Zamara's POV"Drake..yung key card ko."
Mabilis niyang iniabot sakin yung hinihingi ko, magkakaparehas kami ng kwarto nina Missie pero may tagiisa kaming duplicate ng key card para kung sakaling nawala ang isa ay may extra pa.
"Salamat."
Umalis nako at naglakad papuntang second floor, nandun kasi yung kwarto namin.
"Oh? Hindi kapa kakain? Tapos na kami kanina." Si Missie.
Umiling ako at mabilis na inihiga ang sarili sa kamang malambot.
Maya maya ay may kumatok, binuksan ko ang pinto at si Drake lang pala... akala ko si Zyron.
"Nandito na sila, kasama rin nila si Nhaki."
Ginanahan agad si Missie.
Kerengkeng din pala
Sinuot ko na ang citrus kong jacket at ang key card ko pati narin yung wallet at sabay sabay kaming lumabas.
"Guys, eto sila."
Tinignan ko sila isa isa, mukha naman silang mababait.
Nalipat ang tingin ko kay Zyron na parang hindi mapakali.
Ano bang nangyayari sayo?
"Ako nga pala si Jimwell." Sabi ng lalaking may perfect shape ng jawline! Matangos ang ilong at extremely hot!
"Ashton." Sabi ng isang lalaking mukhang bored na bored at super gwapo rin.
"I'm Shakkira!" Sabi ng cute na babaeng joyful at mukhang dyosa.
"Akinzy!" Sabi rin ng babaeng mala dyosa rin ang ganda, mukha siyang chinita at sobrang puti rin niya.
"Ako si Missie, at ito ang kambal kong maharot si Mollizen, Molly nalang siguro."
Sumama ang tingin ni Molly kay Missie na nag peace sign lang.
"Zyron." He said very coldly.
"I'm Zamara Shieka." Nakangiting pakilala ko.
"Kilala ninyo na naman kami eh hindi na namin kailangan magpakilala." Todo ngiti na sabi ni Nhaki.
Sabay sabay kaming pumunta sa buhanginan at sumalampak duon.
"Bihis na kayo tayo ng pang swimsuit?" Mapangasar kong tanong, pinagtaasan lang ako ng kilay ni Zyron.
Bahala ka sa buhay mo! Engot!
"Great Idea! Mailalabas ko na ang aking angking kaseksihan!" Sabi ni I think Shakkira?
"Tara na."
........................
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang sexy ko pala talaga.
Isa isa na silang lumabas at nginitian namin ang isa't isa. Tignan natin kung matutunaw ka Zy!
Nung makalapit na kami sa pwesto kanina ay agad akong nagtaka nung sila Drake,Nhaki,Ashton,Jimwell lang ang nandun.
"Si Zyron? Nasaan?"
Nagkatinginan sila Drake at Nhaki bago magalinlangang ituro ang direksyon kung nasaan siya.
Habang naglalakad hindi ko mapigilang hindi ma concious, pinagtitinginan ako ng mga lalaki. May mga pumipito pa nga eh.
Hinanap ng mata ko si Zyron at tila napako ako sa kinatatatuan ko. Tila ay libo libong kutsilyo ang tumusok sa puso ko, unti unti naring tumutulo ang mga luha ko.
Si Zyron at si Lili/Lilian, they were kissing torridly. Kitang kita ko sa mukha ni Zyron ang saya at enjoyment.
"Taksil! Hayop ka Zyron! Putangina mo! Hindi pa ba ako sapat sayo! Kingina ka!"
Nanlaki ang mata ni Zyron at halatang gulat nung makita ako, well wala siyang karapatang magulat ngayon!
"Z-Zamara! I can explain!" Sabi niya habang patakbong lumapit saakin.
"Explain my ass! Malinaw na ang nakita ko! Niloloko moko! Isa kang taksil!"
Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko yon agad.
"Itaga mo man sa bato! Kapag ako nagbago sisiguraduhin kong tatapakan ko ang walang kwenta mong ego"
Sigaw ko sakanya at tumakbo na paalis.
Ang sakit sakit! Mahal ko siya! Mahal na mahal! Pero hindi ako naging sapat! Naghanap parin siya ng iba samantalang super effort ko para sa relasyon namin! 3 years! 3 goddamn years! And he wasted it with that pathetic bitch! Damn him! Wala palang saysay yung pinagsamahan namin para sakanya! Ako lang pala ang nagmahal! Tangina niya!
"Shieka!? Anong nangyari!? Bakit ka umiiyak!?" Nag-aalalang sambit ni Missie.
"Yung pokpok mong kambal! Nandun!Kinakalantari yung boyfriend ko! Oo! Si Molly yun! Nilandi ng kambal mo ang mahal ko!"
Isang malutong na sampal ang nakuha ko sakanya, hindi ako magpapatalo! Ako ang biktima dito! Kaya isang malakas na sampal ang binalik ko sakanya, naalarma naman ang mga boys pati sila Akinzy at Shakkira.
"Ang kapal ng mukha mo! Ninyo! Kayong lahat!" Sigaw ko sakanya at sinunggaban ang buhok niya. Syempre gumanti rin siya.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong paki! Pilit narin kaming pinaghihiwalay ng mga kasama namin.
Sinipa ko ang tiyan niya dahilan para bumagsak siya sa buhangin.
Masamq ang loob kong naglakad paalis sa lugar nayun.