Zamara's POVPatuloy lang ako sa paglalakad palayo, sa malayo ang tingin ko habang patuloy na umaagos ang luha ko pababa sa aking pisngi.
Hindi ko na din alam kung nasaan ako, at wala akong pakialam. Hahayaan ko nalang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Tila winawasak ang puso ko sa sobrang sakit! Hindi ko maisip kung bakit kailangan niyang magtaksil!? At sa BESTFRIEND ko pa! Si Molly yun eh! Mahal ko yun! Hayop!
Ramdam ko ang pagtingin ng mga tao saakin pero wala akong paki sakanila. Gusto kong mapag-isa, gusto kong maglakalayo muna.
"Paano mo nagawa sakin toh Zyron?! Paano!? Bakit!?" Sigaw ko sa kawalan. Nagmumukha na tuloy akong baliw dito.
"Gosh! Nababaliw ba siya?"
"Brokenhearted yan for sure."
"Kawawa naman."
"Ang ganda ganda pa naman tsk!"
Nakakarinig rin ako nang samu't saring bulung bulungan. Magbubulungan nalang sila ang lakas pa!? Pagchichismisan nalang nga nila ako ipaparinig pa!? Kawawa!? Hindi ako kawawa!
Huwag nyo akong kaawaan! Huwag niuong sayangin ang oras ninyo sa taong kagaya ko!
Tinignan ko sila ng masama kaya nagsi iwas sila ng tingin at nagmadaling umalis.
Napadpad ako sa isang madilim na lugar, may mga halaman at bulaklak dito pero hindi mo makikita sa dilim siguro dahil gabi narin.
Umupo ako sa may damo at niyakap ang aking mga binti, sinubsob korin ang mukha ko sa aking tuhod at duon umiyak.
Iniiyak ko lang ang sakit! At ang tanga ko dahil hindi ko man lang napagtanggol ang sarili ko! Na wala akong ginawa kasi mahina ako!
Mahal ko siya eh! Wala talaga akong magagawa!
Patuloy lang ako sa pag-iyak na kalaunan ay naidlip.
..................
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mata. Unti unti kong minulat ang aking mata at napamura nung masilaw.
Bumangon ako at luminga linga. Nakatulog ako rito!? Hays!
Anong oras na ba? Nasaang lupalop ba ako ng earth?
Binuksan ko ang phone ko at sobrang dami kong notif!
54 missed calls! 275 messages! Holy cow kalabaw!
Bakit hindi ko narinig na nagriring ang phone ko?
Naghanap ako ng sign o kung ano mang sulat kung nasaan ba ako.
Abucay, bataan!?!
Ang layo! Nagawa kong lakarin mula batangas hanggang bataan!?
Woah!
Naramdaman ko ang tila pagkamaga ng mata ko, siguro mugtong mugto ito ngayon.
Hindi nga ako nagkamali! Mukha akong bangag!
Paano ako uuwi nito!? Wala akong dala miski singkong duling!