CHAPTER 12: Awkward?

33 1 0
                                    

Deni's POV

"Ah... Uh.. T-thankyou...


....Carlo" sabi ko habang nakatitig parin sa kanya at syempre gulat na gulat!!!

Siya na ba talaga ito??

Ang laki ng pinagbago niya. Parehas sila ni Jason na nag iba ng itsura.. Lalo narin siyang gumwapo...

WHAT?!

Did I say Gwapo!??

>_____________<

Erase.

Erase.

ERASE DENI!!

Siya ang EX mong walang kwenta!!

"Uhm.. Kamusta ka na Deni?" tanong niya.

=__________=

Seriously? Tinatanong pa ba yan? Matapos mo kong ipagpalit sa iba sa tingin mo masaya ako?!! Eh. Kung nginungudngod kita ngayon dyan? Dejoke.

Hays. Eto Caryl.. Nasasaktan parin sa pag iwan mo saken :((

"Ah.. O-okay lang ako.. I-ikaw ba? Kamusta ka na?" I asked.

Mahal na mahal parin talaga kita kahit sinaktan at niloko mo ako. Hindi ko alam kung bakit ang ganda kong TANGA!!

"Okay lang din. Anong course ang kinuha mo? Ako kasi Business Administration :)" he said while smiling. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang ngiti niya.

Pakiramdam ko nawala lahat ng galit ko sa kanya dahil lang sa isang ngiti niya na matagal ko ng gustong makita ulit.

Pero di nga? Buti pa yung course ko tinatanong mo kung ano? Pero ako? Di mo manlang ba tatanungin kung kumain na ako? Kung kumakain ba ako ng maayos? Kung naka move on na ba ako? Kung mahal parin kita? =______=

Hays. Oo na. Alam ko namang wala ka ng feelings sakin eh. Ge okay lang (__.__ )"

"Pareho lang tayo. Saan ang next class mo? Ako sa Room 020." sabi ko sabay tingin dun sa building kung saan ang room ko.

Kung nakikita siguro ni Cherry ang ginagawa ko ngayon baka kanina niya pa binungangaan si Carlo at... Ako!

"Ahaha! Parehas tayo ulit. Tara sabay na tayo?" - Carlo. Same ulit? Baka meant to be talaga tayo?! =____= weh. Asa ka pa Deni Allison Garcia.

"Sige :)" sagot ko.

Habang naglalakad kami ay medyo magkalayo kaming dalawa. Nasa likod niya ako at palingon-lingon naman siya saken.

Ang awkward na.

Unlike DATI!!

Namimiss ko na yung mga panahon na habang naglalakad kami noon ay nagkukulitan kaming dalawa. Kinikiliti niya ako. Niyayakap sa likod. Hays :(

Sinaktan niya ako at alam ko na kailangan ko na siyang kalimutan pero bakit ganun? Hindi ko magawa. Lalo na ngayon na nagkita kami ulit. Bumalik lahat. Lahat ng alaala namin.

Ganun ko ba talaga siya kamahal? O ganun ba ako katanga para mahalin parin siya sa kabila ng mga ginawa niya saken? Di ko alam. Di ko talaga alam.

"Diba si Carlo yun?"

"Oo nga no! Lalo siyang gumwapo oh!"

"Teka si Deni yun ah? Bakit magkasama sila?"

"Baka sila ulit?"

"Hindi siguro. Grabe kaya yung ginawa sa kanya ni Carlo. Halos magpakamatay na nga daw siya diba?!"

"Tsk. Tsk. Kawawa naman siya nun."

"Pero bagay naman sila diba?"

Pinagbubulungan na naman nila kami! Grabe. Rinig na rinig kaya! Hello? Mga chismosa talaga. Hininaan pa nila. Bakit di nalang nila lakasan eh rinig parin naman namin!

Nakakainis lang dahil kinakaawaan nila ako >.< mga bwisit. Pag pinatulan ko sila baka mas maging kawawa pa sila kesa saken! Tokneneng.

*close fist*

"Wag mo nalang sila pansinin. Di naman totoo lahat ng sinasabi nila eh." - sabi ni Carlo habang nakatalikod parin saken.

Teka... Ulitin natin.

"Wag mo nalang sila pansinin. Di naman totoo lahat ng sinasabi nila eh."

Loading...

Hindi daw totoo? Ano ibig niyang sabihin dun? Na hindi totoo yung ginawa niya saken? Teka.. Parang may mali eh.. Ang gulo @.@

As Im looking at his back. I feel na malungkot siya.. May gf siya diba? Di kaya. Nag away sila?

Oo Deni. May GF na siya kaya tumigil ka na..!!

Oh tapos lalapit lapit siya saken porket nag away sila ng GF niya?!! Aba...

Pero. Ang gulo talaga nung kanina niyang sinabi eh. Tsk! Naku-curious ako!!! Hanubaaa~ wait.

"Huh? Anong ibig mong sabihin Carlo?" I asked him.

Ang gulo talaga eh. Parang may gusto siyang sabihin saken. Meron nga ba Carlo?? Please. Sabihin mo na kung meron man :(

Pero imbis na sabihin niya lumingon siya saken at ngumiti.

"Wala. Tara pasok na tayo." binuksan niya yung pinto.

Nandito na pala kami sa Room 020, di ko namalayan. Lutang eh.

"Ah. Oo. Tara.." I said.

Pumasok na kami sa loob at may prof na pala.... LATE!!

-------------------------------------------------------------

Author's POV

Ang drama ba? Hehehe..

Naku.. Mukhang tinamaan na naman si Deni kay Carlo ano po?

At parang may gustong sabihin si Carlo kay Deni??! Meron nga ba??

Ano naman kaya yun??

Do you think mahal parin ni Carlo si Deni?? @.@

Ang gulo.

Hahahahaha!!!

Basta. Keep reading lang po ah?!

Wait for the other chapters :)

VOMMENTS naaaa!!!

- ceiceii :) -

&quot; 6 Signs To Find My True Love &quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon