Zamara's POVPadabog kong sinara ang pinto, akala ko okay na ko, akala ko kakayanin kong makita silang magkasama. Shit!
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magsalita ng maayos kanina, pakiramdam ko napapahiya ako dahil ako parin yung duwag na Shieka dati. Ako parin yung loser na Shieka dati and I hate it.
Gusto kong ipakita sakanya kung sino yung sinayang nya pero, anong magagawa ko kug iba talaga yung mahal nya at ginamit nya lang ako para mapalapit sa kaibigan ko?
That's it don't cry! You'll waste your effort and makeup! Please Shieka don't you dare cry!
Maya maya ay kumatok na si Missie, syempre susundan nya ako dito para icomfort. Well sorry sya dahil galit ako sakanila. Nagsikreto sila sakin! Nagmukha akong tanga puta!
"Shieka, magusap tayo ng maayos. Wag galit ang unahin mo please hayaan mo silang magexplain. P-para may closure kayo ni Zyron."
Wow!
Akala ko gusto nya kaming magusap para magkaayos kami yun pala, para may CLOSURE! para malaya na silang gawin ang kahayupan nila! Tangina nila!
"Wow! Missie! Ako pa! Ako pa ang magaadjust!? Akala ko ba your on my side kase ako yung nasa tamang posisyon!? Akala ko ba kakampi kita kase ako yung nasasaktan!? Pero puta! Dyan kapa kumampi sa kambal mong ahas! Wala kang kwenta!"
Napahagulhol na ako sa iyak. Shit! Alam kong mukha na akong multo dito dahil kalat na yung makeup ko. Grabe wala na akong kakampi! Syet! Ako pa yung kawawa sa huli! Tangina ako yung niloko! Ako yung pinagmukhang tanga! Ako yung nasaktan ng sobra! Tapos wala pang kakampi?!
"Zamara Shieka Fuentez! Ano ba ang gusto mong mangyari!? We will apologize to you! Magsosorry kame sayo kase nasaktan ka! Kase nagmukha kang tanga! Pero bukod don?! Anong gusto mong mangyari? Lumuhod kame sayo? Halikan namin ang paa mo!?"
Alam ko naasar na sya. Alam ko yun kilala ko sya. Sya pa ang maasar? Ang galing talaga.
"Ikaw pa yung magagalit!? Hindi ba dapat intindihin ninyo ako!? Pero oo nga naman. Hindi nyo naman ako naiintindihan, hindi aman kayo yung nasaktan! Hindi kayo yung umiyak! Hindi kayo yung nasaktan! Zyron! Lumapit ka dito at magpaliwanag ka! Pumili ka saaming dalawa ng linta nayan!"
Sigaw ko, kailangan ko syang kausapin at para masampal ko sya ulit. Para pagbayarin sya sa mga ginawa nyang kagaguhan saakin sinula pa nung umpisa kaing magkakilala.
Binuksan ko ang pintuan at bahagya pang binangga ang balikat ni Missie bago ako bumaba at harapin si Zyron. At doon ko sya nakita, kayakap ni Molly, ang sweet nila.
Pagkalapit ko pa lang sakanila sinampal ko na si Zyron at sinuntok suntok sa dibdib. Nilabas ko lahat ng galit ko sakanya. Naiinis ako sakanya inis na inis! Galit na galit ako sakanya! Hayop sya! Wala syang kwenta!
"Shieka tumigil kana please."
Napatigil ako sa sinabi ni Molly na nasa tabi ko lang. Hindi narin ako nakapagtimpi at sinampal ko sya kaliwa at kanan. Sinbunutan ko sya ng buong lakas ko. Ilalabas ko lang ang sama ng loob ko. Bagay lang sakanila yon.
Tinulak ko sya dahilan para matumba sya sa sahig. Agad ko syang dinaganan at sinampal sampal at sinabunutan hanggang mawala lahat ng inis ko. Pero mukhang hindi rin naman yon mawawala. At wala din balak umawat dahil sa di ko malaman na dahilan. Mahit si Missie hindi nya magawang ipagtanggol ang kawawa nyang kapatid.
"Bagay lang sayo yan ahas ka! Kabit ka! Akala ko kaibigan kitang malandi ka yun naman pala aahasin molang ang boyfriend ko! You bitch!"
Sigaw ko at mas nilakasan ko pa ang pagsabunot sakanya. Hanggang sa mapagod ako. Hingal na hingal akong tumayo at humarap kay Zyron.
"Mamili ka, ako na girlfriend mo ng ilang taon, o yang malandi nayan."
Hindi sya makaimik. "Sumagot ka!" Singhal ko sa mukha nya. Pero ang lintik ayaw parin magsalita. "Tangina SUMAGOT KA!"
Umagos nanaman ang mga lintik kong luha. Nanginginig ang labi ni Zyron habang nahihirapang bigkasin ang mga salitang bibitawan nya.
Namayani ang katahimakan sa buong paligid. "S-sorry Shieka b-but I c-choose h-her." Namumutlang saad nya. At ako napatulala nalang ako. Wow! Tangina Ang galing talaga.
"Sige kung yan ang gusto mo. Pero itaga mo sa bato na kahit kailan kahit magmakaawa kapa at lunuha ng dugo sa harapan ko hinding hindi na kita mapapatawad!"
Bulyaw ko at padabog na umalis na sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto kong kalimutanan ang problema ko kahit sandali lang.
