Do voting please and also your pretty comment. Enjoy reading! :)
------
Carl’s P.O.V
Asan na kaya si Courtney? Mahigit 24 hours na yung nawawala. Hindi rin siya pumasok sa klase. Baka naman…ah hindi pwede yun. Lunch na pero wala parin siya, napamahal na sa akin si Courtney dahil kababata ko yun. Sana nanaman walang nangyaring masama sa kanya kung hindi, diko mapapatawad ang sarili ko.
Nandito kami ngayon lahat sa isang room na exclusively for us lang. Pinagawa ito ng daddy ni Gray para sa mga kaibigan niya dito. Tuwing lunch dito kami kumakain.
“Uy kumain kana Ashley” pag-aayaya ni Chill kay Ashley.
“Wala akong gana” hindi pa naman alam ni Courtney ang tungkol sa room na 'to. Kanina pa kami nagpapanic.
“Wag ka ng mag-aalala Ashley,babalik din si Courtney pero pag di siya nakabalik ipapahanap na natin siya sa pulis at malay mo may pinuntahan lang yung importante” sabat ko naman.
“Hindi nga rin siya umuwi kagabi, tinawagan pa ako ni ate Annie tungkol sa kanya”
“Maski ako tinawagan din niya at malamang nag-aalala na yun. Hindi ko nga mahanap si Courtney, pinuntahan ko rin yung park na madalas naming puntahan nung grade school pa kami, pati na rin Star city at enchanted kingdom napuntahan ko pero wala parin siya dun. Maski ako hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon”
“Carl, everything will be alright” niyakap naman ako ni Chill and I give a hug too.
“Tama na nga yang pag e emo niyo” nabigla naman ako sa sinabi ni Gray.
“Napaka manhid mo talaga dude” sabi naman ni Xander kay Gray.
“Yes manhid ako kasi alam ko naman kung nasan si Courtney” nagulat naman ako sa sinabi niya. Kahapon pa akong paulit-ulit magtext sa kanya kung alam ba niya kung nasan si Courtney pero ni isa walang reply? Tapos alam nya pala? Oh shit. Ang sarap niyang suntukin.
“ANO?” sabay sabay naming sabi dahil sa gulat.
“Gray naman, bakit di mo pa sinabi sa amin e kanina pa kami nag-aalala dito?" -Chill.
“Ikaw talaga dude, mahilig kang mambiktima”-Xander.
“Kung hindi lang kita kaibigan,kanina pa kita sinuntok” -Carl.
“Alam mo Gray minsan mas mabuti pang manapak nalang kesa magsabi ng masasakit na salita kaya eto ang sayo” pinalo palo ni Ashley si Gray ng bag niya kaya napa walk out siya dahil sa inis. Hay kahit kelan talaga hindi na magbabago ang lalaking 'to.
Dahil nga sa kanya hindi na natuloy ang pag oorganize namin at pag-aayos ng mga booth ng bawat section ngayon. Maging si ate Annie sobrang nag alala.
Ashley’s P.O.V
Nakakainis ang Gray na yun. Mahilig siyang mambiktima? Ano kami mukhang biktima? Ugh. So nakakainis sya. Napatakbo ako ng mabilis sa sobrang inis sa lalaking yun. Nang biglang nauntog ang ulo ko sa isang estudyante.
“Aray” react naman naming dalawa but familiar yung boses niya ah. Dumilat ako para makita.
“Courtney?” nagulat naman ako sa mukha ni Courtney kaya sa pag-aalala ko nayakap ko siya ng wala sa oras.
“Alam mo bang alalang alala ako sayo? Muntik na nga akong hindi mag-aral kasi wala ang bestfriend ko, pati rin si Carl nag-aalala na sayo”
BINABASA MO ANG
Love is "OUCH"
RomanceLove is not about what you and the one you love feel about each other. Sometimes, it's all about sacrificing. Love is not having the perfect moments with your love ones instead it's about having contented on what you have. Love is ouch and always co...