Chapter 6

0 0 0
                                    

Allen P. O. V

-----------------*Flashback

Pabalik ako sa school dahil naiwan ko ang cellphone ko ng nakapagpaalam ako kay Gail na babalikan ko ito sa school ay agad akong tumakbo dahil malayo-layo narin ang nalakad namin papunta sa waiting shield ng makasalubong ko si Tan

"Uy, pre buti na lang nakasalubong kita"

"Bakit pre ?, maya na lang tayo mag-usap sa bahay tan"

"Uy, pre allen, sandali lang. Nasaakin yung babalikan mo Allen"

Pagkasabi ni tan non ay agad akong napahinto sa pagtakbo at bumalik sa tapat nya

"Oh, bakit ka natatawa jan ?"

"Kasi naman pre, 'di kaparin nagbabago kung magsalita kaparin parang may hugot yung mga salita mo hahaha"

"Siraulo ka talaga pre, oh cellphone mo. Ingatan mo para 'di mawala sayo"

"Hahaha oo na pre, tara na sabay-sabay na tayo nila gail------ patay! Si Gail nga pala baka kanina pa sya naghihintay sa waiting shield"
saad ko kay tan at napapalo sa noo ko ng maalala kung naghihintay nga pala saakin si Gail

"1..2..----

Bilang ni tan na nagpasaya saakin dahil naalala ko ang masasayang alaala namin nung mga bata pa kami

"3.. Goooo"
Sabay naming sabi ni tan at nagpaunahang tumakbo papunta sa waiting shield pero hindi pa kami nakakarating sa waiting shield ay napahinto ako bigla at ang mga ngiti saaking labi ay napalitan ng lungkot ng makita ko si Gail na nakatayo at nakatingin kay Lee

"Allen bakit ka naman huminto 'di pa tayo nakakarating sa waiting shield malayo-layo pa tayo don"

Masayang tanong ni tan saakin at hinihingal-hingal pa siya habang ako ay diretso lang ang tingin mula sa malayo kay Gail at Lee habang patuloy lang ang pagpatak ng ulan na dumadampi saaking katawan ay kasabay ng mga alaalang nagbibigay kirot saaking puso

"Ngayon alam ko na kung bakit ka biglang huminto sa pagtakbo, mahirap talagang kalaban ang nakaraan Allen"

Seryosong sabi saakin ni Tan

----------------------------------🦋

"Gail"
Tawag ko sakanya habang palapit ako sakanya

"Gaiillll"
Tawag ko ulit sakanya ng pasigaw ng makalapit na ako sa likod nya pero 'di parin nya ako nililingon pero pinipilit ko paring ngumiti

Hinawakan ko siya sa dalawang balikat nya at iniharap sya saakin ng biglaan

"Allen?"

Patanong nyang saad saakin na parang ngayon lang narealize na nandito na pala ako sa tabi nya

"The one and only Allen in your life the best in the best in the world of boybestfriend"

Saad ko sakanya ng nakangiti kahit pilit pero nanatili parin siyang tahimik

"Tumila na ang ulan"
saad nya sabay taas ng kamay nya para damhin ang pagtigil ng ulan

"Asan na sya?"

Mahinang tanong ni Gail sa sarili nya na sakto lang para marinig ko mula sa likod nya

"Sinong hinahanap mo Gail ?" Nakangiting tanong ko kay Gail na kunwari 'di ko alam kung sino ang hinahanap nya pero 'di nya ako pinansin at inalis ang kamay ko sa dalawang balikat nya at agad na tumakbo papuntang waiting shield na bakas sa mukha nya na nag-aalala siya at may hinahanap sya na subrang mahalaga para sakanya

One Night Remember And ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon