Zamara's POVUgh! This is so frustating! Kanina pa walang imik at tila wala sa sarili si Zyron! May problema ba siya? Bakit ayaw nyang sabihin? Namimiss ko na tuloy yung pagiging sweet niya!
"Hey, everything's alright? Tell me may bumabagabag ba sayo?"
He didn't respond, damn this life!
At dahil nga nagtatampo ako sakanya, hindi ko siya papansinin bahala siya dyan! Akala nya sya lang marunong magsnob? Ha! Asa!
"Nandito na tayo! Yeyy!"
"Para kang isip bata Missie!" Molly said. "Bakit ba? Pakialam mo!?" At nagpalitan na sila ng matatalim na tingin.
Hindi ko sila pinansin at umurong kaunti palayo kay Zyron, tinignan niya ako ng puno ng pagtataka pero inirapan ko lang siya, makaramdam ka!
Nung huminto na ang sasakyan ay nanguna ako palabas at mabilis na naglakad palayo, narinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ko sila nilingon.
How dare of him! Ignoring me!? Ha! Sige, gusto niyang maglaro? Fine then!
Maya maya pa ay sumunod na ako sa kanila.
"So, magkahiwalay ang room ng mga girls at room ng mga boys, kaya ang mga magshoshota dyan hiwalay muna saglit."
Sumimangot agad ang mukha ni Molly, tss!
Haliparot! Grabe ka sis!
"Nasaan na nga pala yung sinasabi mo?" Tanong ni Missie.
"Ahhh, parating na yung mga yun hintayin nalang natin."
Nilibot ko ng tingin ang beach resort, malaki,maganda,maaliwalas. No doubt about that.
Kaya siguro madaming turista ang nandito.
"Huy! Tulaley ka dyan?"
Hindi ko pinansin si Molly at naglakad palayo sakanila, epal kase si Zyron! Lakas makabadtrip!
"Hala, nagwalk out."
Tss kahit kailan oa talaga ng kambal nayun!
Over Acting ang peg!
Nag-emo ako, nasa tabing dagat din habang nakatayo at malayo ang tingin. Nasasaktan ako sa inaakto ni Zy, parang feeling ko kahit magkalapit lang kami ang layo ko sakanya.
Ayaw rin niyang sabihin sakin ang problema niya, sa isang iglap ang dating super sweet at pa PDA ay ngayon isang cold na.
Hindi ko namalayang may tumulong luha galing sa aking mata.
Agad ko itong pinunasan at umalis na.