Chapter 4

0 0 0
                                    

"Uyyy Gail, OK ka lang ba ? Bakit tulala ka na jan ?"

"Ha?"

"Sabi ko bakit tulala ka ?"

"Wa---wala pagod lang ako ang dami naming ginawang activity kanina"

"TSS, 'di bagay sayo nagsisinungaling! Naalala mo na naman sya diba ?"

"Ha ?"

"Si Lee, pumasok na naman sya ulit sa isip mo diba?"

Seryosong tanong ulit saakin ni Allen

"Haysstt, bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan hahahaha tsaka natural lang naman na maalala natin ang mga taong malapit sa puso natin diba ?"

Saad nya at sabay tingin saakin kaya ngayon pareho na kaming nakatingin sa isa't-isa

"Ha? Ahhh oo naman"

"Kain tayo ?"
Nakangiti paring tanong nya saakin

"Sige. Kanina pa ako nagugutom"

"Lagi ka namang gutom ei"

"Anong sabi mo!"

"Ha? Wala ah, wala naman akong sinasabi"

"Huy tumingin ka nga saakin, alam kung may sinabi ka, narinig ko yun!"

"Narinig mo naman pala ei, gusto mo bang ulitin ko pa na----"

"Na ano ha?!!"
Nakapamewang na tanong ko kay allen

"NA LAGI KANG GUTOM HAHAHAHA" Sigaw nya at agad na tumakbo palayo

"Huy, LEN-LEN bumalik ka dito!!"
Inis na sigaw ko sa nickname nya dahil alam kung iyun ang magpapahinto sakanya at sya mismo ang agad na lumapit saakin at nagmamadali pa ito kaya naman patago akong tumatawa

"Huy Gail wag ka ngang maingay jan, sinabing ayukong tinatawag akong len-len ei!"
Saad nya saakin na magkasalubong na ang dalawa nyang kilay at palingon-lingon pa ito sa paligid na isinisigurado na walang nakarinig sa nickname nya

"WAHAHAAHAHAHA"
tanggal ko sa kamay nya sa bibig ko at agad na nagpakawala ng malakas na tawa

"Haysstt, Gail tumigil ka na nga sa pagtawa!"
Naiinis na saad ni Allen saakin

"O--- oo na titigil na---- waahahahahaha"

"Gail naman ei!"

"Hindi na promise, Kain na lang tayo---- hahahahaha"

"Gail naman ei! Bala ka nga Jan"

"Uy, 'di na nga ei, tara na dito kain na tayo"

"Bala ka jan, kumain ka mag-isa mo! Tawa ka ng tawa jan"
nagtatampong saad ni allen saakin

"Hindi na nga ei, promise"

"Sige na nga, kawawa ka naman nagugutom ka na baka mangayayat na yang mataba mong pisnge"

"Sige, mag-umpisa ka Allen kapag inasar kita jan pikon ka naman jan hahaha"

"Ikaw magbayad ng kakainin mo ah"

" 'di joke nga lang ei, libre mo na ako hehe"

"Pasalamat ka mahal kita---"

"Gaillllll"
sigaw ni Bea bestfriend ko at pinsan ni Allen

"Ano yung sabi mo allen ?"

"Sabi ko ang panget mo hahaha"

"Letse ka!"

"Joke lang, sabi ko pasalamat ka bestfriend kita"

"TSS"

"Ehemm, issue este tissue pahingi nga ako insan ng TISSUE"
pagdidiin ni Bea sa salitang tissue na halatang nang-aasar saamin ni Allen

One Night Remember And ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon