C H R I S T M A S P A R T Y

10 2 0
                                    

This is the day. Yehey! It's our christmas party.

Pajama party ang theme. Pero wag ka't may pa-disco light at photo booth yan. Hinarangan ang bintana para di mapakapasok ang liwanag.

Everyone is excited. Maraming foods, pa-games, at pakulo ang aming president.

Nagsaya't nag-enjoy lang ang ginawa. Picture takings at kainan.

It's exchanged gift time!

Ito ang pakulo ng aming president patungkol sa exchange gift.

Sa isang garapon nakalagay lahat ng aming pangalan. Kukuha siya ng isang regalo at kung kanino ang mabunot na pangalan ay sya ang tatanggap.

Buena mano. Kulay pulang paper bag na may mukha ni santa claus. Ayos naman ang lalagyan.

"Keishlane" banggit ng presidente namin. Agad  naman akong tumayo. Ang usapan ay bubukasan sa mismong unahan ang natanggap.

Nakangiti ko itong binuksan ngunit agad ding napawi ng nakita ang laman. Kanino galing to?! Sinuyod ko ang buong classroom at nakita ang bukod tanging lalaki g tumatawa.

Na-curious ang mga kaklase ko at sabay-sabay sinabing "anong laman?"

Nakasimangot kong nilabas ang dalawang maliit at isang malaki na sandok kasama ang isang tsanse. Lahat sila ay nakisabay na sa pagtawa ng lalaking walangyang nagbigay nito.

Useful ang usapan. Ay useful nga naman. Asar.

Nakasimangot pa rin akong nagtungo pabalik sa upuan ngunit hindi natuloy ang balak na pag upo.

"Bakit ka nakasimangot?" saad nya gamit ang sadyang may kalakasan na boses.

Sasagot na sana ako ngunit naunahan naman nya.

"Bakit ka naman nakasimangot ay hindi lang naman yan ang matatanggap mo kasi pati puso ko ay ibibigay ko na sayo"

Nakakabinging hiyawan ang pumuno sa loob ng silid.

S-shit!

Please somebody tell me how to react on this kind of situation!

O N E S H O TWhere stories live. Discover now