You were just a Dream - Part 1

703 11 6
                                    

You were just a Dream (Short Story)

Written by conflictjumper.

---
PART 1

[EDITED]

Kyla Nicola Dizon babaeng may lihim na pagtingin sa kapatid ng iniidolo niyang artista. Lame right? Dahil nagkagusto nga siya, sa taong imposible pa. Para sa kanya ayun na ang ang kanyang kasiyahan, ang makita ang litrato nito sa iba't ibang social networking sites. Mapa stollen o actual ang kuha ay sinasave niya lahat sa cellphone niya.

Tuwing gabi tinitingan niya lahat ang pictures nito na naka save sa cellphone niya. Nangangarap. Humihiling. "Sana makita na kita. Personally." Ayan lagi ang ang kanyang bulong sa tuwing tinitingnan niya ang litrato nito. Alam ng mga kaibigan niya ang tungkol sa kanyang kabaliwan kaya madalas inaasar nila ito.

Makalipas ang ilang taon ganon parin ang ruta niya sa buhay. Kumain, magbasa, matulog, titigan ang litrato ng kanyang long time crush na ngayun ay isang sikat na din na artista. Inshort parang siya ang pumalit sa pwesto ng kuya niya na ngayun ay may asawa na.

Sari- saring indorsement ang dumadating kay Xanderson Jack (pangalan ng long time crush ni Kyla), marami rin itong commercial at mga palabas sa telebisyon.

Lalong lumalim ang pagtingin ni Kyla kay Jack. Kada pumupunta siya sa mall at may nakikita siyang poster nito ay agad niya itong binibili. Nag kaubos ubos na nga ang ipon niya kakabili sa mga albums, posters, at kung ano ano pang bagay na may kinalaman kay Jack.

---

Nakahiga ngayun sa kama si Kyla, tinitingnan niyang muli ang mga pictures ni Jack sa cellphone niya. Patingin tingin din siya sa mga posters na naka post sa buong kwarto niya. Opo, buong kwarto niya wala kang makikita kundi mukha ni Xanderson Jack. Magmula sa unan, kumot, bedsheet, cover ng laptop, stickers, at cabinet. Maski yata sa banyo meron siyang poster ni Jack.

"Natapos na ko sa highschool, pero hanggang ngayun...hindi pa rin kita na mimeet. Sumali na ko sa meet and greet pero hindi ako napalad na manalo, laging muntikan lang. Alam ko naman na imagination ko lang lahat ang mga gusto kong mangyari kasama ka. Sikat ka...ako di hamak na die hard fan mo lang."

"You are just a dream. Mahirap kang abutin... "

Kinahapunan umalis ng bahay si Kyla, piyesta kasi sa kanila at gusto muna niyang mamasyal at mag libang libang.

Marami nang tao sa plaza, marami na ring mga makukulay na ilaw na makikita na nakadekorasyon sa mga paligid.

Naglakad lakad lang siya, nadaan siya sa isa mga tindahan. Tumingin siya dun ng pwedeng bilhin, nakakita siya ng poster ni Xanderson Jack kaya naisipan niyang bilhin ito. Lahat kasi ng makikita niyang poster ni Jack ay binibili niya at idinidisplay sa kwarto niya. Feeling niya daw kasi kasama niya na si Jack pag ganon.

Kukunin niya na sana yung poster nung may bigla ring kumuha nito. Napatingin sya dun sa kumuha, na weirduhan siya kasi naka jacket ito at naka shades, may nakalagay pang cap sa ulo nito. "Ahm, kukunin mo rin ba?" tanong niya dito.

"Nope. Tinitingnan ko lang, hindi ko bibilhin." Binatawan noong weird guy ang poster. "Bakit?" tanong nito ulit sa kanya.

"A-ah, ano bibilhin ko kasi..." hindi niya alam kung bakit parang na didisturb siya doon sa presence no'ng weird guy. Pamilyar kasi ang boses nito sa kanya. Pero imposible namang mapadpad iyon sa lugar nila. Lalo na't medyo malayo sa kabihasnun 'yun.

Habang nagbabayad si Kyla sa aleng nagtitinda ng poster ay nagtanong ulit ang lalaki sa kanya. "Fan ka ba niya?"

Tumingin siya dun sa lalaki at ngumiti. "Oo naman. Mula pa nung hindi pa siya artista ang dami ko ng picture sa kanya. Lalo na ngayun na artista na siya at sikat na sikat na sa showbis world. Tadtad na nga yata yung bahay namin ng poster niya eh!" At siya ay tumawa.

"I see. Inshort addicted ka pala sa kanya?"

"Hindi lang addicted. Attracted pa kamo. Crush ko kaya 'yun, mula nung nakita ko yung picture niya kasama yung Kuya niya naging crush ko na siya. Ang gwapo niya kasi." At pagkatapos ay humagikgik siya. Napailing naman ang lalaki.

Tumingin siya sa kausap. Naisipang tanungin ito sa opinyon na gusto niyang malaman dati pa. "Sa tingin mo... masaya kaya siya sa mundong ginagalawan niya?"

"Maybe yes, maybe no..." Maikli lamang na sagot nito.

"Huh?"

"Maybe no, kasi hindi madali ang pinasukan niyang mundo. Sa mundo ng showbiz lahat ng artista wala ng privacy." Hindi siya nag salita at nakatitig lang siya dito. "...maybe yes, kasi pangarap niya siguro talaga 'yun. Kaya kahit anong consequences, haharapin niya."

Tumango tango siya. "Bakit ang dami mo yatang alam sa kanya? Fan ka rin ba?"

Ngumiti ito bago sumagot. "Hindi. Sinagot ko lang ang tanong mo. Based on my opinion ko lang din lahat ang sinagot ko sa'yo..." kalmado nitong sabi.

"MISS, ito na yung sukli mo!" nagulat naman si Kyla doon sa aleng nagtitinda ng poster nang sumigaw ito at kinalabit pa siya.

"Ate makasigaw naman. Kaharap mo lang kaya ako."

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka lumilingon sakin. Nangangalay na ko kakaabot sayo ng sukli mo."

"Ay, sorry po!" kinuha niya ang sukli agad dito. Aalis na sana siya ng maalala niya na may kausap nga pala siya.

"Ahm--" hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita na wala na ang lalaki sa tabi niya.

"Nasan na 'yun? Nalingat lang ako, nawala na..." napakamot na lang siya ng ulo bago umalis sa pwesto niya. Nagpasiya na siyang umuwi dahil gabi na rin, gusto niya pa nga sanang magtagal kaya lang tinext na siya ng mama at papa niya na umuwi na.

***

You were just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon