Chapter 5

0 0 0
                                    

"Gail sandali lang"

"Bakit ?"

"Naiwan ko ata yung cellphone ko sa school"

Saad ni Allen saakin habang hinahanap nya ang cellphone nya sa bag nya

"Sige, hintayin na lang kita sa waiting shield"

"Sige, saglit lang"

"Bilisan mo ah"

"Oo, saglit lang ako"
Saad nya at agad na tumakbo pabalik sa school malayo-layo narin kami sa school dahil malapit na kami sa waiting shield

"Ha? Naambon"
Takang tanong ko dahil maaraw naman sabay taas ng kamay ko para maramdaman ang bawat patak ng ulan

Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko, bigla na lang ako kinabahan, masaya at kung anong-ano pang nararamdaman ko basta ang alam ko lang isang tao lang ang kayang magpabaliw ng ganito sa puso ko. Isang lalaki lang

'Haysstt' saad ko ng mapangiti ako bigla dahil naalala ko ang masasaya naming alaalang dalawa noon

"Le--LEE?"
Saad ko saaking sarili ng biglang pagharap ko ay agad na nakita ng dalawa kung Mata ang lalaking UNA KUNG MINAHAL ang lalaking kayang magpabaliw sa puso ko. Bigla na lang akong napaluha, napaluha sa subrang saya ko. Saya na makita ko ulit sya pagkatapos ng maraming taong 'di namin pagkikita

Gusto ko syang lapitan pero 'di ko magawa, hindi ko alam kung bakit pero parang may kung anong meron ang pumipigil sa mga paa kung humakbang palapit sakanya.

'Kahit gusto ko hindi ko magawa dahil may kung anong pumipigil'

Halos tumulo na ang mga luha ko sa magkahalong saya at lungkot. Saya sa ilang taon na lumipas nakita kung muli ang lalaking 'di kayang kalimutan ng puso't- isipan ko. Ang lalaking hindi kayang pantayan ng sino man sa puso ko. At lungkot dahil kahit sa pagkakataon itong hindi ko parin siya magawang lapitan may kung anong humihila saakin palayo mula sakanya.

'Mula sa taong pinakamamahal ko'

One Night Remember And ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon