Isang malalakas na hiyawan at nakakatiling na bagay na bumabagsak sa bubungan at bahay nila Melissa ang nakaistorbo sa kanilang pagkain ng gabing iyon
Mabilis na sumilip sa bintana ang kanyang ama at ganun na nga ang paglaki ng mga mata nito sa kanyang nakita
Samantalang hinawakan naman siya ng mahigpit ng kanyang ina
"Pa anu pong nangyayari?" Naguguluhang tanung ni Melissa
"Lumabas kayu jan! Mga kampon kayo ng demonyo!" Isang sigaw ang narinig ni Melissa na siyang mistulang sagot sa katanungan niya
Dali dali siyang sumilip sa bintana muntik pa siyang matumba sa labis na takot dahil sa kanyang nasaksihan
Napakaraming kumpol ng mga tao ang nasa harap ng kanilang bahay. May kanya kanya silang mga hawak na sulo na tila nagliliyab sa galit ang mga apoy nito. Ang iba din ay may hawak na gulok na tila rin anu mang oras ay handa silang pagtatagain.
Lakas loob lumabas ang kaniyang ama
"Anu bang nangyayari Berto?" Tanung ng kanyang ama pagkalabas nito sa kanilang pintuan
"Mga kampon kayo ng demonyo! Kayu ang dahilan kung bakit namatay ang anak kong si Angela" Galit na galit nitong sagot sa kanyang ama
"Bakit kami ang pinagbibintangan mo?" Galit na din ang kanyang ama
"Sinabi ng anak ko ang pangalan ni Melissa bago siya namatay!" Gulat na gulat si Melissa ng marinig iyon. Dali dali siyang lumabas upang iharang ang katawan sa kanyang ama ngunit nakita siya ni Kriza
"Nagkakamali po kayo" tugon nya sa ama ni Angela
"Sinungaling! Hindi bat pinagbantaan mo kami Melissa? At anung nangyari pagkatapos non? Namatay si Nicole! At kanina lang natagpuan ang katawan ni Alexa na nakabigti sa kanyang kwarto! Sige nga pano mo maipapaliwanag yon Melissa!" Umiiyak na sigaw sa knya ni Kriza
Sasagot pa sana si Melissa ngunit nag liparan na ang mga bato sa kanilang dereksiyon niyakap siya ng kanyang ama upang huwag tamaan ngunit naramdaman na lang niyang may mga kamay na humila saknila upang pag layuin
Kitang kita niya ang duguang ulo ng kanyang ama
Sabay silang kinaladkad papunta sa gitna ng mga nagkukumpulang tao
Iyak lang siya ng iyak at nagmamaka awa ngunit tila wala silang naririnigKumuha ang mga ito ng malalaking kahoy saka itinayo at dinaganan ng mga bato sa baba. Pagkatapos non ay sabay din silang itinali ng kanilang ama sa kahoy na yun
Nakita din niya ang paglagay ng mga ito ng malilit na kahoy sa kanilang paanan at mga tuyong dayamiNanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung ano ang gustong gawin ng mga taong bayan saknila
Balak silang sunugin ng buhay
Labis ang kanyang pag aalala ng maalala ang kanyang ina
"Ka Berto, wala ang nanay ni Melissa sa kanilang bahay,nakatakas ito" narinig niyang sabi ng isang lalaki
"Halughugin niyo ang buong bahay!" Sigaw dito ng matanda
"Parang awa niyo na wala kaming alam sa mga sinasabi niyo" narinig niyang pag mamakaawa ng kanyang ama. Bumuhos ang kanyang luha sa labis na takot at pag aalala
Ngunit tila walang naririnig ang mga tao sa pagmamakaawa ng tatay niya. Lahat sila ay nagmistulang bingi at bulag sa nangyayari
Wala talaga siyang alam sa nangyari kila Angela nasabi lamang niya ang mga iyon noon dahil sa labis na galit ngunit walang kapatotohanan iyon. Kailan man ay hindi niya kayang manakit o kumitil man lang ng buhay ng isang tao.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Horror Stories
HororSa mundong ibabaw ay may mga bagay na hindi maipaliwanag may mga bagay na hindi nakikita ng mata at may mga bagay tayung pilit hindi pinapansin pero nakakapagpakilabot sa atin. minsan ang totoo ay nagiging imahinasyon ang imahinasyon ay nagiging tot...