I Famous: Plan (1.3)

197 9 0
                                    

Warning: This story is written by an amateur. Please excuse the foul words. Any names or person or establishments are only made by the author and does not reflect reality. Feedbacks and Comments ar much appreciated. Enjoy!

All Rights Reserved 2014

------

This book "Famous". Including chapters, epilouges, and associated content is copyrighted. All rights reserved by the owner and creator of this work, and any unauthorized copying, broadcasting, manipulation, distribution or selling this work, constitutes as an infringement of copy right. Any infrigment is punishable by law. No part of this work or any of this contents may be reproduced, copied, modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise indicated for stand-alone materials

Remember Plagiarism is a crime punishable by law

Thank you seoulpancake_ for the cover :)

~~~~~~'

Third Person's POV

October 29 2014

"Ang swerte mo naman MIka!!!". ang sabi ng kanyang kaibigan, si Angelie Perez.. One of the school's smartest student. Nerd, maraming pimples sa mukha at halata naman sa itsura niya na hindi siya nag-aayos "Isang minuto palang yung status mo, ang dami na agad ng likes!!! Sana maging katulad rin kita" malungkot na sabi ng dalaga. 

Nasa loob ng kwarto ang dalawang mag-kaibigan. Nagla-laptop si Mika at ang kanyang kaibigan nama'y tinitingnan siya kung ano ang mga ginagawa nito. Nag-status siya sa kanyang facebook: Here at Angelie' crib. Doing our project! :), nakita nga ni Angelie na mabilis dumami ang likes niya sa isang status lang, kaya naman nakaramdam ito ng inggit

"Wag kasing puro libro ang nasa harapan mo, try to enjoy life", ang sabi ni Mika Tuazon, ang Campus Princess ng Atlantic Academy, maganda, sikat at halos lahat ng lalaki ay pinapangarap ang isang Mika Tuazon. Mabait at mapagbigay ang dalaga, ang sabi nga ng iba'y "Anghel siya na nahulog sa lupa" , hindi lang sa maganda, mabait pa

"Enjoy? Kailangan kong mag-aral para ako parin ang pinaka-matalino sa buong campus, wala akong oras sa mga iyan", sabi ni Angelie. Kinuha niya ang mga librong nasa tabihan niya at nagsimulan magbasa. Tiningnan ni MIka ang kaibigan, sinuri niya ang mukha nito. Nakita niyang sabog-sabog ang buhok nito, nakasalamin ito, at kung hindi mo kilala si Angelie, parang kabilang siya sa mga informal settlers na nakikta mo sa paligid

"Halika nga dito Angelie", pinatabi ni Mika ang kanyang kaibigan sa isang kama na malapit sa pader. Sinuklay niya ang buhok nito, tinanggal niya ang salamin ni Angelie.Ngumiti ng napakatamis ang kaibigan. Bahagyang lalagyan niya ng make-up si Angelie pero pinigilan niya ang kamay nito

"Huwag! A-Ayoko" nauutal na sabi ni Angelie. Ayaw niya sa lahat ang naglalagay ng mga bagay sa kanyang mukha. Para sa kanya'y mas maganda na ang natural na itsura. Ayaw niyang naglalagay ng 'pintura' sa kanyang mukha. Ayon sa kaniya, hindi naman ito painting, para lagyan-lagyan lang ng mga ganoong bagay

"Bakit?", nagtatakang tanong ni Mika

"B-Basta ayoko" sa isip ng dalaga kaya ayaw niyang magpalagay ng make-up sa mukha dahil sa isip nito 'Ayaw niyang maging 'it' girl'' "Actually, wala naman din akong pakialam sa pag-iitsura ko"

"Bakit naman?", nagtatakang tanong ni Mika, lahat ng babae ay gustong gumanda para mapansin ng kinagugutuhan nila, kaya nagtataka ang dalaga kung bakit ayaw niyang mag-ayos. Para rin naman sa kapakanan niya iyon

"Because I'm smart, okay na sakin yun. Matalino ako, kaya kong umasenso kahit hindi ako maganda", sagot ni Angelie. Mas maganda ang pagiging matalino, kesa sa maging maganda. Yun ang tingin ni Angelie, na mas madaling yumaman ang isang matalino kesa sa maganda. Pero hindi naman lahat ng matatalino ay sumasaya ng ganun-ganun lang, kailangan pa nilang mag-aaral ng katagal-tagal para doon nila makuha ang sinasabi nilang, kaginhawaan

"Darating at darating din ang araw na magkakagusto ka sa isang lalaki at gagawin at gagawin mo ang lahat para mapansin ka niya", sumeryoso si Mika sa sinabi niyang iyo. Alam ni Angelie na tama ang kanyang kaibigan. Pero alam naman niyang magiging imposible ang mga ito. Kaya pilit niyang itinatanggi sa kanyang sarili na gusto niyang maging maganda. Gusto niyang sumikat, gusto niyang hinahangaan ng lahat. Gusto niyang maging Mika Tuazon

Famous (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon