O N C E A V I C T I M

9 0 0
                                    

I had this kind of classmate that jolly, talkative, energetic. Hindi ata sya nauubusan ng enerhiya sa pakikipagkulitan, daldalan, asaran sa mga kaklase namin. Everytime na makikita ko sya ay para itong kiti kiti sa sobrang kaharutan.

Dont get me wrong. Hindi ako asar o galit sa kanya. Naiisip ko lang minsan may pinoproblema kaya ito sa buhay? She really looks happy everytime. Nakakainggit kung iisipin. Despite of all problems and stress from schoolworks the smile on her lips never fade.

I was like WTF?! How can she possibly do that? Ghad.

One time me and her are partners set by our teacher. We get along well. Napakamasiyahin nya as in, yung tipong di ka mabobored pag kasama sya at sasakit ang tiyan mo kakatawa. Marunong syang makisama, magaling makihalubilo, alam kung pano pakikitunguhan ang bawat isa. All in one kumbaga.

As days goes by may napapansin akong mga bagay. She's our president nga pala. At first ipinagsawalang bahala ko lang kung ano man yung napapansin ko because I thought  it was just nothing. Sa paglipas ng mga araw hindi naman nabago kung ano o paano namin sya nakilala.

Napapansin ko lang na wala talaga syang specific circle of friends, lahat naman kasi nasasamahan nya  pero iba pa din yung may matatawag kang grupo. She didn't also have that thing we called "bestfriend".

One afternoon our classroom filled with laughter. Sobrang saya ng dahil sa kanya. She's making joke about the teacher we all hate. And then our classes and day ended with a smile in our lips.

It's in the evening the same day when my mom told me to go on my auntie's house. I'm on my way when I accidently saw her. Kalalabas lang nya sa isang bar.

Hindi katulad sa nakasanayan, walang ngiti sa kanyang labi. Nakakapanibago.

Dala ng kuryusidad sinundan ko kung san sya magtutungo. May nagtutulak sa akin na alamin.

Pagkatapos ng limang minuto napansin kong napadpad kami sa isang lugar kung saan madami at dikit dikit ang bahay. Maingay, mausok dala ng sigarilyo, may nag-iinuman sa mga kanto. Paano? Paanong napadpad ako ng pagsunod sa kanya dito?

Maya-maya ay nakita ko syang pumasok sa isang bahay kung saan ay may nag iinuman din sa harap nito.

The next thing happened was the things I've never wish and expect to see.

Hindi ata sya yung nakita ko. Baka niloko lang ako nung mata ko.

The next morning nalate ako dahil sa pag iisip sa nangyaring iyon. Buo na ang klase pagdating ko at sobrang ingay dahil di pa nagkaklase.

And as I expected she was smiling. No. Don't smile! Don't laugh! Hindi ba sya nasasaktan sa pinaggagawa nya?

As I enter the room she called me.
"Sammy" and then "good morning!" with smile.

Imbis na mapangiti din ako nasasaktan ako. Hindi ko napigilan yung sarili ko. I slap her. Hard.

Every one was shocked. Ofcourse who would dare to hurt her. The person who makes us happy each and every day but I did.

Pero hindi. Hindi naman talaga ako ang nananakit sa kanya. Mismong sarili nya!

"Woah. Nakakabigla ka naman" nagawa pa nyang tumawa.
"Medyo masaki--"

"Medyo? Oo medyo lang talaga yan dahil walang wala yan kumpara sa mga naranasan mo na!"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Tigilan mo na! Hindi ka ba nahihirapan magpanggap araw-araw? You make us happy pero masaya ka ba? Bakit kinikimkim mo? Oo! Walang wala talaga yang sampal ko sa pananakit ng tatay mo sayo."

"Lahat kami nabiktima mo. Sa apat na sulok ng silid na ito akala namin ikaw yung pinakamasaya at walang pinoproblema pero bakit?! Bakit nararanasan mo yun? Bakit hindi mo sabihin samin? Biktima kami ng pagpapanggap mo pero ngayon di mo na maitatago."

"Bakit hindi mo kami hayaang sagipin ka? Hayaan mo kaming kami naman. Kami naman yung magbigay saya sayo."

A tear fell from her eyes.

This is the first time that our room was filled with tears not laughter.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

O N E S H O TWhere stories live. Discover now