01

92 3 4
                                    

01. Truth or Dare

"Carrie, tara laro wala naman si ma'am eh" Yaya ng kaibigan ko saken.

Wala kase si ma'am at may emergency raw sya. At nagyaya sila mag laro ng truth or dare.

"Ayoko Sophie" Pag tanggi ko. Alam ko na kahihinatnan ko dyan eh, kaya mas pinili ko nalang tumanggi.

"Kj mo Carrie" Asar pa nila.

"Tara na ayaw mo non pag nag dare ka tulungan kita sa crush mo haha" Sabi pa nya at kumindat.

Ay siraulong babae talaga to oh.

"Tara na kase Carrie" Sabi pa ng isa naming kaklase na sasali din ata.

Wala nakong nagawa at umupo nako sa sahig at tumabi kay Sophie. Marami rin naman kaming maglalaro at puro babae pa.

Katulad ng kung paano laruin ng iba ang truth or dare ay ganon din ang ginawa namin. Naglagay sila ng isang bote ng mineral water sa gitna na paiikutin nila at kung kanino tumigil sya ang tatanungin.

Sa rules nila isa lang ang pinapayagang magtanong o magutos. Mabuti na yon na isa lang di katulad ng dati na lahat ata sila.

Nagsimula na at unang tumapat iyon sa isa naming kaklase.

"Truth or Dare?" Tanong ni sophie sa kaklase naming babae na sakanya tumigil ang bote.

"Truth, Sophie" Sabi pa nya.

" Okay sinong magtatanong?"

"Ako nalang Sophie" Presinta ng isa.

"Go, bilisan naten" Sabi pa ni Sophie at pinagtanong na yung babae.

"Lei, totoo ba na may gusto ka kay Sean?" Pagkatanong nya non bigla nalang namula yung babae.

Well i guess its true then. Medyo nakaramdam lang ako ng inis ewan ko baket. Nagulat ako ng bigla akong sikuhin ni Sophie sa tagiliran.

Nang lumingon ako sa kanya ay nginisian nya ko at bumulong sa tenga ko.

"Mamaya teh kapag tumigil sayo yung bote mag dare ka at ako ang magtatanong sayo" Bulong nya sa tenga ko.

Teka alam ko to eh may plano na naman tong babaeng to.

"Huy bakit? Ayoko nga mamaya kung anong iutos mo saken eh" Medyo kabado kong sabi.

Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan, normal nalang siguro yon kapag naiisip ko yung pwedeng iutos saken nitong kaibigan ko ang galing pa man din nito nakakahiya ang mga inuutos o tinatanong.

"Umoo ka nalang alam ko namang nanggigigil kana kay Lei dahil inamin nyang may gusto sya sa bebe mo hahahaha" Mahina nyang tawa para hindi kami marinig na dalawa.

_____

Lumipas ang ilang minuto at ilang mga kaklase kona ang natatanong at nauutusan ng biglang tumigil kay Sophie ang bote.

"Dare" Agarang sabi ni Sophie.

Full of confidence pa teh.

"Dare naks tapang HAHAHA" Tawa pa ng kaklase kong mag uutos kay Sophie.

"Twerk ka sa harap" Nakangising utos ng babae naming kaklase kay Sophie.

Knowing Sophie, makapal ang mukha nito well nagsasabi lang ng totoo no! Knowing her hindi ito basta basta nahindi lahat na ata nagawa nito eh.

Pagkasabi non tumayo si Sophie at walang hiya hiyang ginawa ang inutos sakanya. Bumalik ang gagang humahalakhak tuwang tuwa pa aba.

Ilang beses pang huminto ang bote bago ito tuluyang huminto sa harap ko.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba bwiset.

Napatingin ako kay Sophie at ang gaga tumatawa na.

Shet na malagket kinakabahan ho ako!!!

"Carrie, truth or dare?" Tanong ni Lei saken.

Aba sya pa talaga nag tanong ha.

"Teka, ako ang magtatanong" Sigaw ni Sophie na nagpatingin sa lahat.

"Okay sige, ikaw nalang" Sabi ni Lei sakanya.

"Truth or Dare, Carrie?" Ulit ni Sophie.

"D-dare" Utal kong sagot.

Gaga bat ka nauutal huhu, Sophie ayusin mo yan sasakalin talaga kita mamayang uwian!

"Tapang naman, okay dare" Bigla syang sumeryoso.

Shet ito na nakakakaba na jusko.

"I dare you to kiss Sean sa cheeks nya" Tumatawang sabi nya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay Sophie. Seriously potek ayoko ng ganto kung wala lang namang consiquence pag di nagawa eh.

"Sophie!" Medyo tumaas ang boses ko.

"Ops, bawal hindi sumunod Carrie nasa rules yon diba?" Nakangiting sabi nya.

Yung ngiti nya more like nang aasar eh. Talagang sasakalin ko ito mamayang uwian eh! Grrrr.

"Go na yie" Cheer nila saken. Bigla naman akong napatingin sa direksyon ni Lei, hindi ko maexplain yung reaksyon nya at wala rin naman akong pake.

Walang sabi sabi akong tumayo kahit sobrang kinakabahan na sa gagawin.

Alam ko namang nasa tamang edad nako at collage na pero putek di pako ready sa gantong stage ng buhay ko.

Kabadong kabado akong lumapit sa kung nasan naroon si Sean kasama ang mga barkada nya. Parang dumoble pa ata yung kaba ko nung napatingin saken yung mga kaibigan nya huhu.

Hindi ko mapaliwanag yung kaba ko ngayon, gaga kase ni Sophie eh puwede namang isigaw nalang ang pangalan nya bakit ganto pa huhu.

Hindi pako nakakalapit kay Sean parang gusto ko ng umurong. Maaa! Ayaw kona nakakahiya.

Nasa likod nako ni Sean at nakatayo, nakita ako ng mga kaibigan nya at sinensyasan silang wag akong pansinin.

I also mouthed them that's its only a dare.

Maaa!! I'm so nervous na huhu.

Unti-unti akong umambang hahalik sa pisngi nya ng sa isang iglap.... kingina ma!

"Ay hala gago" Rinig kong sigaw ni Sophie sa kung saan.

Sinong bang lilingon pa sakanya sa ganitong sitwasyon. Maa! yung crush ko, he's looking directly to me huhu.

Bwiset kase na dare. At bwiset rin yung crush ko.

"Oh my god!" Biglaang sabi ko at lumayo ng konti sakanya.

He chuckled.

Wag mo kong ngitian first kiss ko yon eh pero sige dahil crush kita medyo okay lang. Pero di talaga okay huhu.

"What are you trying to do?" Nakangiting sabi nya saken.

"D-dare lang yon" Utal na sabi ko.

Nakaharap na sya ngayon saken. Nang bigla nya kong pihitin paupo sa hita nya. Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon nagtatalon nako sa kilig.

Inilapit nya ang labi nya sa tenga ko at bumulong.

"Your lips is so soft" Wait did he intentionally said that.

Namula ako bigla sa sinabi nya. Ma! my lips are so soft raw tangyawa.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hinalikan ang pisnge ko. Magwawala na talaga ako dito jusko.

"I like you too, Carrie" He said, then smiled at me.

Hindi ko na alam ang irereact ko. Teh gusto rin ako ng taong gusto ko!! How to calm?!!!

Ito na ang pinaka masayang truth or dare ko. Jusko Sophie magaling kang bata.

And that's when my crush confess his feelings towards me too.

____________________________________

Love lots,
Kai ♡

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon