You were just a Dream - Part 6 (Finale)

293 13 3
                                    

Part 6 (Finale)

[EDITED]

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na muling bumalik pa si Jack sa kanila. Ilang araw, buwan ang lumipas ay hindi na ito nag pakita. Nawala ito na parang bula. At walang kakakalam kung saan na ito nag punta.

Minsan ay umaasa siya na makakasalubong niya muli ito sa daan katulad ng dati pero hindi na iyon nangyari. Ilang beses niyang sinubukan na hanapin ito dahil pakiramdam niya kahit papaano ay naging kaibigan siya nito. Na naging parte siya ng buhay nito kahit paano. Pero lumipas ang mahabang panahon na hindi na nga ito nag pakita.

Maraming nag sabi na baka umalis ito ng bansa pansamantala para samahan ang Ina na may sakit. Maaring ito nga ang dahilan sa biglaang pagkawala niya. At naiintindihan naman niya iyon. Ang kinalulungkot niya lamang ay bakit hindi man lang ito nag paalam sa kanya.

Umasa na siya eh. Umasa sa paraan na akala niya ay kaibigan niya na ito. Sa mga sinabi nito ng gabing iyon, she felt it, she really felt his sincerity. Pero bakit nga ba siya umasa? Wala naman itong sinabi na mag kaibigan na sila. Nag pasalamat lamang ito dahil sa ginawa nilang pagtulong. Iyon lamang.

So she gave up the idea of finding him. Nag focus na lamang siya sa kanyang pag aaral at pag tulong sa mga magulang sa tinayo nitong negosyo. Kung mag kikita naman kasi sila ay mag kikita sila. She doesn't need to find a person who's been hiding for a long time. Hindi niya kaylangan hanapin ang taong ayaw naman mag pahanap.

Kung tatanungin naman kung idolo niya pa rin ito hanggang ngayon, oo ang magiging sagot niya. Nasaktan man siya nito ng hindi sinasadya, hindi naman mababago nito ang fact na napasaya siya nito. Na isa ito sa mga taong nag bigay inspirasyon sa kanya. At noon pa man, kahit noong hindi pa niya ito nakikilala ng personal ay pinangako niya na sarili niya na kahit anong mangyari...susuportahan niya ito hanggang dulo.

She's a fan. And one of the fan's responsibilities was to be happy for their idols whatever path they may take. Whatever life they may choose. A fan's responsibilities was to support their idols until the end. Because they loved them so much, they will accept whatever their idols may gave to them. Hindi nila dapat ito pangunahan sa mga desisyon nito dahil una sa lahat, hindi nila hawak ang buhay nito. Fans lamang sila. They should know their limitations. They should know their place well in their idol's heart.

And she know that very well. Kaya ng isang araw ay makita niya muli si Jack sa TV after a long hiatus at iniinterview ng isang tv network ay nabato na lamang siya. Hindi niya malaman ang gagawin. Gusto niya mang puntahan ito at kamustahin ay pinag bawalan niya ang sarili.

"You're just his fan, Kyla. A fan. Not his friend." Paulit ulit niyang sinasabi sa sarili. Napapikit siya at nag buntong hininga na lamang.

Tumingin muli siya sa TV at pinakatitigan ang lalaking minsan ay hindi niya akalaing makakasama niya. Despite of so much emotions she's feeling while looking at him, she can't help but feel happy knowing that he's okay. That's he's now back on his track.

That they are now back as her being a fan and him being her idol.

"You were just a dream that once came true. I thought I'll be able to finally reach you but I am really stupid to wish for that. To wish for the ideals.  Because I know whatever may happen you'll stay as the star that above my reach. A dream that will never come true." She whispered, smiling. Looking at his face that smiling too.

Acceptance finally enveloping her. A thing that she needs from the start.

END.

---
And yes, I changed the ending. Sorry. 😆

You were just a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon