Bagong lipat ako sa aking bagong bahay.
Naglipana ang krimen sa bayan namin.
Laging may napapabalitang mga babaeng nawawala
Nakakatakot dahil maski ang kanilang mga katawan ay hindi man lang matagpuan
Sabisabi na kinuha daw sila ng aswang at kung anu anu pang balibalita
Kalokohan
Nasa kalagitnaan ako ng pag aayus ng aking mga gamit ng may marinig akong katok sa pinto
Napakunot noo ako dahil wala naman akong inaasahang bisita
Dahan dahan akong pumunta sa pinto at binuksan iyon
Bumungad sa akin ang isang babaeng halos kasing edad ko lang
"Hello"nakangiti niyang bati sakin" ako nga pala si Amina, balita ko bagong lipat ka dito, eto oh tikman mo yung niluto ko" magiliw niyang sabi sabay abot sa akin ng pinggan
Napatingin ako sa dala niyang pagkain
Hipon na may butter at Bawang
Napangiti ako "maraming salamat"
"Kapitbahay mo ako, jan lang ako sa tabi ng basketball court nakatira. Anu palang pangalan mo?" Napaka energetic niya.
"Rachel" tipid na sabi ko
"Hi rachel, kinagagalak kitang makilala" nakipag beso beso siya sakin. Feeling close agad" kapag may kailangan ka, punta ka lang sa bahay namin. Sige aalis na ako mukang naistorbo kita"
" sige, salam--"natigilin ako
May napansin kasi akong isang babaeng nakatayo sa may bintana katapat lang ng bahay ko
Tila nagmamasid sa amin
Napatingin din si Amina dito
"Ah si Luna yan" narinig kong sinabi niya
"ganun ba"
"Wirdo ang babaeng yan, laging nakaitim parang laging namatayan" medyo mahinang sabi niya kahit kaming dalawa lang naman ang nakakarinig
"At isa pa, hindi ko siya nakikitang lumalabas gabi lang ata, walang kumakausap sa babaeng yan maski ang lumapit ay natatakot sila" dugtong pa ulit niya
"Ganun ba, muka naman siyang mabait" kumento ko
"Ay nako, kung ako sayo iwasan mo siya. Mahirap na. Puro krimen ang balibalita ngayun, baka nga siya yung aswang na sinasabi nila"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Oh siya, alis na ako bye" tumalikod na nga si Amina at umalis
Napaikot ako ng mata
Sabay tingin sa bigay niyang pagkain
Itinapon ko ito sa basurahan
Hindi ako kumakain ng pagkain na bigay ng mga taong hindi ko pa masyadong kilala.
Bago ako pumasok ay napatingin ulit ako sa tapat na bahay
Wala na siya sa pwesto niya kanina
"Weird"
Kasalukuyan akong nag aayus para sa pag pasok sa trabaho
Napatingin ako sa orasan
5:30 na ng hapon
Night shift kasi ako
6 pm ang pasok ko hanggang 2 am
" Rachel" napalingon ako sa katrabaho ko
"Oh ikaw pala Trishia" napangiti ako saknya habang papalapit siya sa akin
" balita ko bagong lipat ka raw?"
"Oo, mas malapit dito sa trabaho"
"Hindi kaba natatakot? Sunod sunod na ang balibalitang mga nawawalang babae" medyo takot na sabi sakin ni trishia
Napangiti ako
"Ano? Aswang na naman?"
"Bakit ba ang tapang tapang mo" di makapaniwalang tanung niya sakin
"Ee kasi naman, wala pa silang natatagpuang katawan, malay mo nagtanan lang" pailing iling ko pang sambit saknya
"Grabe ka talaga rachel, ewan ko sayo.bahala ka uwe na ko, ingat ka nalang din mamaya" di makapaniwalang sabi sakin ni Tricia bago tuluyang umalis
1:50 am na pala.
Ilang minuto nalang at uuwe na ako
Nurse nga pala ako sa isang hospital
Nag handa na ko ng gamit sa pag uwe
Habang pauwe
Napatingin ako sa kanto papasok sa amin
Madilim
Naglalakad ako mag isa
Wala na kasing masakyan
Kaya nilakad ko nalang
Napaka lamig ng ihip ng hangin
Ang tahimik ng paligid
Natigilan ako ng mapansin ang isang babaeng nakaupo sa isang bench sa tabi ng poste ng ilaw
Mag isa lang ito
Ng makalapit ako ay napansin ko ang maputla niyang balat parang hindi nasisinagan ng araw
Nakaitim siya
Bahagya din akong nagulat ng bigla siyang lumingon sa akin
Si Luna
Yung babae sa tapat ng bahay namin
Alanganin may ngumiti ako saknya
Pero wala man lang ekspresyon ang muka niya
Nag lakad lang ako ulit at nilampasan siya
Ng medyo makalayo na ako ay tumingin uli ako pabalik saknya
Nanlamig ako
Dahil nakatingin pa din siya sakin
Walang ekspresyon
Dali dali akong naglakad na halos patakbo na
Di ko namalayan ay may nakabangga akong babae
Tumigil siya at nag sorry
Nakita ko ang muka niya
Umiiyak ito
May nakita din akong lalaki palayo sa kinaroroonan ko
Baka nobyo niyaNag away siguro
Di ko nalang ito pinansin
tumakbo ulit yung babae papunta sa dereksiyon ng dinaanan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Horror Stories
HorreurSa mundong ibabaw ay may mga bagay na hindi maipaliwanag may mga bagay na hindi nakikita ng mata at may mga bagay tayung pilit hindi pinapansin pero nakakapagpakilabot sa atin. minsan ang totoo ay nagiging imahinasyon ang imahinasyon ay nagiging tot...