Chapter 2

1 0 0
                                    

"Nasaan ako ?"

"Mom si kuya Lee gising na"

Sigaw ng isang batang babae na nasa gilid ko.. Ako ba ang sinasabi nyang kuya ?

"Sino ka ? Nasaan ako ?"

"Mom bakit hindi ako kilala ni kuya ?"

"Tawagin mo ang doctor! Bilisan mo"
Saad ng isang magandang babae sa gilid ko sa batang babae habang hinihimas niya ang buhok ko at nakatingin saakin at kitang-kita sa mga mata ng ginang ang pag-aalala saakin.

Bakit sya nag-aalala saakin ? Sino ba sya ?

Tanong ko saaking sarili habang nakatingin sa ginang ng may pagtataka saaking mga mata

"Opo"
Magalang na sagot ng batang babae at agad na tumakbo palabas at Maya-maya ay may doctor at nurse nang pumasok

"Doc, ano pong nangyayare sa anak ko bakit hindi nya kami nakikilala ?"

"Madam, sa tingin ko ay dahilan ng pagkawala ng alaala niya ulit ay yung nangyare sakanya nung una sya nahimatay at ng pagsakit ulit ng ulo nya kanina"

"Ano pong ibig nyong sabihin doc?"--- kuya

"Sa tingin ko ay matatagalan bago sya makaalala ulit.. Dahil sa mga pangyayare mukhang na pressure ang utak nya sa agad na pag-alala ng sabay-sabay sa nakaraan nya at mukhang 'di kinaya ng utak nya yung mga masasakit na alaala nya noon.. Mag tetake ako ngilang test sakanya, ang mahalaga ay yung dahan-dahang pag-alala nyo sakanya ng nakaraan nya simulan nyo ito sa mga masasayang pangyayare kasi kung mabibigla ang utak nya sa mga masasakit na alaala nya ay baka 'di nya ito kayanin na maging dahilan ng pagkaka comatose nya at 'di po tayo sigurado kung makakaalala pa siya kung sakaling magising pa siya"

"Ibig nyo bang sabihin doc, may posibilidad na 'di na magising ang kapatid ko kung sakaling macoma siya ?"

"Ganon na nga Sir------ maiiwan ko na muna kayo madam"

"Ok doc, salamat"

"Sino kayo ?.. Si-- sino ako ? Bakit ako nandito ?"

"Sandali anak maupo ka muna, wag ka na muna tumayo----"

"Anak ? Bakit mo ko tinatawag na anak ni Hindi ko nga kayo kilala--- bitiwan nyo nga ako!!"

Nagwawalang tanong nito kaya naman hindi nagdalawang-isip ang doctor at agad itong tinurukan ng pangpatulog upang maiwasan ang pagsakit ng ulo nya dahil sa dami ng gumugulo at tanong sakanyang isipan

One Night Remember And ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon