Napalitan ang gulat na mukha ni Adaj ng nakakalokong ngisi. Naitikom ko ang aking bibig at nag iwas ng tingin ng mapagtanto ko ang aking binitawang salita."Really, Thea?" he asked me with a playful smirk plastered on his face.
Hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili akong tahimik at paulit ulit na inuulit ang mga salitang aking binitawan.
Mygosh! Ano ba klaseng bibig ang meron ako!? Ayan tuloy! hays!"Sige na Thea...start na tayo." nakangising sabi ni Adaj. Tuwang tuwa ang adik e. "Gusto mo ivideo pa natin na parang vlog..." nahampas ko siya sa braso dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Ikaw ang dami mong kalokohan! Bahala ka jan kung ayaw mo!" nagpatuloy ako sa pagkain. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagnguso niya.
HILAHIN KO YANG BIBIG MO E!
"Ano? Hihilain mo bibig ko?" ay shete! nasabi ko tuloy yung nasa isip ko!
"Tse!" inirapan ko pa siya. Wahahaha attitude ka ghorl?
Tahimik kaming dalawa habang kumakain. Ramdam ko ang pagsulyao sulyap niya sa akin paminsan minsan pero hindi ko siya tinapunan ng tingin hanggang sa matapos kaming kumain. Niligpit ko ang pinagkainan namin habang pinupunasan niya ang mesa niya.
"Magplano tayo para sa acquaintance party...matagal pa naman ang time e."
"Ha? Eh July pa yon diba?"
"Sa July, University day natin yon. Kaya hindi pwede." napatango tango nalang ako.
"Oh sige. Mga last week ng June nalang natin iheheld. Okay ba?"
Napangiti naman siya. "Ayos yon."
Inubos namin ang natitirang oras sa pagpaplano ng Acquaintance party at sa mga pakulo na gagawin namin. Magme-meeting daw kami mamaya ng buong officers.
Pinagtitinginan kami ng estudyanteng nadadaanan namin. Anong meron?
"Diba siya yon?"
"Oo nga siya talaga!"
"Ohmy! SSG officer pala?"
"Nakakahiya ew!"Hindi lang ata ako ang nakarinig non dahil nilapitan ni Adaj ang mga babaeng nag uusap. "Ano yung pinag uusapan niyo?"
"A-Ah w-wala."
"ANO!?" sigaw niya na nagpatahimik sa hallway.
Nanginginig ang kamay ng babae habang may binubunot na kung ano mula sa kanyang bulsa at inabot iyon kay Adaj. Binuklat niya ang nakatuping papel na ibinigay sa kanya kaya lumapit ako at halos lumuwa ang mga mata ko ng mabasa iyon.
"THE NEW SSG VICE PRESIDENT WANNABE IS A SLUT!"
Napatakio ako sa aking bibig ng mabasa iyon at nakita ko ang aking mukha sa ilalim ng lintanyang iyon. Agad na nilukot ni Adaj ang papel at mabilis na naglakad. Hindi na ako nakasunod sa kanya dahil sa pag iyak ko.
"Thea!" napalingon ako sa mga kaibigan ko at agad nila akong niyakap.
Hinaplos ni Shan ang aking likod habang si Diane hinahaplos ang buhok ko.
"Shh. Tahan na babygirl..." pagpapatahan ni Nica.
"Humanda talaga sa akin ang nagpakalat non! Sasabunutan ko siya ng sorang hard!" inis na sabi ni Dan habang tina-tap ang balikat ko.
Dinala nila ako sa canteen at binilhan ng mga pagkain na alam nilang nagpapagaan ng loob ko. Napangiti naman ako. Aww! Ang sweet talaga ng mga kaibigan ko!
"Magmula nung sumama ka sa Adaj na yon naggulo ang buhay mo..." Malungkot na saad ni Nica.
"Oo nga. Pansin ko yon." si Diane naman ngayon.
"Ako nalang sasama kay Adaj lagi!" binatukan naman ni Diane ang kapatid at agad namang sumama ang tingin ni Nica kay Dan.
"Yah! Magulo pa buhay mo darling e!" natawa naman kaming lahat dahil sa 'darling' na tinawag ni Nica kay Dan.
"Tse! Wag mo nga akong tawaging darling! Nandidiri ako e!"
This is my life. Tamang chill lang kasama ang barkada ko. Tawanan at kulitan. I somehow miss our life in Guimaras. Gusto kong bumalik don.
"Ate The-Miss Vice President!" napalingon ako sa pinto ng may tumawag sa akin. Nakita ko si Althea na kumakaway at tumatalong pa. Natawa naman ako sa kanya. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilingon ang mga kaibigan ko na nakatingin sa akin. Malungkot akong ngumiti. "Sorry guys ah?"
Napabuntong hininga si Diane, "Okay lang. We understand."
"At least di mo kami kinakalimutan.." napangiti naman ako sa sinabi ni Shan.
"Humanda talaga tong inggratang to pag kinalimutan niya tayo! Basag talaga yang kinabukasan mo!" sabi naman ni Dan na ikinatawa namin.
"Ikaw talaga darling! Mag ingat ka babygirl ah?" paalala ni Nica na ikinatango ko.
"Ahm...mauna na ako ah? May meeting kami ngayon e." kumaway sila. Kinawayan ko din sila at nilapitan si Althea.
"Pinasundo ka talaga ni Mr. President Miss." nakangising ani Althea. "Naaapakan ko na buhok mo oh! Ang haba haba eh!"
"Loko ka talaga!" natawa ako sa kanya.
Pagdating namin don nandoon na silang lahat. Kami nalang ata yung hinihintay.
Nagdiscuss na si Adaj ng kanyang suggestion. Gusto niya halloween na theme. Agad kaming tumutol ni Althea.
"Kpop theme kaya? Tapos every council, kanya kanyang kpop group. Dalawang kpop group sa isang council." suggest ko.
"Tapos tayo naman?" taas kilay na tanong ni Rianne.
"Anime?" excited na suggest ni Althea.
"No. Unfair sa councils yon." tutol ni Adaj. May point naman siya. "Yung mga iniidolo natin ang gayahin natin sa suot."
"Tapos sasayaw tayo!" excited na sabi ni Jax ang peacemaker namin.
"All set!" pumalakpak si Adaj. "Dismissed." saka kami naglabasan. Ako ang huling lumabas pero tinawag niya ako.
"Sabay na tayo." saad niya ng hindi nakatingin sa akin.
"Uh..oh sige..." sabi ko saka hinintay siyang ayusin ang kalat sa loob ng office at iligpit ang kanyang bag..
"Tara?"
Tahimik lang kaming dalawa buong byahe buti nalang may music kaya hindi nakakailang.
Yung 10 minutes na byahe papuntang bahay feeling ko isang oras na. Ganyan nagagawa ng katahimikan.
"Uhm, Adaj, thank you..." sabi ko bago bumaba sa kanyang kotse.
"Basta ikaw.." ngumiti siya. "And by the way, bukas itutuloy natin yung one gulay, one kiss." saad niya habang nakataas ang hintuturo.
"Ayoko nga!" pagtututol ko.
"Sorry Thea. Binigyan mo kase ako ng ideya e. Wahahahaha!"
"Nagbibiro lang ako nun Adaj e!"
"Sabing Aji itawag mo e!"
"Eh totoo naman Ada-"
"Aji nga!"
"O-Oo na! Aji! Ano yan Ajinomoto? Wahahahahaa! Lul adik!" nalukot naman ang mukha niya sa sinabi ko. Haha! Nakatikim ka din ng pang aasar.
A/N
Abangan niyo ang 'one gulay, one kiss' show ni Adaj at Thea bukas! hihi!
YOU ARE READING
When Light Meets Dark
Teen FictionLife has its own game. We sometime go up, we sometimes go down, but most of the time we are in between. Life sometimes gives us light, sometimes it hides us in the dark. Adaj Santiago was hidden in the dark for years after his girlfriend and his bes...