Chapter 14.
Courtney's P.O.V
Ang lamig. Grrr. Halos lahat na ng jacket at damit nasuot ko na. Pati kumot ko niyayakap ko na sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Nilalagnat ako pero malamig ang mga paa ko. Di tuloy ako nakapasok. Tsk. Ang init init sa loob ang nararamdaman ko. Sobrang sakit pa ng ulo ko.
"Ugghh" halos mangiyak iyak na ako sa sakit. Saan na ba mga tao dito at parang hindi nila alam na nilalagnat ako. 10am na ah.
"Manang Rose? Manang Rose!" tawag ko kay manang kaso parang walang nakakarinig sa akin.
Tumayo ako at pinilit ang katawan ko na bumaba. Wala pa akong kain. Gutom narin ako. Ang init ng mata ko at hininga ko. Ayoko talaga pag may sakit. Nawawalan ako ng gana sa lahat.
"Ate Annie? Saan ka? Manang Rina?" halos lahat na ata ng tao sa bahay natawag ko na pero wala paring sumasagot sa akin.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at para maghanap ng pagkain. Iinom na lang ako ng gamot pagkatapos kong kumain. Saan kaya sila pumunta? Di man lang ako inalala. :(
"Diyos ko!" buntong hininga ko ng makaramdaman ako ng pagkahilo.
Nilalagyan ko ng tubig ang baso pero tila lumalabo ang paningin ko hanggang sa natumba ako.
"Courtney!" may narinig akong boses pero pagkatapos tuluyan na akong nawalan ng malay.
Ashley's P.O.V
*The subscriber cannot be reach*
Dial ako ng dial pero hindi sinasagot ni Courtney ang cellphone nya. Ano nanaman kaya nangyare dun?
"Oh ano?" tanong ni Carl.
"Wala eh. Di sinasagot phone nya" mahinahon kung sagot.
"Si Courtney talaga. Ewan ko kung ba't bigla bigla na lang yang umaabsent ng walang pasabi"
"Pero teka, saan si Gray?" I ask. Kanina pa sya wala dito ah. Ba't ba bigla bigla na lang naglalaho ang mga tao ngayon? T.T
"I saw him passed here" sabi naman ni Chill na tinuro ang pathway.
"Eh saan naman yun pupunta?"
"I don't know" ahay.
"Excuse me Students! Assemble at the front of the terrace for some further announcement. Now!" sabi naman ng mataray naming P.O.D. Magreremind nanaman sila para sa mangyayaring schoolfest bukas. As always.
"Tara na guys" yaya ko sa kanila. Mahirap na pagalitan.
Courtney's P.O.V
"Ate?"
"Ate?"
"Ate ikaw ba yan?" tawag ko habang minumulat ko ng unti unti ang mga mata ko. May nagpupunas kasi sa akin sa may binti at braso ko. Nilagyan nya rin ng bimpo ang noo ko. Eh si Ate lang gumagawa neto.
"Buti naman at gising ka na. Kumain ka na para makainom ka na ng gamot" sabi nya. Diko maklaro mukha nya dahil medyo di pa klaro ang piningin ko.
"HAAAAA? GRAY?" ng maayos na ang paningin at paggising ko. Nakita ko lang naman si Gray na nasa tabi ng kama ko at nakaupo.
"Oh? Ba't parang nakakita ka ng gwapo dyan?"
"Gwapo ba kamo? Oh!" tinapon ko sa kanya yung teddybear sa tabi ko.
"Ba't ka nagagalit dyan?"
"Anong ginawa mo sa akin? Bakit ka nandito? Siguro may masama kang balak sa akin no? Siguro pinagnanasahan mo na ako kanina pa. Siguro matagal mo ng gustong gawin 'to no? No? Ba--"
"Hey! Kahit naman siguro ikaw pa ang natitirang babae sa mundo eh di kita pagnanasahan. Wala akong ginawa sayo. Nakita kitang nahimatay sa kusina kanina pagdating ko kaya dinala kita dito. Mukhang mataas ang lagnat mo" halaka. As in? Totoo ba 'to? Akala ko naman kung ano na ang binabalak nya. Sorry Gray.
"Ah-ah ganon ba. Sorry sa pagbibintang ko. Pero ba't ka nagpunta dito?"
"Absent ka kasi kaya nagpunta ako. Baka kasi ano na nangyare sayo"
"Concern ka sa akin?"
"Ah? No no. Ahm, gusto ko rin puntahan si Manang Rose no. Asa pa maging concern ako sayo" nilipat nya ang tingin nya.
"Joke lang nga! Defensive much? Hahaha!" HAHAHAHAHAHAHA. OA SYA.
"Psh. Teka, bumangon ka na dyan at para makain mo 'tong lugaw habang mainit pa. Medyo bumaba narin lagnat mo at pagkatapos uminom ka na ng gamot" pinunasan naman nya ang braso ko ng twalya na may malamig na tubig.
"Salamat" sabi ko. Ang bait nya kase. Sa lahat ba naman ng tao? Sya pa yung nagtangkang pumunta dito at alagaan ako.
"For what?"
"Para dito"
"It's okay. Nagkataon lang na nagpunta ako at nilalagnat ka" ay? Nagkataon lang pala. T.T
"Teka, saan pala si Manang Rose? Kanina ko pa sila hinahanap, wala sila dito"
"Ahh. Pinuntahan daw muna ni Manang Rose ang apo nya sa Tagaytay. Mukhang may sakit. Uso siguro ang sakit ngayon. Uuwi din daw sya" ahh. Akala ko naman iniwan na nila ako. Si Ate kasi nasa trabaho. Busy din yun.
"Ahh ganon ba. Ehh kamusta yung booth? Pasensya pala kung di ako nakatulong. Paggising ko kase, diko kayang bumangon at masakit pa ulo ko" nakakahiya kasi kung wala akong naitulong.
"Don't worry. We've finished the booth naman kanina. So everything is okay" sinubuan naman nya ako ng pagkain. Nakakahiya. Ba't kasi nagkasakit pa ako. Huhu.
"Ikaw nagluto nito?" tanong ko naman. Ang sarap kasi.
"Nope. Binili ko lang yan dyan sa malapit sa tindahan"
"Wow. Di halatang sosyal ka ha. Hahaha"
"Oh. Inumin mo na 'tong gamot mo" pina-inom naman nya ako ng gamot at tumayo na sya.
"Bukas na pala ang schoolfest. Yung plano ni Carl for Chill dapat okay na sabi ni Carl. Be ready for tomorrow. Baka papalpak ka nanaman dyan"
"Hoy hoy! Di ako palpak no! Hmp"
"Osige. Aalis na ako" bubuksan na sana nya ang pinto pero pinigilan ko sya.
"Saan ka pupunta?"
"Sa school. May konte pa akong aayusin at tsaka mukhang okay ka na" pero paano ako dito?
"Pero..." alanganin kong sabi.
"Pero ano?"
"Pero paano ako? Wala akong kasama dito. Sasama na lang ako sayo. Mukhang bumaba na ang lagnat ko. Total nakainom naman ako ng gamot"
"No. Dito ka lang. Mabibinat ka lang doon"
"Pero kaya ko na--"
"Wag na matigas ang ulo Corney. Dito ka lang okay? Tawagin mo lang si manang Rina. Nag grocery lang sya. Uuwi na din yun. Magpagaling ka muna dito"
"Oh sige" at umalis na nga sya. Haay.
*dug dug!*
Ano nanaman yun? Nakakabingi. Pag kasama ko si Gray palagi ko na lang naririnig yan. Weird.
Bukas na lang ako papasok. May plano pa pala si Carl, kelangan makapunta ako. Magtatampo yun eh. At sabagay, tama si Gray. Mabibinat lang ako doon kung sasama ako sa kanya. Para ko syang tatay kanina. T.T Salamat sa kanya kundi baka ano na nangyare sa akin.
-
Vote and have comments! Thank you! :'>
![](https://img.wattpad.com/cover/2423673-288-k599524.jpg)
BINABASA MO ANG
Love is "OUCH"
RomantiekLove is not about what you and the one you love feel about each other. Sometimes, it's all about sacrificing. Love is not having the perfect moments with your love ones instead it's about having contented on what you have. Love is ouch and always co...