Kulam 3

111 6 0
                                        

Hindi makatulog si Alexa

Pabaling baling siya sa higaan

Nakabukas lang ang ilaw ng kanyang kwarto

Nasa kalagitnaan siya ng pagbibilang ng tupa ng biglang nawalan ng kuryente

Napabalikwas siya bigla

Nanginginig ang kamay niyang kinapa ang cellphone niya para gawing ilaw

Dahan dahan niyang inilibot ang liwanag sa kwarto niya

Malikot ang kanyang mga mata

Tumigil ng ilang segundo ang kanyang pag hinga ng may mapansing may mabilis na dumaan sa may gilid ng kanyang mga mata

Iniharap niya ang ilaw doon ngunit walang tao

May dumaan ulit sa kabilang gilid

Ngunit wala ulit

Mangiyak ngiyak na siya sa sobrang takot

Hanggang sa makaramdam siya ng isang presensiya sa paanan ng kanyang kama

Unti unti nitong hinihila ang kanyang kumot

Inilawan niya ito ngunit wala siyang makita

Hinigpitan niya ang hawak sa kumot niya ngunit malakas ito

Nakita nya ang mga kamay nito

Unti unting gumagapang palapit saknya

Mahahaba at matatalim ang mga nabubulok nitong mga kuko

Naglalabasan ang mga malalaking ugat sa kanyang kamay

Medyo nangingitim din ang balat

Isang babaeng may mahahabang buhok ang nakatabing sa muka nito

Ang unti unting gumagapang sa kanyang kama

Nababali bali pa ang leeg at katawan nito

Rinig na rinig niya ang bawat lagutok na tunog nito habang papalapit saknya

"Wag please! Wag" pikit matang pakiusap ni Alexa

Tumigil ito sa harap niya

Amoy na amoy niya ang napakabaho nitong hininga

Amoy patay na daga

Ramdam niya na unti unti nitong nilalapit ang muka saknya kahit nakapikit dahil nasasagi ng mga buhok nito ang kanyang balat

May kung anu ding pumapatak sa kanyang muka. Parang malapot na bagay na nang gagaling sa bunganga nito

Napaka lamig nito at napaka sangsang ng amoy

Inumpisahan niyang nagdasal ngunit lalo lang siyang nanghilakbot ng sabayan siya nito at humalakhak pa na parang demonyo

Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman niyang wala na ito

Dahan dahan niyang minulat ang knyang mga mata

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat

Hindi umaayon ang panahon saknya

Ginusot gusot niya ang kanyang mga mata upang mag adjust sa dilim.

Kumidlat na naman

Nagbigay ito ng panandaliang liwanag sa paligid

Wala na yung babae kanina

Nakahinga siya ng maluwag ngunit hindi pa din nawawala ang kaunting pangamba

Dahan dahan niyang ibinaba sa kama ang kanyang mga paa

Tumayo siya at lumingon lingon ulit sa paligid

Malakas pa din ang buhos ng ulan

Lalakad na sana siya ng may malakas na pwersang humatak sa kanyang mga paa

Natumba siya at tuluyang nadapa

Hawak niya ang knyang ilong na dumudugo sa lakas ng impact

Napakalamig ng kamay ng humahawak sa knyang paa

Nag sisisigaw siya ng maramdamang pilit siya nitong hinihila papunta sa ilalim ng kama

Na gagasgas na ang sahig sa mga kalmot niya dito

Matindi siyang napadaig ng maramdamn ang pagtarak ng matutulis nitong kuko sa kanyang mga paa

Pilit siyang lumalaban at sumisipa para makatakas

Isang pang malakas na sipa at nakawala siya dito

Dali dali siyang patakbong gumapang sa kabilang dulo

Kitang kita niya ang mapupulang mga mata na tila umiilaw sa ilalim ng kama

Unti unting gumagapang palabas doon ang babae

Sumasayad sa sahig ang nakalabas na nitong mahahabang dila

Sigaw siya ng sigaw

Gusto niyang tumakbo ngunit sobrang kirot ng kanyang paa

Pinilit niyang pumunta sa pintuan ng kwarto upang buksan ito ngunit hindi ito mabuksan

Kinakalabog niya ang pinto pero sa lakas ng ulan at kidlat ay tila walang nakakarinig saknya

Lingon siya ng lingon sa likod habang unti unti ng nakakalapit saknya ang babae

Umikot ang ulo nito

Nasa baba na ang mga mata at nasa taas na ang bunganga

Para itong gagambang nag lalakad

Isa pang katok at sigaw niya ngunit huli na dahil nakalapit na saknya ito

Hinila siya saka itinali sakanyang leeg ang mahahaba nitong dila

Dahan dahan siyang iniaangat sa era habang nakasakal pa din saknya

Nawawalan na siya ng hininga

Pilit siyang kumakawala pero kulang ang lakas niya

Maya maya pay isang luha ang tumulo sa knyang mga mata kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga kamay.
________

Compilation Of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon