"Salamat dito..." pagpapasalamat ni Thea kay Adaj ng bilhan siya nito ng ice cream. Natuloy ang pagbawi ng binata sa dalaga. At ang bawi naman ng dalaga ay ang pagsama niya kay Adaj na maglunch. Ayaw niya sana kaso todo push ang kanyang mga kaibigan kaya no choice siya kundi sumama."Pinapamigay niyo ako e!" inis niyang sabi sa mga ito ng pauwi na sila.
"Ano ka ba? Chance mo na to na magkalovelife no!" saad ni Diane kaya tinignan niya ito ng masama.
"May lovelife ka? May lovelife!?" inis niyang sabi kaya napangisi naman si Diane at tinignan ni Shan na ngumingiti.
"Nanliligaw ako sa kanya..." diretsong sabi ni Shan dahilan upang makaramdam ng panlulumo ang dalaga.
May lihim siyang pagtingin kay Shan pero susupportahan niya parin ang kaibigan kahit masakit iyon sa kanya.
"Wow! Congrats!" ngiti niya sa kanila.
"Ingatan mo yang kapatid ko! Pag yan umiyak, ako talaga makakalaban mo sa sabunutan." mataray na sabi ni Dan.
Natawa naman silang lahat pero hindi niya maiwasang hindi malungkot.
"Oh ba't ganyan hitsura mo?" napatalon siya ng makarinig ng boses sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang nasa pool ng kanilang village, wala siyang kasama dahil iba iba sila ng village ng kaniyang mga kaibigan.
"Pati ba naman dito mambibwisit ka!?" inis niyang tugon sa binata at tumayo para makaalis na pero hinawakan siya nito sa braso dahilan para matigil siya sa pag alis.
"Ano ba!? Bitawan mo nga ako!" pilit niyang kinakalas ang kamay ng binata na nakahawak sa kanyang braso dahil sa estrangherong pakiramdam na kanyang nararamdaman. Napalunok siya ng maramdaman ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
"Adaj, bitawan moko!" tinarayan niya ang binata bago pa siya matulala sa kagwapuhan nito.
"Nah-uh. Not so fast Thea..." nakangising ani ng binata. "Saka tawagin mokong Aji." napalunok siyang muli ng binigyan siya ng binata ng itatawag niya sa kanya.
"W-Wala akong pakealam kung ano man ang gusto mong itawag ko sayo!" pilit niyang tinatatagan ang sarili na hindi bumigay sa napakagwapong Presidenteng ito.
"Sino ba ang may sabing may pakealam ka?" taas kilay na tanong ng binata kaya napalunok siya ng walang maisagot. Naitikom niya ang kanyang bibig ng hnila siya ng binata paupo sa bench kung saan siya nakaupo kanina.
Katahimikan ang bumalot sa kanila pero agad namang binasag ni Adaj iyon. "Bakit ka nga pala andito?"
"Ano bang pake mo?" tinarayan niya ito dahil ayaw niyang isipin ng binata na okay sila.
"Wala nga. Tinatanong ko lang." sagot ng binata at bumaling sa kanya kaya nailang si Thea. Umisog siya ng konti pero nakasunod padin sa kanya ang binata hanggang sa maabot na niya ang dulo at muntikan ng malaglag pero agad siyang nasalo ng binata.
"Wag ka kaseng lumayo para di ka mapahamak..." bulong ng binata pero tila wala siyang narinig at ang tanging nasa isip ni Thea ay ang sobrang lapit na distansya nila ng binata.
"L-Lumayo ka nga!" nauutal niyang sambit dahil sa lakas at bilis ng tibok ng kanyang puso. Itinulak niya ang binata sa dibdib kaya napalayo ito ng konti sa kanya. Wala siyang inaksayang oras, dali dali siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon. Nakatulala at nakangiti, ay naiwan si Adaj na umiiling iling.
PAGPASOK ni Thea sa kanilang classroom ay naabutan niya ang binatang si Adaj na prenteng nakaupo sa upuang nasa tabi niya. Nandoon na rin ang mga kaibigan niya pero hindi niya magawang tignan si Diane at Shan dahil sa kanyang nalaman kahapon. Pero no choice siya kundi tanggapin nalang at maging masaya para sa mga kaibigan.
"Goodmorning, pretty!" bati sa kanya ni Adaj pero hindi niya ito pinansin. "Having a bad day eh?" pangungulit pa nito ng umupo siya.
"Morning Thea!" bati ni Diane.
"Morning Yanie!" masiglang bati niya sa kaibigan. Despite of what she knew about the real score between Diane and Shan, she needs to accept it. At isa pa, crush lang naman niya si Shan kaya walang problema.
"Ba't ang sigla ng bati mo kay Miss Lopez?" napabaling siya sa nakangusong si Adaj.
Umirap siya at ngumiti ng may halong sarkastimo, pero bago pa siya makapagsalita, naunahan siya ng sexy'ng babae na kakapasok lang ng room nila.
"Goodmorning my Adaj!" malanding bati ng babae saka ngumiti. Malagkit ang tingin niya kay Adaj. Napaiwas ng tingin ang dalaga.
Kunot noo namang bumaling sa babae si Adaj. "What the hell are you doing here?" iritang tanong niya. Napatingin lahat ng kaklase niya sa direksyon nila. Nilibot niya ang kanyang paningin bago tumayo at hinawakan ng mahigpit sa braso ang dalaga at kinaladkad ito palabas ng kanilang classroom. Napa ouch naman ang babae.
"Ano kayang gagawin nila?" takang tanong ni Dan.
"Kung ano man iyon wala na tayong pakealam!" sinubukang itago ni Thea ang pagiging bitter sa kanyang boses pero tila nahimigan iyon ni Dan at lumapit ito sa kanya.
"Ay? Meganong reaksiyon teh? Lah jusko never knew na youre jelly ace ah?" panunukso ni Dan kaya napairap siya at hinarap si Diane na nakangisi din. "Sundan mo kaya?" bumaling siya sa dalawang kaibigan na nakangisi din sa likod. "Nagseselos..." bulong ng dalawa kaya tumayo siya at naglakad palabas. Pero humirit pa si Dan bago siya makalabas, "sige teh! ilaban mo ang puso mo!"
Napailing nalang ang dalaga at tuluyang lumabas ng silid aralan. Naglakad lakad siya sa hallway at tumigil sa barandilya na walang masyadong estudyante at matatanaw ang kagandahan ng kanilang paaralan. Nilanghap niya ang sariwang hangin at nag isip isip
"What are you doing here?" napalingon siya sa boses na yon at tumama ang kanyang paningin sa pares ng malamig at itim na mata ng kanyang katabi.
"N-Nagpapahangin..." bulong niya pero narinig ata ng presidente.
"Bakit nagpapahangin ka? At dito pa talaga sa malapit pwesto kung saan kami nag uusap?" may diin ang bawat salitang binibitawan ni Adaj.
Tinignan siya ni Thea ng diretso sa mata bago nagsalita, "hindi ko kayo sinusundan kung yan ang pinapahiwatig mo. Isaksak mopa sa baga mo yung babaeng yon!" inis na sabi niya at agad niyang naramdaman ang pamumuo ng pawis sa tungki ng kanyang ilong.
'no! it cant be! hindi ako nagseselos!'
Bulong ng dalaga sa kanyang isipan. Napansin ni Adaj na pinapawisan ang ilong ni Thea kaya napangisi siya."Don't be mad at me." sabi niya gamit ang mapaglarong tinig.
"Wh-What are y-you talking about?" hindi makatingin si Thea ng diretso sa mata ng binata.
Nakangisu lang ang binata habang nakatingin sa kanya kaya naging uncomportable siya sa harap ng binata. "M-May dumi ba ako sa mukha?" hinawakan niya ang kanyang mukha ngunit hinawakan ng binata ang kanyang kamay at binaba iyon. Hinawakan ng binata ang kanyang mukha sa namumungay na mga mata at nakaawang na bibig
"Your face...is the most beautiful.." he said breathily.
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!
YOU ARE READING
When Light Meets Dark
Teen FictionLife has its own game. We sometime go up, we sometimes go down, but most of the time we are in between. Life sometimes gives us light, sometimes it hides us in the dark. Adaj Santiago was hidden in the dark for years after his girlfriend and his bes...