Chapter nineteen!

0 1 0
                                    

Kenzo POV

(A/N: ito na ayos na'to hehe tinamad lang talaga ako hahaha!! Opz sensya...)

Nasa room ako ngayon. Lunch time na. Nag tataka ako kasi simula umaga walang Del ang nag pakita. Pero nandito naman ang kapatid niya. Pero bakas ang pagkalutang kay Zel. Dahil kapag sa recitation di nya namamalayan na tinatawag siya at ang dating active at ang matalinong babaeng ito biglang wala nang maisagot sa lahat nang tanong nang mga prof namin. Yung tipong may pinag dadaanan siya at di makapag focus! Ano kayang nangyari dun? At asan yung kapatid niya? Si Del? Ang princesa ko!!

Mag isa lang ako sa room. Nag iisip kung nasaan si Del. Asan kaya sya? Nilayo naba siya nang kuya niya sakin? Umalis ba siya? Naglayas? Nalaman niya ba kung ano ang napag awayan namin ni Danson? Ano ba?!!!!

"Nasaan ka Del??" Bulong ko. At yumuko at pinatong ang ulo ko sa desk. Tatlong araw na siyang di nag papakita. "I miss her so much!" Mahinang sabi ko.

"Ako rin..." Isang pamilyar na boses nang babae. At nai angat ko ang tingin sakanya. Umiiyak ito habang pinapatahan ni Rence. Anong nangyari.

"M-May problema ba? Asan siya? Bat dina siya pumapasok? Lumayo ba siya? Lumayas? Ano!?.." diko mabigilang magtanong. Kinakabahan ako at nakaramdam nang pag aalala. Nasaan ba siya?

Umiling-iling lang ito habang patuloy sa paghikbi. Napakunot naman ako nang noo. Habang nakatingin sakanya. Ano bang nangyayari? May nangyari ba kay Del?

"Bro, please huwag mo munang biglain si Zel. Diyan sa mga tanong mo." Malumanay na sabi ni Rence. At napasapo ako sa noo.

"Ano nga kasi, asan si Del?"

"Di namin alam! Huhuhu...." Biglang hagulgol ni Zel. At napakunot ulit ako nang noo.

"Anong di niyo alam?!" Nakaramdam ako nang kaba. "Naglayas siya?" Muling tanong ko at umiling ito.

"H-hindi..huhu..h-hindi sya n-naglayas..huhu.."

"Kung hindi asaan siya? Bat ka ganyan? Umiiyak."

"Di namin alam kung saan siya ngayon, kasalukuyang hinahanap namin ang mga taong kumuha kay Del huhu! Nakidnap siya Kenzo...huhuhu... Kailangan ko ang tulong mo! Tulungan mo akong hanapin ang kapatid ko..huhuhu!"

"Tutulong ako. Hahanapin ko siya sa ayaw at sa gusto nang pamilya niyo.."

"Hanapin mo si Del please Kenzo. Siguraduhin mong ligtas mo siyang mahahanap at mababalik.. kailangan natin siyang mahanap o kailangan mo siyang mahanap! Alam kong mahal mo siya at alam kong dika susuko sakanya.."

"Oo Zel, pero kaylangan ko parin ang tulong niyo. Magpapa tulong ako kay Daddy."

Humagulgol siya lalo. At napayakap sakin si Zel. Nabigla ako dun. Naramdaman kung umangat ang ulo nito at naramdam ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko batid kung malapit ang bibig niya dun.

"Save your fiancee, Kenzo." Bulong nito. At nanindig lahat nang balahibo ko. At nanlaki ang mata ko. F-Fiancee?! Del?😱

Kumalas na siya at tuluyan nang bumalik sa upuan nila. Diko namalayan na naiwan lang ako nakanganga at wala sa sariling naupong pabagsak.

My Princess is my fiancee?!!!...💕

I need to save her!! Early quikly...

I need to marry her..

My Del, My princess! Im coming...

***********

Jeiydelle POV

Nagising ako dahil sa may humihimas nang pisngi ko. Nanghihina parin ako at diko magawang kumawala sa mga nakagapos na lubid sa kamay at paa ko. Diko rin magawang makasigaw dahil sa telang nakatakip sa bibig ko. Wala rin akong makita dahil sa naka blind ako. Wala parin akong ideya kung sino ang mga hayop na tao ang kumuha sakin...

"O mabuti at gising kana binibini." Isang boses nang lalaki. At ewan ko parang pamilyar ang boses niya sa pandinig ko.

"P-Pakawalan niyo akong mga hayop kayo!!!" Sigaw ko. At naramdaman ko namang hinaplos niya ang balikat ko pababa. Kaya gumalaw galaw ako. Para matanggal ang kamay niya dito..

"Shhhh.... Hwag kang maingay."

"Anong kailangan niyo?! Bakit niyo ko kinidnap?!!"

"Sabing huwag maingay e!!"

"Hmp!"

"Yan!" Bwesit na demonyo to! Tinapalan niya nang tela ang bibig ko.

"Hmm..hmm..hmmm!!!" Muli akong gumalaw galaw. At pinipilit kumawala sa mga naka gapos na lubid sa kamay at paa ko. Pero talagang di kaya nang lakas ko. Patuloy parin ako sa pag likot umaasang makawala sa pwesto ko. Nang!

BLAAAAGGGGG!!

Natumba ako dahil sa kakalikot ko. Nqpalakas ang pag ka bagok nang ulo ko sa semento. Biglang kumirot ang ulo ko at naging dahilan nang pagkawala ko nang malay!





Nextttt....

      Please don' forget to support, vote, comment and follow
Thank you mwahh

I love you all my readers muaps ^_^❤️

Facebook: meckayy WP💛
Twitter: meckay__jeiy💜
Instagram:meckayjeiy💚

                  Wait for my next update!💙
                        Enjoy!

😤ENEMY still RANGE😏Where stories live. Discover now