I Famous: Plan (2.3)

161 8 0
                                    

Tinititigan niya lang ang litrato ni Mika sa kanyang computer screen. Halos patulo na ang laway niya, kakatitig sa mga litrato nito. Hinding-hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Lahat ng mga litrato ay tinitingan niya. Takam na takam siyang makuha si Mika.

"Makukuha ko rin yun Mika, maghintay ka", at tumawa siya ng maalademonyo, kasabay ng alulong ng mga aso sa kabilugan ng buwan

-----------------------

"Waaaaaa! Ang daming tao", ang sabi ni Angelie. Nasa harapan sila ng entrance ng Atlantic Academy, kasama niya ang kanyang besfriend na si Mika. Marming tao ang nagkakagulo at pabalik-balik ng lakad. Maraming nag-aayos at nagpipintura ng iba't-ibang bagay sa loob ng naturang paaralan.

"San ba kayo galing? Kanina ko pa kayo hinihintay", sumulpot si Violet sa harapan ng dalawang dalaga. Naka-pamewang pa ito sa harapan ng dalawa. Sinamaan niya ng tinigin ang dalawa at hinihintay nila ang kanilang sagot

Si Violet ang school president  ng paaralan nila. Palaban at walang kinakatautan si Violet, maganda siya at, isa rin siya sa mga kaibigan ni Mika

"Nag sleep-over kasi ako sa bahay ni Angelie kaya sorry kung medyo na-late kami", wika ni Mika. Pilit na ngiti ang ipinakita niya kay Violet. Mabait naman si Mika kaya pinag-bigyan na lamang niya ito

"O siya sige, ikaw Mika doon ka sa may kabilang side, at pinturahan mo yung styrofoame kasama ng ibang mga estudyante. Ikaw naman Angelie-", natigilan sa pagsasalita si Violet at tiningnan niya si Angelie mula ulo hanggang paa, at kitang-kita sa mukha ni Violet ang pandidiri nito. Ganito abg ugali ni Violet tuwing siya'y stressed, o kaya bad mood. May mga tao siyang nagpag-iinitan ng ulo, pero hindi naman ito nagtatagal "Doon ka sa may cr at dun ka mag-decorate",  inirapan ni Violet si Angelie at umalis na sa harapan ng dalawang magkaibigan.

Bahid sa mukha ni Angelie ang kahihiyan, nahihiya siya sa sarili niya, at niyakap niya ang mga librong hawak niya. Nakayuko siyang naglalakad patungo sa cr. Sensitibo ang dalaga pag dating sa kanyang itsura. Kaya na ri'y lagi siyang binibiktima ng mga bullies, dahil gustong-gusto nilang makitang nagdudusa ang kanilanh binubully "Panget ba talaga ko?", bulong niya. Binilisan niya ang kanyang paglalakad, sa paglalakd niya ang nabunggo niya ang isang lalaki, dahilan kaya nalaglag ang mga librong hawak niya

"

"Sorry, Ms. O-Okay ka lang?", tinulungan ng lalaki sa si Angelie sa pagpupulot ng libro galing sa sahig.

"O-Okay lang ako", nauutal na sabi ng dalaga. Kinuha na niya ang mga libro nito, at tumayo. Pagkaangat na pagka-angat niya ay nakita niya agad ang lalaki, si Jake Santos, one of the campus hearthrob. Gwapo, matangkad, bilugin ang mukha at maputi

Namula ang babae, kinuha na niya ang kanyang mga libro at agad na pumunta sa c.r. Humarap siya sa sarili, at mariin na tiningnan ang sarili. Pumasok siya sa loob ng isang cubicle, at umupo sa toilet seat roon

"P-Panget ba talaga ko?", naiiyak na sabi ni Angelie, patuloy na dumadaloy ang mga luha na galing sa mga mata niya, sawang-sawa na si Angelie sa pag-aasta ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Nakikita niya sa mata nito, ang pandidiri. Inggit na inggit si Angelie sa mga babaeng maganda at habulin ng mga lalaki. Gusto niyang maransan ang ganoong pakiramdam. Pero sa isip na dalaga'y, baka hindi naman ito mangyayari "Bakit sila magaganda? Ako hindi", tuloy paring bumubuhos ang kanyang mga luha. Pero may naisip bigla ang dalaga. Napagtanto niyang hindi naman niya kailangang magdusa ng ganito. Lahat ng bagay ay may paraan, kahit na sa maling paraan ito gagawin. Tinigil na niya ang kanyang kaiiyak at tumayo na. Lumabas na siya ng toilet seat at humarap sa salamin

Inayos niya ang kanyang sarili at pinunasan ang kanyang luha, bahagyang ngumiti si Angelie. May nabuong plano ang dalaga, na hinding-hindi makakalimutan ng lahat

Famous (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon