You were just a Dream - Part 2

318 11 6
                                    

PART 2

[EDITED]

Maaga nagising si Kyla. Nag almusal at naligo lang siya atsaka umalis ulit ng bahay. Siya nga pala sembreak nila ngayon kaya nakakapaglakwatsa siya anytime na gusto niya.

Pumunta siya sa bahay ni Dallen ng umagang yun, isa sa mga close friend niya.

"Bruha! Anung nakain mo at napadpad ka dito." tanong nito sa kanya habang pinapatuloy siya nito sa bahay nila.

"Wala lang. Aayain sana kita gumala. May festival kasi ngayun sa bayan. Baka gusto mo lang naman samahan ako."

"Oo naman. Go ako sa kahit saang gala! Mag papalit lang ako saglit." At pagkatapos ay iniwan siya nito sa may sala at umakyat sa taas.

Umalis sila sa bahay ni Dallen bandang alas diyes pasado at nag tungo sa bayan para mapanood ang nasabing festival. Kalahating oras lang ang inabot ng biyahe.

Marami ng tao sa bayan dahil sa festival. Masaya din ang maging festival dahil may iba't ibang competition katulad ng street dancing at drum and lyre competition.

Tinapos lang nila ito at umuwi na din. Pagkauwi ng bahay ni Kyla ay humarap siya sa kanyang desktop at nag bukas siya sandali ng facebook. Wala namang pinagbago ang facebook niya, ganon pa din. May mga notifications siyang natanggap kaya chineck niya ito. Pero puro facebook game request lang lahat ang laman ng notification box niya. Nag log out na lang siya at nahiga sa kama.

"Xanderson, Xanderson, Xanderson," Ayan ang paulit ulit niyang sinasabi sa tuwing bored na siya sa bahay nila at buhay niya. "Makita na sana kita."

---

The next day ganon ulit ang routine niya. Pero may naiba naman, hindi siya gumala o lumabas ng bahay ng araw na iyon. Magdamag lang siyang nagbasa ng storya sa wattpad. Bukod sa pag gagala kasi ayan ang hobby niya. Mag basa at pagkatapos ay pataasin pa lalo ang standards niya sa mga lalaki.

Nangingiti pa siya habang nagbabasa ng bigla siyang tawagin ng nanay niya para utusan bumili ng ulam. Napakamot siya sa ulo at inis na bumangon. "Ano ba yan! Malapit na ko matapos eh. Nabitin tuloy ako." Reklamo niya.

Nasa market na siya para bumili ng mga pinabibili ng nanay niya sa kanya. Nung nabili niya na lahat, naglakad na siya pauwi habang tangay tangay sa bibig ang isang lollipop. Malapit lang naman kasi ang bahay nila sa public market.

Habang naglalakad ay may natanaw siyang pamilyar na tao. Nanliit ang mga mata niya habang tinitingnan niya iyon. "Si kuyang weird ba 'yun?" bulong niya sa sarili habang pinag mamasdan ang lalaking naglalakad na iyon.

Pinagtitinginan ng mga nakakasalubong niya ang lalaki dahil naka jacket, naka shades, at nakacap nanaman ito kahit katirikan ng araw. Pawang hindi naiinitan kahit sobrang init ng panahon noong araw na iyon.

Lumagpas na ang lalaki sa kinatatayuan niya. Hindi siya pinansin man lang o namukhaan. Napataas naman ang isang kilay niya doon at naisipang sundan ito.

Tahimik niya lamang itong sinusundan nang mukhang nakahalata ito at bigla ay humarap sa kanya. "Are you following me?"

Nagulat siya doon at agad nag isip. "Huh? Anong sinasabi mo?" Pag mamaang-maangan niya. "Sinusundan? Dito ang bahay ko." Dagdag niya at tumikhim.

"You can't convince me with that. You're not good at lying. Stop following me."

"H-huh?"

Hindi na siya pinansin nito at nagpatuloy na lang uli ito sa paglalakad. Pero dahil lubos na matigas ang ulo ni Kyla, sinundan niya pa rin ito.

"T-teka Kuyang weird!" Hinawakan niya ang laylayan ng jacket nito para pigilan.

He then heard the guy hissed before turning his head to look at her again.

"What? Kuyang weird?"

Mataman niya muna itong tiningan bago bitawan ang jacket nito at tumango.

"Weird ka naman talaga eh. Sige nga, sinong matinong tao ang magsusuot ng ganyan sa ganito kainit na panahon? Yung iba nga halos maghubad na sa init pero ikaw balut na balot. Bakit ba kasi ganyan outfit mo? May tinatago ka ba?" Hindi niya mapigilang sabihin.

"Bakit ba gusto mong malaman?" tanong nito sa kanya, inis na ang tono.

"Wala lang. Curious lang ako."

"Sorry. But it's only for me to know." Lalakad na sana ulit ito ng muli niya itong pigilan. Narinig niya na ang buntong hininga nito marahil ay sa inis na sa kanya.

"Wait! Anong pangalan mo? Kahit 'yun na lang sabihin mo sa'kin." Pangungulit niya. Hindi niya rin alam kung bakit niya ginagawa ito, hindi niya naman ito kilala pero parang may iba sa pakiramdam niya.

"Pag sinabi ko ba...tatantanan mo na ko?" He asked sounds deeply annoyed.

"O-oo." She answered, almost a whisper.

"My name is Jason. Happy? Now let me go and don't follow me again." Madiing sinabi nito at mabilis na umalis sa kanyang harapan.

Tinitigan niya pa rin ito habang mabilis itong naglalakad, na weweirduhan talaga siya dito kasi parang takot na takot ito sa mga tao.

"Jason? Totoo kaya 'yun o sinabi niya lang para tigilan ko siya?" Tanong niya sa sarili.

Natapos ang araw na iyon na isa 'yun sa laman ng isip niya. Gabi na at kasalukuyan ng nagpapahinga si Kyla nung biglang nag vibrate ang cellphone niya sa kanyang tabi.

From: Erickha (pronounced as Ericka. Isa sa mga kaibigan ni Kyla)

There are dreams and imagination that can also be true to life. Just don't stop dreaming.

"I hope so..." mahina niyang sinabi at nag buntong hininga.

Nilibot niya ang paningin niya sa kwarto niyang punong puno ng poster ni Jack. Ang kaisa-isang inidolo niya sa buong buhay niya. "Sana nga. Siguro pag nangyari 'yun, ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo..."

"...sana totoo yung kasabihan na 'Dreams are meant to be happen'." She smiled sadly.

***

You were just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon