Do comment and vote if you like. Thanks for reading! :)
---
Courtney’s P.O.V
“Pwede pong mag stay dito hanggang uwian?” andito ako ngayon sa clinic, ang sakit kasi ang tiyan ko pagkatapos kung mag lunch. Haissst dahil kasi to kay Gray. May virus ata ang lalaking yun. Malas talaga sya sa buhay ko. >.<
“Sure, but if you need something, I’m here for the help” ang bait naman ng school nurse namin, naaalala ko tuloy si ate Annie.
“Uhmm okay. Thank you po” ang sakit na talaga ng tiyan ko, halos hindi ko na kayang maglakad dahil sa sakit.
Inalalayan naman ako ng school nurse namin at hiniga sa kama. Pinahiran ko naman ng efficascent oil ang tiyan ko para mawala wala ang sakit. Agad naman akong nakatulog dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi pa naman ako makatext kay Ashley dahil nalowbat ako kanina. Hihintayin ko nalang na mag dismissal saka ako aalis dito at sana maalis na itong sakit, kundi mabubugbug ko talaga si Gray.
Gray’s P.O.V
Salamat at uwian na makakapagpahinga na rin ako.Napagod lang ako sa kakakinig ng lesson na hindi ko naman gusto.Bakit kasi dito ako nilagay ng daddy ko. Akala tuloy ng marami matalino ako. Shit.
‘’Gray" tawag naman ng teacher namin sa akin.
“What is it?”
“Pakibigay naman ito sa school nurse natin, para yan sa mga schedule ng dental at medical ng mga student”
“Sure”
“Thank you”
“It’s ok maam” agad naman akong umalis para dalhin tong schedule sa school nurse.
Kanina pa nga ako kinukulit ni Ashley kung asan na daw ang bestfriend niya, pero sa totoo lang hindi ko alam kung asan naman nagsusu suot ang babaeng yun. Baka nagpakamatay na yun. Kidding.
Nauna namang umuwi sina Carl at Chill. Si Xander naman sinamahan si Ashley para hanapin si Courtney. Hindi ko na nga alam ano meron kay Xander at kung ano ang pumasok sa utak niya kung bakit nagka ganyan. Dati sa aming tatlong magbabarkada siya ang pinaka basagulero, palaging nakikipag away sa kapwa kaklase kaya simula nung sinabi niyang may nagugustuhan siya, naging maayos na siya. Pinipili na niya ngayong kumanta na lang at gawin ang nararapat kesa sa pakikipag-away. Hindi rin namin alam ni Carl kung sino yung gusto niyang babae. Minsan may pagka weird ang lalaking yan. Di malaman ano ang iniisip.
Si Carl naman ilang buwan ng nanliligaw kay Chill at sa wakas sinagot narin ni Chill. Mahal na mahal ni Carl si Chill kaya kahit ano gagawin ni Carl para lang kay Chill. Iba talaga pag pag-ibig na ang humamon sayo. Ibang-iba sa lahat.
Pagdating ko ng school clinic wala doon ang school nurse, baka nasa loob kaya pumasok ako. Pero nagulat ako ng makapasok ako. Nakita ko si Courtney na nakahiga at natutulog. Ano naman ang nangyari sa babaeng ‘to?.
“Excuse me maam” lumingon naman yung nurse na pinagmamasdan si Courtney.
“Ano yun Gray?” kilala ako ng nurse because we own this school.
“Pinabibigay po ni maam Clarisse” binigay ko naman yung schedule sa kanya.
“Ahh. Thank you”
“Sige maam” paalis na sana ako ng bigla niya akong tawagin. Aalis ako para sabihin kina Ashley at Xander na andito si Courtney sa clinic.
BINABASA MO ANG
Love is "OUCH"
RomanceLove is not about what you and the one you love feel about each other. Sometimes, it's all about sacrificing. Love is not having the perfect moments with your love ones instead it's about having contented on what you have. Love is ouch and always co...