Love is ouch

1K 11 8
                                    

INTRODUCTION:

“Uhmm Court, pwede favor?” Ano na naman kaya ang kelangan ng babaeng to? Yeah she’s my bestfriend, Ashley. Court ang tawag niya sa akin, short of Courtney.

“Ano na naman? Tungkol na naman dun sa lalaking matagal mo ng crush?” sumubo ako ng hamburger at sumimangot.

Andito kami ngayon sa canteen. Lunch kasi kaya andito kami.

“Oo naman, diba kaibigan mo naman si Carl? At malamang palagi niyang kasama si Xander kaya may ipapagawa sana ako sayo” nag puppy eyes pa siya sa harapan ko. Si Ashley talaga in lababo na talaga sa Xander na yun. Tsk. -__-

“Ayoko nga” pag-angal ko pero biro lang hindi ko naman to matitiis. Pag-ibig talaga oh. -_-

“Sige naman, babawi ako sayo. PROMISE’’ O.O

‘’Oh sige na nga basta babawi ka ha, wag mo yang kalimutan’’ ingat lang sya kung kakalimutan nya yun.

Kaibigan ko si Carl Monte. Magkababata kami. Naging magkaklase kami noong grade schooler pa kamo pero ngayong highschool hindi na. Palagi kaming magkasama dati ni Carl, mapa recess, lunch time or even in a vacant time. Ngayon iba na because of adjusments I think? Basta we have different friends now. We are both fourth year including Ashley.

Si Ashley lang ang bestfriend ko after nagka iwanan kami ng loob ni Carl. Iba na din kasi ang ihip ng hangin kapag nasa highschool na. Ganun din siguro sa akin.

Minsan lang kami magkita ni Carl ngayon kasi may mga barkada na siya. They are 3 pero minsan ko lang makita yung isa. Hindi ko pa yun nakikita and I don’t know also his name. Ganun po kasi kalaki ang school namin haha. Sa kanilang tatlo si Carl lang ang super close ko pero si Xander medyo lang kasi napakilala na siya ni Carl sa akin pero yung isa, hindi talaga nagpapakita. Siguro sa akin lang di nagpapakita. Ewan ko rin. Bagong kaibigan siguro ni Carl.

Kaya ngayon nag a-ask ng favor 'tong si Ashley dahil alam niyang kaibigan ko ang kaibigan ni Xander. Nga naman oh.

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG*

‘’Oh it’s already time, let’s go’’ pag aayaya ko kay Ashley. Nag-iimagine na naman ata. Kanina pa tumatawang mag-isa eh. Nababaliw na siguro 'to.

‘’A-h ok let’s go’’ sabi niya sabay kuha ng gamit niya sa table.

LIBRARY

‘’Ash ano nga yung favor mo? Nakalimutan kong itanong’’ habang kumukuha ako ng libro tinanong ko si Ashley. Nung nasa canteen kasi kami hindi na niya nasabi kasi nag imagine muna ang gaga, iniisip niya ata ang mangyayari kung nagawa ko yung favor nya. -____-

Andito kami ngayon sa library, dito naisipan ng teacher namin pumunta. Pinapahanap kami ng mga facts or trivia. Para naman daw maiba puro nalang daw internet. Maganda rin ito para masanay mga kaklase ko magbasa. Ang tatamad e. Haha.

‘’Ayy. Oo nga pala, sorry nakalimutan ko rin. Sige teka lang kukuha muna ako ng libro’’ kumuha nga siya ng libro.

‘’Anong gagawin mo dyan?’’ babasahin nya Courtney, alangan naman na kakainin? Hehe. Pero hindi naman siya mahilig magbasa, ako lang ang mahilig.Nagdadala ako ng libro yung tipong love story, horror, comedy and etc.

‘’Wala lang. Design, kunwari may ginagawa ako” so ganun gagamitin pa ang libro? Ikaw na Ashley. -__- Sabi ko na nga ba e.

‘’Gaga ka talaga kahit kelan” umupo na kami sa table at nag-usap tungkol sa favor thingy na yan.

“So ano pala yung favor mo?"

‘’Gusto ko sanang ibigay mo 'to kay Xander. Panyo 'to pero hindi lang ito basta basta panyo. Ginawa ko to no, see" pinakita niya sa akin yung panyo. Wow. Infairness ang ganda. Kung kunin ko kaya? Hahaha.

“Wow ang cute, akin nalang? Hindi ko pa ire reject kung ibibigay mo sa akin. Sige na" ang cute talaga nung panyo, color gray and color black na may drawing na gitara. I love Xander yung nakalagay sa loob ng gitara. So cute. *imagine nyo na lang* Haha. Pero ginawa ba talaga 'to ni Ashley? O.O

“So ganon? Sinasabi mo na ire reject 'to ni Xander?” medyo nainis naman sya sa sinabi ko.

“Ito naman di na mabiro, but wait, you really made that?" tinuro ko yung panyo na hawak niya.

“Oo naman no, kahit ganito ako may alam din ako sa pagtatahi. Pero slight lang nagpaturo ako kay yaya bhett” sabi na nga ba. Di naman nya kaya yan gawin. Pero atleast effort still there.

“Ah kaya pala pangit” binulong ko na lang sa sarili ko. Haha pero joke lang ha! Maganda siya, pero narinig niya ata ang sinabi ko.

“Anong sabi mo?” patay. Lagot na.

“A-h –ah wa-la” pagdedeny ko. Mahirap na mayawyawan.

“Ibigay mo 'to sa kanya kung may vacant time ka o kung kelan mo siya makikita or bahala ka basta mabigay mo 'to, sabihin mong sa akin 'to nanggaling ha? At alam mo gumawa rin ako ng akin haha" baliw na ba 'to? -___-

“Eh sana ginawan mo rin ako” nag pout pa ako at naka cross arms. Nakakatampo e. Huhu.

“Court naman, gusto ko kasi ako lang ang meron nito pati siya” So ganun si Xander pala ang bestfriend niya? Wow.

“Oo na. I understand you,ibibigay ko 'to sa kanya kaya tumigil ka na at magbasa kana kawawa naman ang libro” sabi ko sabay kuha ng panyo at tinago ko na sa bag ko. Mamaya mawala pa 'to at baka sabunutan ako ng bestfriend ko.

“Wag mong kalimutan ah" mukha ba akong ulyanin?

“Oo. Hinding-hindi ko kakalimutan” mukha ba akong matanda para makalimutan? Hays.

‘’Salamat, that’s why I love you” tumayo pa siya sa kinauupuan niya at hi-nug pa ako ni Ashley. Loka loka talaga sya. (*.*)

“Tama na at tumataba na ang puso ko” nakakalokang kaibigan. Sobra kung humanga.

She's Ashley Belardo. Naging kaklase ko siya 1st year up to now. Dahil doon medyo nagkaiwanan na kami ng loob ni Carl. May mga bagong set of friends narin kasi kami. Ganun naman din talaga pag magmove to another level ng school diba? Kaya ayos lang sa akin. Nag-uusap naman din kami minsan.

Ayos namang kaibigan si Ashley. Baliw na baliw siya kay Xander simula pa nung makita niya 'to. Dahil sa twing may kailangan ako o kahit ano, pumupunta ako kay Carl para makipagkwentuhan. Sumasama sya sa akin kapag andyan si Carl. Nagkakilala sila ni Xander dahil sa pagsama sa akin. Siguro nagkagusto sya dahil doon. Love at first sight daw sabi nya. Totoo pa ba yun sa panahon ngayon? Akala ko nung unang panahon pa yan e. Haha. Diko naman masisisi si Ash.

Maraming nagkakagusto sa lalaking yun e. May mga alipores din at flings. Kasama na dun si Ash. Parinigan at gulo lang ginagawa ng mga flings nya sa school e. Sanay na sanay na ako dun. Madalas mapaaway si Ashley dahil dun. Palagi naman akong referre. Kulang na lang swelduhan na ako ng school na 'to. -___-  Ayoko din naman pigilan si Ashley na tigilan si Xander. Ayokong mag-away kami. Ayokong sabihin nya na dinidiktahan ko pati ang buhay pag-ibig nya. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin.

-

So how's the update? Hehe. I just need comments. Thank you for reading. Sorry for the typos. Loveyouguys. :')

Jeanie-

Love is "OUCH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon