B O O K

7 1 0
                                    

"Hi Ayesha!"

Solid yung gulat ko sa lintek na lalaking may pamatay na ngiti pero nakakabadtrip.

"Wag mo ako simulan Zach. Di maganda gising ko."

"Kahit na. Maganda ka naman" muntik na akong ma-fall.
Ma-fall sa kinauupuan ko.

"Alam ko pero isa pang imik mo tatamaan ka na" with nanlilisik na tingin.

"Pano ba yan? Tinamaan na ako."
"Tinamaan sayooo"

Mabilis akong dumampot ng libro at ng akmang ihahampas na sa kanya ng bigla itong lumayo habang nakanta ng "tinamaan ako, tinamaan sayooo🎶"

Ka-badtrip talaga tong kumag na to.

Tahimik akong nakikinig sa teaher ko ng bigla itong lumapit. Ito ay dahil sa kasamaang palad magkapares kami sa activity ngayon.

Throughout the activity ay walang ibang ginawa ang malupit na si Zach kundi ang mangulit at mang asar. Kaya ng umaabot na sa maximum level ang inis ko ay napatayo ako at walang ibang nagawa kundi ang sumigaw ng

"WALA KA BA TALAGANG MATINONG GAGAWIN ZACHARY PERIOLS?"

At ito ang naging dahilan ng pagtahimik ng buong klase. At ang kumag ay nakangiting tumingila sakin ng nakapangalumbaba.

"Meron" saad niya.

Napataas ako ng kilay.

"Ang mahalin ka"

Nasapo ko ang noo ko kasabay ng nakakabinging sigawan ng klase.

"You are hopeless. Bahala ka sa buhay mo" and I just ignore him.

Before dismissal he borrowed my book.

"Wala namang assignment dito ah?" I asked. And he answered "Basta" at dali-daling umalis sa harap ko.

Good. At baka masampiga pa kita pag nagtagal pa.

The next morning he is not the usual Zach na kilala ko.

Pagpasok ko kanina no good morning greet from him. He just give back the book from yesterday. And I was like okayyyy.

Baka maya-maya mangungulit ang kumag. That was his daily routine afterall. Ang mangulit.

But I was wrong. Lunch time passed. A day. Two. Four. And a week.

No more good mornings, panghaharot, pangungulit.

Lagi akong nauwi ng nakasimangot. So ganun na lang yun? Bwesit! Nasanay na ako e. Kahit sabihing badtrip ako lagi sa kanya inaantay ko pa din tung pangungulit nya.

Dahil sa inis ko nalaglag yung book ko galing sa study table. I was surprised when I saw something.

Dinampot ko ito sa nanginginig na kamay. Walang pwedeng magsingit nito kundi sya. Sya lang nanghiram ng book ko.

A red envelope with touch of black.

I open it and shit.

Balisa ako pagpasok sa room. Ayaw kong suriin ang mga taong pumupuno sa silid ngayon.

Bwesit kasing Zach yan. Nilagay pa ako sa alanganin na sitwasyon.

Buong umaga ako di makapokus kaya naman ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na ako sa kanya ng magtanghali.

Nagulat sya gayun din ang mga kaklase ko. Mga natigil sa kinatatayuan nila. Pansin kasi nila na hindi kami nagpapansin the past days.

Nakaupo lamang sya at halatang kinakabahang nag aantay ng gagawin ko.

"Yes Ayesha I am confessing my feelings for you. Hanggat hindi mo nababasa ang letter na ito hindi ako lalapit sayo. Pinch my nose if our feelings are mutual and tap my head if not. Hope you see this sooner" this is the last part of his letter.

Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa ulo nya. Napapikit ang kumag. Ngunit sino nga bang tangang niloloko ko.

Dali-dali kong pinanggigilan ang ilong nya. Bwesit!

Agad syang napatayo at mangiyak-ngiyak akong pinanggigilan.

"Thank you, Ayesha" he kissed me in the forehead.

"No, thank you. Kung di mo ginawa yun our feelings will be forever be unsaid" bulong ko

Mahigpit kaming magkayakap habang ang mga nanonood ay gulong-gulo. Bahala sila dyan. Basta kami masaya.

O N E S H O TWhere stories live. Discover now