Chapter 2: Pain

215 5 5
                                        

Vote and comment narin. Thankyyyy. :)

Courtney's P.O.V.

“Court asan na pala si ate Annie? Matagal ko na siyang di nakikita ha" habang naglalakad kami papunta sa bleachers ng gym bigla nalang nagtanong si Ashley and yes, nasabi ko na sa kanya ang nangyari kahapon and as I expected napatalon siya sa tuwa at kinikilig.

“Ayun busy sa trabaho, pero baka gusto mo bumisita sa bahay bukas? Total Saturday naman bukas, at walang duty si ate” matagal na ngang di nakikita ni Ashley si ate dahil sa twing pumupunta sya sa bahay wala dun si ate, on work at busy kaya yun.

“Sige basta ipaghanda mo ako ng maraming pagkain”

‘’Ayan ka na naman eh. Baka tumaba ka at hindi ka na magustuhan ni Xander hahaha"

“Hahaha oo –“ naputol ang pagtawa ni Ashley ng may nagsalita sa kabilang bleachers. Eto nanaman sila.

“Yes that’s right! Xander will never ever like you” sabi nung mga grupo ng mga babae sa kabilang bleachers, narinig ata nila ang kwentuhan namin dahil konti lang ang tao dito at walang kaingay-ingay.

“Excuse me? Who are you to tell that? Ha?” tinuro ni Ashley yung babae. Ito nanaman sila. Haist.

“Ashley stop! Ayokong mapaaway ka nanaman” hinigit ko ang kamay niya para umupo uli. Baka umabot ito sa dean. Suspension ang kalalabasan.

“What do you mean stop? Eh sila naman ang nauna! At tsaka bakit nila masasabi –“ naputol ang pagsasalita ni Ashley ng…

“I am saying this kasi sinabi nya sa amin na may gusto na daw sya. Like he didn't even told us who's that girl. At meron pa, binigay niya lahat ng binigay naming mga gamit dahil hindi siya tumatanggap ng mga ganong bagay na hindi naman galing sa taong mahal niya” pagkatapos sabihin yun ng babae umalis na silang lahat at tinignan ko si Ashley na natutulala. Yung mga mata nya parang gustong umiyak.

“Ashley are you okay?” nasasaktan ako para kay Ash. Ito na yung sinasabi ko. Dapat kasi..

“Bye Bhessy, magkita nalang tayo sa bahay niyo bukas, Bye" bigla na lang siyang tumakbo palabas at bilang kaibigan nasasaktan din ako para sa kanya. Totoo kaya tong sinasabi nila? Tsk.

Nasasaktan si Ashley ngayon dahil sa mga narinig niya at kahit ako masasaktan din kung ganun. Di dapat kasi binabalewala ang mahahalagang bagay. Hindi ko na alam kung saan na pumunta si Ashley, pagkatakbo niya agad ko siyang sinundan pero ewan ko kung san lupalop yun pumunta. I will comfort her by tomorrow about this and I hope there’s nothing wrong will happen.

Pagpasok ko ng classroom wala rin doon si Ashley, sumapit narin ang uwian pero wala parin siya. Nag-aalala na ako. Kinakabahan na ako sa babaeng yun. Sana naman hindi yun magpakamatay dahil lang doon, marami pa namang lalaki dyan pero if once na may mangyari kay Ashley mabubukulan talaga yang Xander na yan. Matitikman nya ang superkick ko. Pero teka? Kung ibinigay ni Xander ang mga bagay na binigay ng mga babaeng may gusto sa kanya, e bakit hindi nakuha ni Ashley yung panyo? Teka hindi kaya tinapon niya? Di kaya pinang punas niya sa sahig o di kaya pinamigay niya sa iba? OMG hindi ako papayag na pinaghirapan ng kaibigan ko ay ganun ganun lang ang gagawin. Mag ingat kalang Xander.

Ashley’s P.O.V

Di ko alam ano ba dapat maramdaman ko. Masasaktan ba ako o hindi? Crush ko lang naman siya pero hindi na crush ang turing ko sa kanya, mahal na mahal ko siya. Binigyan niya ng kulay ang buhay ko, oo alam ko ang panget isipin pero nararamdaman ko to eh and I can’t fight it anymore. Oo, siguro baliw na ako. Diba? Baliw na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. It's too much and enough!

Love is "OUCH"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon