Pasulyap sulyap si Thea sa kanyang relo habang nakatayo sa bus na kanyang sinasakyan papuntang eskwelahan. Nagtransfer siya ng school dahil lumipat sila ng bahay dito sa Iloilo. Nagmula siya sa Guimaras kaya hindi niya talaga gamay ang nandito sa city.Pagkatigil ng bus ay agad siyang nakipagsiksikan para makababa dahil marami ang tao sa loob ng bus.
Palihim siyang nagpasalamat dahil hindi pa siya nasarhan ng gate. Agad siyang tumakbo sa maliit na gate sa gilid na dinadaanan ng mga estudyante.
"Magandang umaga po..." hinihingal niyang bati sa guard. Kunot noo siyang tinignan nito mula ulo hanggang paa saka tumango bilang senyales na pumasok na siya.
Lakad takbo ang ginawa niya habang nagtetext sa mga kaibigan niya.
Thea Phoebe:
Asan kayoo?Thea Phoebe:
Pansinin niyoko!!!!Mga message niya sa kanyang mga kaibigan. Sabay sabay silang lumipat dito dahil magkasama ang kanilang pamilya na kumuha ng bahay sa isang subdivision sa city. Nauna ang mga ito sa kanya dahil may mga sasakyan ang mga ito. Nalate siya dahil nasiraan siya ng sasakyan sa daan.
Pasulyap sulyap si Andri sa kanyang relong pambisig habang minomonitor ang bawat estudyante sa kanilang classroom ng may nabunggo siya.
Nalaglag ang cellphone ng kanyang nakabunggo kaya yumuko siya para pulutin iyon pero naipatong din ng dalaga ang kanyang kamay sa kamay ng binata. Agad na kinuha ni Andri ang kanyang kamay, tila napapaso ng maramdaman ang malambot na palad ng dalaga sa kanyang kamay.
Nakatingin lang siya sa dalaga na tumayo mula sa kanyang pagkakayuko habang hawak na ang cellphone.
"S-Sorry..." mahinang usal ng dalaga habang inaayos ang buhok nito na tumatabon sa kanyang mukha. Nang nag angat ng tingin ang dalaga ay para siyang natulala sa ganda ng mga mata nito. Para siya nalulunod sa isang karagatang napakaganda at gusto niyang makulong doon. Simple lang manamit ang dalaga. Naka t-shirt ito na yellow at nakaskinny jeans gaya ng lagi niyang suot at naka adidas na sneakers. Halatang mayaman ang dalaga pero hindi siya kagaya ng ibang babae dito sa campus na makapal pa ang makeup sa semento. May naramdaman siyang kakaiba sa sistema niya sa hindi malamang dahilan habang nakatitig sa dalaga.
Napabalik lang siya sa kanyang sarili ng kumurap ito ng isang beses at binalik sa poker face ang hitsura. "Anong oras na ah? Ba't kapa nandito?" malamig niyang tanong sa dalaga na nagtetext sa kanyang cellphone.
Diane Therese:
Room 108. Section Narra. Magkaklase tayong lahat Bwi.Thea Phoebe:
Oki doki.:)Pagkatapos masend ni Thea ang mensaheng iyon ay nag angat siya ng tingin sa binata upang sagutin ang tanong nito.
"Uh, traffic kase. Nasiraan ako ng kotse sa daan kaya natagalan ako. Una nako ah?" pagpaalam niya sa binata at tumakbo papunta sa nasabing silid.
Nang marating iyon ay agad niyang binuksan ang pinto kaya napatingin ang lahat sa kanya. Para siyang binuhusan ng isang drum ng kahihiyan dahil sa eksena pero agad ding nawala na parang bula ng mahagip ng kanyang mga mata ang mga kaibigan na nakaupo na.
"Goodmorning, Ma'am..." bati niya sa teacher na nasa harap.
Tumango muna si Miss Feliza na adviser nila at teacher sa history. "You must be Miss Thea Vista?" mahihimigan mo ang pagiging strikta niya sa kanyang tinig. Naiilang siyang tumango at ngumiti ng bahagya. "Yes Ma'am."
Tumango si Miss Feliza sa kanya, "Umupo ka na." malamig na sabi nito sa kanya at humarap sa whiteboard.
"Ba't ka natagalan?" pambungad ni Diane ng makaupo siya sa tabi nito. Inayos muna ni Thea ang kanyang bag bago sinagot ang kaibigan. Nakaharap na sa kanya ang dalawang nasa harapan na sina Dan na kapatid ni Diane at si Nica na kaibigan din nila. Nakatingin sa kanya si Diane at si Shan na nasa magkabilang gilid niya.
YOU ARE READING
When Light Meets Dark
Teen FictionLife has its own game. We sometime go up, we sometimes go down, but most of the time we are in between. Life sometimes gives us light, sometimes it hides us in the dark. Adaj Santiago was hidden in the dark for years after his girlfriend and his bes...