dugo sa knyang muka
Biyak ang kanyang bibig
Mapapansin mo ding wala siyang dila
May laslas ang kanyang leeg
Nakalabas na din ang isa niyang mata
Putol putol din ang kanyang ibang daliri
Nanlalaki ang aking mga mata
Naninigas man ay pilit kong gumalaw upang maisara ang pinto
Pigil ang aking hininga
Pamilyar sakin ang babaeng yun
Siya yung babaeng nawawala
Di ako pwedeng magkamali siya yung nakabanga ko ng alas dos ng madaling araw
Pero bakit?
Bakit siya nagpapakita sa akin
Naglalakad ako sa halway ng hospital
Konti lang kami na nakaduty pag gabi kaya wala kang makikitang masyadong pakalat kalat
Tulog na din ang mga pasyente
BINABASA MO ANG
Compilation Of Horror Stories
HorrorSa mundong ibabaw ay may mga bagay na hindi maipaliwanag may mga bagay na hindi nakikita ng mata at may mga bagay tayung pilit hindi pinapansin pero nakakapagpakilabot sa atin. minsan ang totoo ay nagiging imahinasyon ang imahinasyon ay nagiging tot...
