Chapter six

0 1 0
                                    

Clarence POV

Pagkapasok ko palang nang room si Del agad ang nahagip nang mata ko. Wala pa naman si Kenzo kaya lumapit na muna ako sakanya. Napansin ko ang malulungkot niyang mata actually nangingilid na nga ang luha niya habang nakatingin sa hawak niyang camera.

Nang tumulo ang luha niya ay bigla akong napakapa sa bulsa ko. At saktong may dala ako panyo. Inabot ko ito sakaniya at natigilan naman siya.

Tinitigan niya muna ang panyo saka kinuha ito. Pinunasan ang mata nya na may luha at mas humagulgol sa pag iyak. Kaya naisipan kong tumabi muna sakanya. Doon ako umupo sa upuan ni Kenzo. At tumingin sakanya.

Maya maya lang ay tumigil narin ito. At tumingin sakin mugto ang mata nito at halata mong galing siya sa pag iyak. Nginitian ko naman siya at ginantihan niya naman ako nang simpleng ngiti.

"Are you okay?." Nag aalalang tanong ko sakanya.

"Yes, thank you Clarence." Simpleng ngiti ang iginawad niya sakin.

At muli nitong iniwas ang tingin niya sakin. At muling bumagsak ang mga luha niya.

"You're not okay." Pag tatama ko. At mas lalo siyang umiyak.

Tinitigan ko lang siya hangang sa tumila ang mga luha niya.

"What happen?" Tanong ko sakanya.

"Hm, namiss ko lang yung mga araw na kompleto pa kami nang pamilya ko." Sagot niya at napakunot ako nang noo.

"E, kompleto naman kayo a. Kapupunta lang nang Mommy't Daddy mo dito kanina. Ngayun lang naman kayo nag kahiwa-hiwalay kasi nag so school na kayo."

"Haha, hindi yun." Natawa naman siya sa sinabi ko. kaya napangiti ako.

Ayiee napatawa ko sya! Yeheyy..

"E ano pala? Kala ko kasi dun sa U.S ba yung pinang galingan ninyo?" Tumango naman siya. "Kala ko kasama mo parents niyo pag nag school kayo." Napakamot ako sa batok ko.

"Nope, hindi yun. Namiss ko lang kasi yung Dalawa kong kapatid. Naiwan kasi sila sa US for a business." Paliwanag niya.

"Ah, may kapatid pa pala kayo?." Tatango tangong sabi ko.

"Kasasabi ko palang diba."

Napangiwi naman ako. Iba talaga to pag kausap nakakatakot.

"Ah oo."

Napatingin ako sakanya habang siya nasa malayo ang tingin. Pinag masdan ko ang mukha niya. Damn nakaka inlove siya kahit medyo creepy ang dating niya. Matangos ang ilong niya at ang ganda nang mga mata niya. Ah basta maganda siya at yun ang nagustuhan ko sakanya.

Hwat?! Gusto?! Oh no....
I'm lying!

"May dumi ba ako sa mukha?" Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya.

Hala! Napansin niya.

"W-wala." Napapahiyang sabi ko.

"Ts! Bat tinititigan mo ako?"

"H-hindi ah!" Maang mangang sagot ko.

"Ganon."

"O-oo."

"Tss!" Singhal niya at napatingin naman ako.

"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Huwag ako, si Zel maganda naman sya. Kaya siya nalang." Sabi niya at nanlaki mata ko.

Huh nung ibig sabihin nito?.

"Huh?"

"Tss! H'wag ako."

😤ENEMY still RANGE😏Where stories live. Discover now