You were just a Dream - Part 4

243 8 5
                                    

PART 4

[EDITED]

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Kyla sa nakikita niya. Si Jack at si Jason aka kuyang weird ay iisa?

Hindi niya alam kung anong gagawin, natataranta na siya. Pilit niya itong tinayo at naging successful naman siya, inalalayan niya ito sa dahan dahang paglalakad hanggang sa makarating sila sa sofa. Iniupo niya ito doon at inalalayang sumandal.

Kumuha siya agad ng first aid kit at ginamot ang mga pasa at sugat nito sa mukha. Iniisip na hindi sana ito mag tagal dahil sayang ang gwapong mukha nito.

Nanatili pa rin nakabantay si Kyla kay Jack. Hanggang ngayon ay tulog pa rin kasi ito. Nakatingin lamang siya dito, pawang inaalisa ang bawat detalye ng mukha nito kahit kabisado naman na niya. Napatingin siya mga bandages nito, napangiwi siya sa inis.

"Sumpain sana gumawa nito sa'yo! Nakakainis!" Irita niyang bulong at nag buntong hininga.

Buong magdamag nakabantay si Kyla kay Jack. Gising na si Jack pero si Kyla humihilik pa rin sa kanyang tabi, hindi naman makakilos si Jack kasi masakit pa rin ang katawan niya dahil sa mga pasa at sugat na natamo niya kagabi.

Hindi nagtagal ay nagising na rin si Kyla. Nagulat pa ito ng makitang gising na siya. Agad itong umayos at sinuklay suklay pa ang buhok gamit ang daliri. "Ayos ka na ba?" Marahang tanong ni Kyla kay Jack.

He glance at her. Tumango ito pagkatapos.

Lumunok si Kyla, gusto ng itanong ang isang bagay. And she did.

"T-teka, ikaw ba talaga si Xanderson Jack?" She almost stuttered the words.

Umiwas naman agad ng tingin ang lalaki at sandaling napapikit. Gusto niya mang itanggi na hindi siya ang sinasabi nito ay hindi niya na magawa dahil bakit pa siya mag sisinungaling kung nakita naman na nito kung sino talaga siya. "Yeah..."

Kyla gasped. Hindi pa rin makapaniwala na kaharap niya na ang matagal niya ng idolo.

"Pano ka napunta sa lugar namin? Medyo malayo sa Manila 'to, ah! And why are you hiding yourself?" Sunod sunod na tanong niya. Nag buntong hininga naman si Jack. Ayaw niya mang sumagot, may utang na loob na siya dito dahil niligtas siya nito kahit papaano. Because who knows what will happen to him if hindi siya napadpad sa bahay nito at nakahingi ng tulong dito. He can probably die dahil sa bugbog na natamo.

"Gusto ko lang lumayo sa mga chismis. Sa mundo ko, gusto kong maranasan maging normal muli ang buhay ko. No cameras following me at walang mga matang nag hihintay na mag kamali ako." He shrugged. "And obviously naka disguised ako kasi ayokong malaman ng media na nandito ako."

Tanging pag tango na lamang ang nasagot ni Kyla. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

"Just please, 'wag mong sasabihin na nandito ako. Ayokong hanggang dito masundan pa rin ako ng mga media. Chismis nanaman kasi. Nakakasawa na."

She managed to give him a small smile kahit sa loob loob niya ay nag wawala na ang puso niya. She can't really believe this is finally happening to her. Hindi niya akalain na makakausap at mag kakalapit sila ng ganito ng idolo niya. It felt surreal but magically beautiful. Kung panaginip lang ito ay sasampalin niya talaga ang gigising sa kanya.

Basta 'wag lang parents niya dahil baka siya ang masampal.

"Sus! Ako pa secret keeper ako 'no. Wala kang magiging problema sa'kin. I can promise you that!" She almost beamed. Titig na titig rito. She bit her lips nervously. "Ahm, pero pwede bang makahingi ng isang request?" Dahan dahan niyang sinabi. Nag dadalawang isip pa kung sasabihin niya ba ang gusto niyang sabihin.

You were just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon