Chapter 2

323 8 0
                                    


Zamara's POV

This is it pancit! Ito na ang araw na pinakahihintay ko! Wooohhh!

Ngayon na kase yung outing namin magkakaibigan, syempre kasama namin yung mga boylets namin!

Excited narin akong makita ulit sina Molly at Missie, ang tagal na nung huli ko silang nakasama.

Kinailangan kasi nilang magpunta sa states para dun magtapos ng pag-aaral. Nakakamiss din talaga ang kambal nayun.

Kagabi ko pa inihanda ang mga gamit ko kaya maliligo at mag-aayos nalang ang gagawin ko.

Kanina pa naman ako nakabihis eh, hinihintay ko lang si Zyron. Kalalaking tao ang tagal mag-ayos!

Dinaig pa ang babae eh! Kun sabagay anak mayaman eh.

"Zy? Hindi ka pa ba tapos? Tayo nalang daw ang hinihintay!"

Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot.

"Sandali nalang."

Agad akong nagtaka sa tono ng pananalita niya, ibang iba sa boses niya sa araw araw niyang pananalita.

"May problema ba? Iba kasi ang tono ng pananalita mo eh."

Hindi ako nakatanggap ng sagot, tinext ko nalang si Missie na mahuhuli kami ng kaunting oras.

....................

"Shieka! Namiss kita!"

Sinalubong agad ako ng yakap ni Missie, gosh! I missed this girl!

"Si Molly?"

Naghiwalay kami sa pagkakayakap at agad siyang napakamot ulo.

"Andun! Kumekerengkeng!"

Nakabusangot niyang sagot.

Napailing nalang ako, playgirl talaga ang isang yun! Tsk tsk!

Maya maya dumating na siMolly kasama ang boyfie nya, ang laki pa ng ngiti ng gaga!

Mabilis ko siyang piningot.

"Ano bayan Shieka! Grabe ka sakin!"

Mangiyak-ngiyak niyang sabi habang hinihimas pa ang tenga niya.

Harot mo bes!

Inirapan ko siya ng paloko, ang sarap talagang kasama sa kalokohan ang kambal natoh!

Isa isa na kaming sumakay sa van, sa kaliwa ko ay si Zyron na kanina pa walang imik, sa kanan ko naman ay si Missie.

"Guys, ipapakilala na rin kayo sa mga bago kong kaibigan, sure ako magkakamabutihan agad kayo."

Tumango kami sakanya at mabilis na niyang pinaandar ang sasakyan.

Break The Badboy's Heart (MNMMB Book 2)Where stories live. Discover now