Chapter twelve

0 0 0
                                    

Kenzo POV

Naiwan nalang akong mag isa sa office ni Mr. Falcon. Nakaupo ako sa harap nang table niya habang siya ay nakaupo sa upuan niyang kahoy.

"Mr. Chairman Flores decided na ang magiging special guess ay natin bukas sa acquaintance ay yung dalawa niyang apo'ng lalaki." Napatango naman ako. " The MC will be the class president of the section class A2. Ikaw nalang ang kumausap sakanya." At tumango ulit ako.

"Mr. Falcon, pwede ko bang makilala ang special guess natin?" Tanong ko.

"Of course, ang panganay ay si Dan Arison Flores at ang isa ay Lee Roque Flores. Sila ay mga kapatid nang dalawang transferee na Ms. Flores!." Sabi nito at nabigla ako. At napangiti ako at the same time.

Mukhang magiging masaya nito si Del at yung kapatid niya. Alam kong miss niya na yung mga kapatid nila. Hm..

FLASHBACK*

nakita ko si Del at Rence na magkausap. Nasa pwesto ko nakaupo si Rence. Biglang tumingin sakin si Del at nag salita at dun tumayo si Rence. At naglakad papunta sa upuan niya.

Nakasalubong ko pa siya. But di siya tumingin sakin kahit ilang segundo. Lumapit nalang ako sa upuan ko.

"Hay! Hoooo!!" Si Del. Na animo'y nag papakalma nang sarili.

Tinignan ko lang siya. Napansin kong namumugto ang mata niya kaya dun ako na curious.

"Anong nangyari sa mata mo?" Tanong ko at humarap naman siya sakin.

"Pakialam mo!?"

"Wala pero, umiyak kaba?"

"Hindi napuyat lang ako."

"Grabe ka pala mapuyat." Pang aasar ko.

Tumulo bigla ang luha niya kaya nataranta ako.

"Uy, binibiro lang kita." Pag papakalma ko sakanya.

"Tss, ayos lang yun! Hindi naman yun ang dahilan e."

"Ano? Bat ka umiiyak?"

"Namiss ko lang yung dalawa kong kapatid."

"Ah, may kapatid pa pala kayo."

"Kakasabi ko palang diba!" Inis na sabi niya. At napangiwi naman ako.

"Ts! Dika talaga makausap nang matino!" Singhal ko.

"Pakialam mo!"

"Oo na tsh! Hambog talaga!"

"I know!"

Diko na siya pinatulan. At pinagmasdan ko nalang siya. Anghel rin pala ang isang ito kapag umiiyak. Mas maganda pag maamo ang mukha. Hindi tulad nang palaging seryoso!

            END OF FLASHBACK*

"Sige Mr. Falcon."  Sabi ko at tumayo at yumuko para sakanya.

"Pumunta kana sa gymnasium! At nanduon na lahat nang students. Announce to them about this event." Sabi niya at bumalik sa kanyang pagsusulat.

😤ENEMY still RANGE😏Where stories live. Discover now