Chapter 4- Gulay vs President

1 0 0
                                    


Isang linggo na rin matapos mangyari ang drama'ng iyon. Napili ako bilang Vice President ng SSG Council kaya palagi kaming magkasama ni Adaj. Ngunit ngayong umaga ay mag isa lamang akong kumakain sa canteen. Enjoying a bite of my lasagna and a sip of my coke when someone shouted from the entrance.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO!" agad tumahimik ang canteen at tanging tunog lang ng heels ng pamilyar na babae.

Nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata at namumula ang mga ito. She looks wasted. It's like she's been crying for a month–straight!

"Ang kapal naman ng mukha mo na magpachill-chill dito? Habang ako umiiyak at mukhang ewan!?" nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. Anong kinalaman ko dito?

"What are you saying?" I asked her with curious eyes.

Her eyebrows arched and sniffed, "A-Andri broke up with me because of you!"

This time, its my eyebrows turn to arch, "And why is that?" I asked her teasingly.

"I told you to stop calling me by my second name." A cold voice thundered inside the room that made everyone gasp including me.

"A-Andri..." Dexie girl softly called her ex-boyfriend.

Is this another drama? New episode? Oh! Come on!

"Were over. Stay. Away. From. Me." Adaj said those words with anger dripping in his voice. Bumaling siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang aking katawan tagos sa aking kaluluwa. Iniwas ko ang aking mukha dahil sa kahihiyan habang nakatitig ang Presidente sa akin.

"Thea let's go." he said and walked away kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Iniwan namin si Dexie na namumugto ang mga mata habang pinupunasan ang luha'ng lumalandas mula sa kanyang mga mata.

"Wait!" agaw pansin ko kay Adaj na diretso lang ang lakad papasok sa classroom. Kunot noo niya akong nilingon. "Y-Yung lasagna ko kase at coke...sayang."

"What the–" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng malakas siyang tumawa. May pa hawak-hawak pa siya sa tiyan habang namumula ang tenga sa sobrang tawa.

Ngumuso ako habang tinitignan siyang naluluha sa kakatawa.

"Kakain tayo mamaya. Papasok muna tayo." sabi niya pagkatapos tumawa at hinila ang kamay ko at mabilis na tumakbo.

Buong araw kaming magkasama ni Adaj pati na ang mga kaibigan ko na todo tulak sa akin sa kanya. Nung magTLE lang kami naghiwahiwalay dahil iba-iba kami ng specialization.

"Ate Thea! Ate Thea!" sigaw ni Althea mula sa malayo at nakangiting tumakbo sa akin. Tinatawag niya akong Ate dahil isa siyang Grade 9 student.

"What is it Althea?"

"Pinapatawag ka po ni Mr. President. Don na daw po kayo maglunch sa office.." sabi niya na hinihingal pa.

"Eh paano kayo?"

Nakangisi siya habang umiiling, "Sa labas po ako kumakain. Yung iba kasama ang mga kaibigan nila. Si Mr. President lang ang natitira jan minsan."

Kumunot ang noo ko sa kanya, "Wala ba siyang kaibigan?"

Biglang nalungkot ang hitsura ni Althea, "Magmula po nong iniwan siya ni Dexie Pangilinan at sumama sa bestfriend ni Mr. President na si Swyatt Montereal ay naging tahimik at sobrang anti-social na niya." biglang siyang ngumiti na parang may naalalang napakagandang pangyayari sa buhay niya, "Pero alam mo po, nung dumating kayo, biglang nagbago ang Presidente. Nakangiti at nakakatawa na siya gaya ng dati." parang kinikilig niya pang saad. "Sige na po Ate! Punta ka na po sa opisina. Naghihintay na si Mr. President doon."

Agad siyang umalis sa harap ko at naiwan naman akong nakatulala habang iniisip ang sinabi ni Althea tungkol sa pagbabago ng Presidente. Pinilig ko na lamang ang aking ulo at pumanhik na sa opisina.

Pagkapasok ko ay agad kong nasinghot ang amoy ng sinigang.

"Hey Miss Vice!" Adaj greeted me but I just rolled my eyes and walked towards my own table beside him and place my bag. "Sungit..." rinig kong bulong niya pero di ko siya pinansin.

"Kain na tayo!" pag aaya niya. Umupo ako sa monobloc chair at kumuha ng paper plate.

"Kunware magsusungit kakain din naman pala..." rinig kong bulong niya ule.

"Narinig ko yon." sabi ko habang nilalagyan ng kanin ang aking pinggan.

"Share mo lang?" agad niyang hirit kaya hinampas ko siya sa braso. "Aray naman master!" daing niya habang hinihimas himas ang braso niyang hinampas ko.

"Leche ka kase!" inis kong sabi habang nilalagyan ng sabaw ang aking kanin.

"Eh mapanakit ka kase master e!" saad niya habang naglalagay din ng sabaw sa kanyang pinggan.

Hindi ko naman siya pinansin at binuksan ang isang styro.

"Sht. Nakita niya..." bulong niya kaya napangisi ako ng makita ang gulay.

"Kumain ka nito." saad ko.

"No!" agad niyang protesta.

"Ah no?" sumandok ako ng isang kutsarang gulay at nilagay sa pinggan niya. Tinignan niya ang mga ito ng may pandidiri sa kanyang mukha. Itinusok niya ang kanyang tinidor sa okra, "What's this?"

"Okra." I answered while eating the foods in my plate.

"Eww gross." rinig kong bulong niya ulit. Tinusok ko ang okra gamit ang tinidor at tinapat sa bibig niya.

"No!" tinakpan niya ang bibig niya gamit ang kanyang mga palad at umiling iling.

"It taste good!" I said.

"No it doesn't!" protesta niya. Napabuntong hininga naman ako at nilapag ang tinidor at tinuloy ang pagkain.

Maya maya lang ay narinig ko siyang naduwal, "What?!" I asked with brow furrowed.

"P-Please take those away..." mahinang sabi niya na may halong pandidiri.

Tinusok ko muli ang okra at agad nakaisip ng pakulo upang mapakain sa aming Presidente ang gulay na kanyang in-order.

"Ba't mo nga pala naisipang mag order ng gulay?" I asked him.

"Eh sabi kasi ni Althea mahilig ka sa gulay kaya yan in-order ko." pagpapaliwanag niya habang may ngiti sa labi.

"Kumain ka rin. Masarap to." pangungumbinsi ko.

"No." He said with finality. Dapat akong matakot sa kanya pero parang gusto ko pang ipursue ang pagpapakain sa kanya ng gulay.

Napangisi ako habang nakatingin sa kanya sa nakatakip sa bibig at tinitignan ang mga gulay na may halong pandidiri.

"One gulay, one kiss Aji..." I said.

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!❣

When Light Meets DarkWhere stories live. Discover now