II Famous: Transformation (3.3)

107 2 0
                                    

Maraming taong nakapaligid kay Mika. Nakikita niya kung sino ang mga ito. Ang kanyang mga kaibigan na pinagkatiwalaan niya. Ang iba nama'y ang mga taong kinamumuhian siya. Tila ang iba sa kanila'y may mga luha sa kanilang mga mata. Ang iba nama'y may nakakapangilabot na ngisi.

Ang iba sa kanila'y may hawak na malalaking bato

Iba't-iba ang hugis ng mga ito

Nakatali ang paa't kamay ni Mika, nakatakip rin ang bibig niya. Nasa loob siya ng isang abandonadong warehouse, madumi at puro alikabok ang paligid

Unti-unting tinataas ng mga taong iyon  ang kanilang kamay na may hawak na bato. Nakaramdam ng takot si Mika. Takot na hindi niya pa nararanasan sa buong buhay niya. Lumalabas na ang patak ng mga luha sa kaniyang mga mata.

Pilit na inaalis ni Mika ang pagkakatali ng kanyang mga kamay't paa, pero hindi niya ito magawa dahil na rin sa mahigpit na pagkakatali nito.

Hanggang sa sinimulan na ng mga taong iyon ang pagbabato sa kawawang babae, karamihan sa kanila ay tumatawa at masayang-masaya sa pagbabato kay Mika.

Walang magawa ang dalaga sa kanila. She wants to scream, but she can't. Iyak lamang ang kaya niyang ilabas

Pero ang iba'y umiiyak at natatakot, naaawa sila sa dalaga sa mga pinaggagawa ng mga taong iyon sa kanya. Pero wala silang magawa, dahil nari'y takot silang madamay sa pinaggagawa ng mga taong iyo. Mga taong walang awa

Unti-unti ng nauubusan ng dugo si Mika, bali-bali na rin ang mga buto nito. Dumidilim na ang paningin niya

---------------

Sa madilim na pagkakapakit ni Mika ay unti-unting dumidilat ang mga ito. Maliwanag ang ilaw ng kwartong iyon kaya na ri'y hindi siya makadilat ng maayos. Umupo siya sa kamang hinihigaan niya at inayos ang kanyang sarili. Nakaramdam siya ng kaginhawan dahil buti na lang ay panaginip lang ang lahat.

"Okay ka lang ba higa? May masakit ba sayo?", ang sabi ng school nurse sa kanya, si Jane Francia

"Okay lang po, wala naman pong masakit sakin", ani Mika

"Baka napagod ka lang, o siya sige, pahinga ka muna diyan", umalis si Jane sa harapan ni Mika, bago ito umalis ay may sinabi pa ito "Oo nga pala, sabi rin ng mga kaibigan mo na huwag ka daw uuwi mag-isa, hintayin mo na lang daw sila"

Tumango ang dalaga bilang pagsagot

Tiningnan ni Mika ang katabing kama ng clinic na iyo. Nakita niyang may isang lalaki, puno ng pasa ang katawan nito, at may kaunting dugo pa sa kanyang labi. Dumilat ang binata at tinignan si Mika, tila nagulat pa ito ng makita ang dalaga na nakatingin sa kanya, hindi siya makapaniwala na ang Mika Tuazon ay nasa harapan niya lang

"Anong nangyari sayo?", tanong ni Mika

"Ano kase, y-yung mga bully, pinagsusuntok ako kanina", nauutal at nahihiyang sabi ng binata. Tila hindi makatingin ang binata kay Mika. Nahihiya ito. Walang ni isang tao ang naging mabuti sa kanya. He's handsome but he's weird

"Dapat lumalaban ka", ani Mika. Tiningnan ng dalaga ang mukha ng lalaki. May itsura rin naman ito, kaya hindi niya akalain na sasaktan siya ng mga nasabing bullies.

"N-Natatakot kasi ako", matipid nitong sagot.

"Ano nga palang pangalan mo?", tanong ni Mika

"Francis. Francis Vergara", sagot niya

-----------

Sino nga ba ang bagong kaibigan ni Mika, magiging kaaway ba niya ito, o kanyang mapagkakatiwalaan

Abangan sa mga susunod na kabanata

Read, Vote and Comment :)

Famous (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon