Isang gabing hindi malilimutan ng lahat
Isang gabing tatak sa isip ng bawat isa
Isang gabing hinding-hindi nila makakalimutan
Isang gabing magbabago sa kanilang buhay
Isang gabing papatay sa kanila
3 minutes after the incident
"Walang hiya ka!!", sinugod ni Violet ang tumatawang si Alexia, akmang pinagsasampal niya ito. Walang awang ginagawa ni Violet ito sa kaniya. Lahat ng tao sa loob ng hotel ay sa kanila nakatingin. Hinila niya ang buhok ng dalaga at walang awa itong pinag-hihila. Hindi makapaniwala ang mga estudyanteng nasa loob ng hotel. Wala silang magawa. Napuno si Violet kaya niya ginagawa ang pagsabunot sa dalaga. Dati pa niya pinagtitiisan ito. Lahat ng galit at lakas niya ay kay Alexi niya binigay "Ano na namang kamalditahan ang ginawa mo,Alexia!!? Wala kang puso!! Tao ka pa ba!!??", marahas na pinagsasampal parin ni Violet ang dalaga habang sinasabi ang mga iyon. Umiiyak at parang kawawang bata si Alexia. She's dead scared. Wala na rin siyang magawa at hindi niya kayang lumaban kay Violet, she's strong.
"Tama na!", ang sigaw ni Alexia. Halos mamaga na ang mga mata nito sa kaiiyak. Madaming buhok rin ang nagkalat dahil sa pagsasabunot sa kanya ni Violet. Magulo ang mga buhok nito, gusot-gusot na rin ang damit ni Alexia. Maraming taong kinuha ang kani-kanilang mga cellphone at vinidyuhan ang pangyayari. Kinunan din nila ng litrati si Alexia na ganon ang kanyang itsura. Lahat ng kamalditahan at kasamaan ng dalaga, ay ito ang naging kabayaran.
"Wala namang ginagawang masama si Mika sayo?!", wika ni Violet. Magulo na rin ang itsura ng dalaga. Nag-iiyakan ang dalawa at pagod na pagod na sila.
"Wala nga ba?! Lagi na lang ba ko ang mali?!!", sabi ni Alexia "Wala naman akong ginagawang masama", lagi na lang ay kay Alexia nasisis ang lahat. Lahat ng pagkakamali ay sa kanya sila tumitingin. Hindi pa siya nakakatikim ng puri galing sa ibang mga estudyante. Puro na lang negatibo ang kanyang naririnig. Pagod na pagod na siya
Hindi na lamang sumagot si Violet
"Kayong lahat! Hanapin niyo kung nasaan si Mika!", utos nito
A day before the incident
"Francis. Francis Vergara", sagot niya
"Simula ngayon, Francis, magkaibigan na tayo", nakangiting sabi ni Mika
Masayang nagkwentuhan ang dalawa. Ito ang unang kaibigan ni Francis ng malapit siya sa Akademyang ito. Puro kasi pananakit, o pambubully ang ginagawa sa binata
Sa isip ni Mika'y parang ito ang 'boy version' ni Angelie
"M-Mika", wika ni Francis
"Bakit? Ayaw mo ba kong kausap", nagtataka nitong tanong
"Baka kase gamitin mo lang din ako"
Natahimik ang dalawa sa sinabing iyon ni Francis. Alam ni Mika kung ano ang nararamdaman ng binata. Ang gamitin na walang kaawang-awa mga nilalang. Ginagamit lamang sila dahil sa mga talino at kakayahan ng mga taong walang lakas lumaban. Mga taong walang awa
"Katulad ng ginawa sakin ni Alexia", binasag ni Francis ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa
"Wag kang mag-alala, hindi ako katulad niya", nakangiting sabi ni Mika. Ngumiti rin naman si Francis.
"Kung ganon?", wika ng binata "Pwede ba kitang maging date sa prom?"
BINABASA MO ANG
Famous (On Hold)
HorrorSikat na estudyante si Mika Tuazon, hindi lang sa paaralan kundi na rin sa mga social networking sites. Maraming humahanga sa kanyang ugali, pati na rin sa kaniyang kagandahan. Pero hindi mawawala ang inggit ng mga tao sa kanya. Isang gabing hindi n...