II Famous: Transformation (1.3)

138 6 0
                                    

Natapos na ang alitan sa pagitan ng dalawa. Nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang gawain. Mabilis at maayos natapos ang pagpipintura at paggawa ng mga estudyante ng iba't-ibang disenyo, nakikita sa mga labi ng mga estudyanteng ito ang ngiting tagumpay dahil natapos nila ito ng maaga. Isinakay na sa pick-up truck ang mga iyon at dinala sa hotel kung saan gaganapin ang prom kinabukasan

.Nakikitang tumatakbo si Angelie patungo sa direksyon ni Mika, nakatingin sa kalangitan ang dalaga, at halatang napakalalim ng iniisip nito.

"B-Bagay ba sakin?", tanong ni Angelie. Tumingin si Mika sa kanyang kaibigan, tila nalaglag ang panga nito sa nakita. 

Ang isang nerd na kanyang nakilala, ay naging isang magandang prinsesa. Maayos na nakasuklay ang buhok nito. Naglagay na rin  siya ng make-up para matakpana ang pimples niya sa mukha.

Unti-unting nagkakaroon ng tubig ang mga mata ni Mika. Niyakap niya si Angelie. Hindi siya makapaniwala na mag-aayos ang kaiibigan, dati-rati ay naghahabulan pa sila para lagyan ng make-up si Angelie. Ngayo'y siya na mismo ang naglagay nito. Mababaw man ang dahilan ni Mika kaya siya naluha, masaya siya kasi alam niyang may kasiguraduhan na ang dalaga ay magiging masaya at alam niyang hindi na rin ito bibiktimahin ng mga bully sa campus

"B-Bakit ka naman umiiyak? Panget ba?", sabi ni Angelie habang tinatapik-tapik ang likod ng kaibigan

"Hindi. Ang s-saya ko lang kas-si natuto ka ng mag-ayos",humihikbi pa ang dalaga.    "Mababaw man ang dahilan ko, masaya lang ako kasi nakita na kitang ganyan", dagdag  pa niya. Umalis sa pagkakayakap si Mika at pinunasan ang mga luha niya

"OH MY GOD!! Angelie ikaw ba yan! OMG you're so pretty na", biglang sumulpot si Rica sa harapn ng dalawa, tumatalon-talon pa ito dahil sa pagkamangha "OMG we can be bestfriends, we can go shopping together. Bibilhan kita ng damit na babagay sayo!", dagdag ni Rica

Si Rica Dizon ang isa sa pinakamayamang estudyante sa buong Atlantic Academy, maarte, conyo at ang pamila niya ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamalking kompanya sa bansa.

Yumuko si Angelie. Tila, nahihiya pa ito dahil ito ang unang pagkakataon na may pumuri sa kanya. 

"Sige na! Sumama ka na", sabi ni Mika

Tumango naman si Angelie bilang sagot. Habang nakaupo ang dalaga sa bench ay nakita niya si Jake na papunta sa direksyon niya, tila slow-motion pa itong naglalakad sa paningin ni Angeie. Nakasando lang si Jake, kaya kitang-kita ang malaki nitong katawan. Natulala si Angellie ng lumapit sa kanya ang binata

"Angelie is that you? Ang ganda mo na!", hindi makapaniwalang tanong ni Jake. Tiningan niya si Angelie, at makikita talaga ang pagbabago na ginawa niya sa kanyang sarili

"Oo naman Jake siya yan!", bigla namang sulpot ni Violet sa harapan ng magkakaibigan

Masayang nagkwewentuhan at nagtatawanan silang lahat. Habang si Mika ay nakatingin lang kay Angelie. Nakikita niya ang matamis na mga ngiti nito.Ang ngiting unang beses pa lamang niya nakikita

Tila, biglang nanghina si Mika, nagsisimulang lumabo ang mga paningin nito. Hanggang sa unti-unting dumidilim ang paningin ni MIka

Nawalan na ng malay si Mika Tuazon


Famous (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon