Chapter 10

0 0 0
                                    

Gail P. O. V

"Oh, anak magpahinga ka na lang, wag ka na munang pumasok Friday naman ngayon"

Saad saakin ni mama ng makita nya akong papasok ng kusina habang nag-aayos sya ng hapagkainan

"Ok lang po ako ma, susunduin naman po ako ni Allen"

"Sigurado ka bang kaya mo na ?"

Nag-aalalang tanong ni mama saakin ng ihinto nya ang pag-aayos ng hapag at hinarap ako

"Kaya ko na po tsaka hindi naman po ako nasugatan"

"Oh,sya kung mapilit ka basta kapag nagkaproblema tawagan mo na lang ako ha?"

Saad ni mama at pinagpatuloy na ang ginagawa nya

"Opo"

"Maupo ka na rito at kumain na, may pasok ka pa. 'Di na muna ako makakasabay sayo ngayon kumain anak dahil dadalhan ko ngayon ng pagkain ang Lola mo sa tindahan para hindi na sya umuwi dahil mainit ang panahon, doon narin ako kakain sasabayan ko na ang Lola mo"

Saad ni mama habang naglalagay sya ng kanin at ulam sa baunan na kakainan nila ni Lola. Sa tindahan namin ng mga isda sa palengke 

"Sige po ma, ma gusto nyo po ba ihatid ko po kayo sa palengke"

"Huwag na, diba susunduin ka ni lenlen ( Allen ) ngayon"

"Tao po ?"

"Sandali lang may kumakatok baka si lenlen nayan"

Saad ni mama at inilagay na nya sa bag nya ang lahat ng dadalhin nya sa palengke at bago sya lumabas ng kusina ay humalik na ako kay mama at muling bumalik sa pagkain at pumunta na ng pinto si mama para tignan kung sino ang kumakatok

"Gail nandito na si lenlen. Aalis na ako ha" sigaw ni mama mula sa pinto

"Sige po ma" tugon na sigaw ko kay mama

"Lenlen ikaw na bahala kay Gail ha ? Aalis na ako. Tawagan mo ko kapag nagkaproblema"

"Wag ka pong mag-alala tita kay Gail ako na po ang bahala sakanya 'di ko po sya papabayaan"

Rinig kung usapan nila mama at Allen sa may pinto 'di naman ganon kalayo ang maliit naming kusina sa sala namin dahil maliit lang din naman ang bahay namin

"Gail sure ka ? Papasok ka na ?
Tanong saakin ni Allen ng makapasok na sya sa kusina at umupo sa tapat kung upuan

"Oo naman--- gusto mo bang kumain ?"

"Susubuan mo ba ako ?" Nakangiti nito ng nakakaloko

"Siraulo---- gusto mo nga ?" Tanong ko ulit sakanya

"Ang alin susubuan mo KO ? Oo naman basta ikaw" natawa nitong sagot saakin kaya naman napapailing-iling na lang ako habang natatawa 'puro talaga kalokohan ang lenlen natoh'

"Ang kumain ang tinatanong ko lenlen---puro talaga kalokohan laman ng utak mo" natatawa ko pang saad sakanya pero nginitian lang ako ng gago

"Hindi kaya, ikaw kaya ang laman ng utak ko pati Neto" saad nya pa sabay turo rin sa puso nya sa pagkakataon nayun nakatingin na sya ng seryoso saakin 'kung 'di lang kita kaibigan iisipin kung nagtatapat ka saakin ng nararamdaman mo' saad ko sa isip ko habang nakatingin ng seryoso narin sakanya at napatigil sa pagkain ilang sandali rin kaming nakatingin ng seryoso sa isa't-isa hanggang sa basagin nya narin ang katahimikan na kaninang bumalot saaming dalawa

"Mahal kasi kita kaya ganon ka kahalaga saakin Gail" saad nya muli ng nakangiti ng matamis saakin

"Syempre bestfriend mo ko eh, kaya mahal mo ko kaya mahalaga ako sayo diba ? Bestfriend mo kasi ako"

"Oo naman" nakangiti nyang sagot saakin pero bakit parang nasasaktan sya ? Bakit para may lungkot sa mga mata niya kahit nakangiti sya ?

"Hindi mo pa ba ako papakainin ?---- saan ka pupunta ?" Tanong nya saakin ng tumayo ako mula sa kinauupuan ko kanina

"Ikukuha ka ng pagkain"

"Subuan mo na lang ako para 'di na madagdagan pa ang hugasin shaka mas masarap kumain kung susubuan mo na lang ako pleaaasssssseeeee" pakiusap nya sabay puppy eyes pang nalalaman ang gago

"'Di bagay sayo lenlen mukha kang natatae"

"Sa gwapo kung toh, Gail! Mukha talaga akong natatae kapag nagpapuppy eyes ?"

"Oo subra" natatawang sagot ko sakanya habang nakatayo parin sa harap nya

"Ok lang atleast itong mukhang tong mukang natatae ang nagpapasaya sayo ngayon ang dahilan ng mga ngiti mo Gail" saad nya habang nakatitig ng diretso saakin at nakangiti ng todo

"At least mukha kang natatae kapag nagpapuppy eyes" pang-aasar ko pa sakanya at tawa ng malakas

"Ewan ko sayo subuan mo nalang ako gail"

"A-yu-ko-nga-Ano-namang-ka-pa-lit ?"

"Son oh gung is that u ?" Natatawang tanong ni lenlen saakin ng gayahin ko ang laging linya ni son-oh-gung kaya naman lalo akong natawa

"Ang galing mo ah"

"Syempre lagi natin pinapanood yung hwayugi. Ako si sun-oh-gung ang kapantay ng kalangitan" panggagaya pa ni lenlen na lalong kinatawa ko na sinabayan nya rin ng tawa

"Kumain na nga tayo sumasakit na yung tiyan ko kakatawa"

"Ok lang yan it's mean masaya ka kaya nasakit tiyan mo---- susubuan mo ba ako"

"Oo na lagi naman kitang sinusubuan kapag nakain tayo kaya tayo napagkakamalang magjowa e, kahit sa public place nagpapasubo ka pa saakin"

"Edi para maiba ako naman ang magsusubo sayo mamaya sa canteen"
Natawa nyang saad saakin

"Tss nang-asar pa toh"

"Hindi ako nang-aasar noh, gagawin ko talaga yun"

"Huy wag na, lenlen" pagpipigil ko sakanya pero tinawanan nya lang ako hayy nako

"A-yu-ko-nga-A-no-namang-ka-pa-----" Panggagaya nya pa ulit kay son-oh-gung kaya agad kung isinubo sa bibig nya ang hawak kung kutsara na puno ng pagkain para manahimik na muna sya pero nginitian lang ako ng gago habang nanguya pa

"Ngumuya ka lang jan at manahimik"
Saad ko sakanya at sinubuan sya ulit at kumain na ulit ako

"Yes maam" sagot nya at may pasaludo-saludo pang nalalaman 'tsss'

One Night Remember And ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon