P A Y O N G

7 1 0
                                    

It's 5:30 in the afternoon when I go out from the library.

Medyo madilim na ang paligid lalo na't umuulan pa.

Dali dali kong kinapa ang bag para sa payong. Napatigil na lamang ako nang mapagtanto kong hindi ko pala dala ito. Kung minamalas ka nga naman.

Ang distansya ng bahay namin ay kaya naman lakarin mula dito sa school. Ngunit alam ko na mababasa pa din ako sa oras na umalis ako sa sinisilungan ko.

Nagsimula na akong maglakad dahil alam kong nag aalala na si mama. Lowbat na ang phone ko at di na makakapagtext pa.

Bahagya akong nagulat ng eksaktong nakalabas ako ng paaralan ang tumila ang ulan. Hindi dahil wala na talaga kundi dahil sa bagay na humarang dito.

Napatingin ako sa may hawak ng payong. Napangiti ako sa nakita. Kung siniswerte ka nga naman.

"It's payback time, huh?" Tango at ngiti ang isinagot nito sa akin.

A week ago nagulat ako ng may biglang sumukob sa akin kasagsagan ng malakas na ulan. Papasok ako sa school that time. And yeah, this is the guy.

Katulad ng mga normal na babae ay humanga ako. Lalaking matangkad, hindi man kagandahan ang katawan dahil sa kapayatan ay bawing bawi naman sa ilong na matangos, matang kulay brown na halatang mas lalong gumaganda pag nasinagan ng araw at ang kanyang labing kaakit-akit. Ghad. Sarap halikan pero bawal.

Sa isang payong ay pinagkasya namin ang sarili. Hindi maiwasan na may mabasa sa parte ng aming katawan. I'm startled when he held my waist.

"Dikit ka pa ng konti para di masyadong mabasa" marahang sambit nya. Hindi ako nakaimik hanggang nakarating kami sa tapat ng bahay.

"Pasok ka muna. Patilain mo na ang ulan. Masyado ng lumalakas." Tumango naman ito para ipakita ang pag sang-ayon.

"Andyan ba si tita?" Bahagya mang nagulat sa itinawag nito kay mama ay sumagot ako ng "oo, nandyan sa loob"

Enebe. Tita agad. Ambilis mo naman.

"Mama" tawag ko at nakitang papalabas ito sa kusina habang nagpupunas ng kamay.

"Andyan ka na pala. Saan ka na naman nagpinunta? Gabi ka na. Di ka man lang---"
Napatigil sya sa kanyang litanya ng makita ang imahe sa aking likuran.

Ma, boyfriend ko. Soon.

"Oh hijo ikaw pala"

Napakunot ang noo ko. Magkakilala sila. Ba't di ko alam? Kilala na ni mama future boyfriend ko.

Nagmano sya kay mama at sumunod ako. Aba magalang. Pogi points.

"Kailan pa kayo? Hindi ba ay galing kayong ibang bansa?" Tulala pa rin ako sa kanilang dalawa. Hindi ko talaga inasahan na magkakilala sila.

Hindi pa ito nakakasagot ng bumaling sa akin si mama.

"Oh anak. Buti at nagkakilala na kayo. Parehas pala kayo nito ng paaralan. Mabuti at ng may mapagtanungan ako ng nangyayari sa iyo." Lihim akong napangiti. Bakit ma? Gagawin mong boyfriend ko yan?

"Itong pinsan mo ay lumaki sa America kaya't hindi ka pamilyar" napantig ang tenga ko sa unang sentence ni mama. Hindi ko na nasundan ang mga pinagsasabi nya.

Ma?!
Ma? Niloloko nyo ba ako?
Ma? Gumuho yung pangarap ko, ma!

Sumakit yung puso ko nung nakita kong nakangiti sya sakin. Taena hindi pala tayo pwede.

Isang kasalanan pala na humanga ako sa lalaking sumukob sa payong ko noon.

O N E S H O TWhere stories live. Discover now