Chapter 6- One Gulay One Kiss

0 0 0
                                    


Halos hindi ako makapagconcentrate–ay mali! Hindi talaga ako makapagconcentrate sa klase dahil itong adik na si Ada–Aji nga! Aish! Sabi kase nang adik kong katabi na si Aji na sabay kaming maglunch at itutuloy talaga namin ang one gulay one kiss! Omygosh!

Kung noon, nasisiyahan pa ako pag tutunog yung bell ngayon hindi na talaga! Gusto ko pa nga na magtagal ang math namin e! Hays.

"Guys sabay ulit kami ni Aji maglunch.."

"Huh? Aji? Ajinomoto?" saka kami natawa sa sinabi ni Dan.

"Ajinomoto huh?" napalingon siya sa nagsalita sa likod. Uh-oh! Wrong move, Dany! "Hiramin ko muna tong babygirl niyo ah? Sabay kaming maglalunch. May gagawin kami eh." nakangising sabi ni Aji.

"Kung gusto mo, sayo na rin yang babygirl namin hehe!" sinamaan ko ng tingin si Diane pero hindi niya ako napansin. Naku! Tong magkapatid na to ibibraid ko intestines niyo eh! hmp!

"Tsaka anong gagawin niyo?" tanong naman ni Nica.

"Magwa-one gula–"

"MAGMEMEETING KAMI PARA SA ACQUAINTANCE GUYS!" sigaw ko bago pa makumpleto ng adik ang kanyang sasabihin! Naku! Tatadyakan ko talaga yung ANO niya e. Yung ANO niya. Yung paa!

"Ay oo nga pala! Sige na! Chupi chupi!" tinulak pa kami ni Nica at Dan palabas kaya natawa kami ni Ajinomoto–char ni Aji lang pala hehe.

"Hoy!" agaw pansin ko sa kanya. Nilingon niya naman ako ng nakangisi. "Anong ibig sabihin ng ngisi na yan ha?"

"May naisip akong iba..." ah may iba siyang naiisip?

"Edi dun ka sa iniisip mo!" shet Thea! Ba't parang nagseselos ka ha? Huy adik ka rin selp no?

"Oh ba't selos ka?" natatawa niyang sabi.

"Ewan!"

"Hindi naman sino yung iniisip ko e! Kundi ano!" parang nakahinga ako ng maluwah dahil sa sinabi niya.

"Ano yung iniisip mo?" baka kasal namin. wushu! *delegeng pelepene ye!,

"Instead of gulay...one kill one kiss sa ml." yon lang?

"AYOKO NGA! DI AKO MARUNONG!"inirapan ko siya

"Pag umasim yung hitsura kurot sa pisngi. Pag kinain, kiss sa pisngi. Deal?" tumango ako. Bakit parang okay na okay sakin to? Mukhang masaya pa nga intestines ko e! Kinikilig pa bones ko. Usto niyo tignan? Char!

"Sige ba!" sabi ko ng walang pag aalinlangan.

"Game!" pumalakpak pa ang adik. Haha!

Sumubo siya ng isang gulay at okra iyon. Hindi niya nginuya kaya natawa ako. "Hoy nguyain mo!"

Gumalaw ang kanyang panga, ibig sabihin nginuya niya at biglang umasim ang mukha niya kaya kinurot ko siya sa pisngi. "Aray!" daing niya dahil sobrang lakas mg pagpisil ko.
"Tsk! Walang kiss!" ngumuso siya.

Sinubo ko ang kalabasa at agad na nginuya. Napangisi naman siya at tinaas baba ang dalawang kilay. "Gustong gusto yung kiss ko ah?" saka siya lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya yumuko ako. For sure namumula ako ngayon. Tsk!

"Ikaw naman!" sabi ko.

Kinuha niya ang broccoli mula sa beef steak at nginuya. Bigla akong natawa ng bigla niyang dinura yung broccoli sa tissue. Haha!

"Wala kang kiss!" tumawa ako at kinurot siya sa pisngi.

Kinain ko naman ang ampalaya at agad na nginuya. I hate ampalaya kaya umasim ang mukha ko.

"Haha! Kurot sa siopao!" saka niya kinurot ang pisngi ko.

"Hoy hindi ako siopao no!" inirapan ko siya pagtapos kong uminom ng tubig.

Kinuha niya naman ang kalabasa at agad na nginuya. Hindi umasim ang mukha niya. Pagkalunok niya ay agad siyang ngumisi. "Kiss ko?" bumuntong hininga ako at saka lumapit sa kanya. Dadampi na sana ang labi ko sa pisngi niya ng bigla siyang humarap kaya sa labi ko siya nahalikan. Agad ko siyang natulak sa gulat at siya naman ay namulhan ng tenga at napangiti. Agad akong umupo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko na namumula.

"H-Hoy ba't moko hinalikan sa pisngi ha!?" pagtataray ko sa kanya habang nakatakip pa din ang kamay ko sa aking pisngi.

"Wala gusto ko lang..." saka siya tumawa.

Sinampal ko siya ng sobrang lakas na nagpawala ng kanyang ngiti. "First kiss ko yon!" galit na sigaw ko at kinuha ang bag ko saka lumabas ng opisina. Gago pala siya eh! Hahalikan niya ako kase gusto niya lang!?

"Oh anyare bebe?" tanong ni Dan ng naabutan ko sila sa canteen.

"Huy anong nangyare sayo?" tanong ni Nica ng mapansin nila ang nakatulala kong mukha.

"H-Hinalikan ako ni Adaj..."

"WHAAAAT!?" sigaw nila kaya nilagay ko ang hintuturo ko sa aking labi, senyas na wag silang umingay.

Lumapit naman sila sa akin. "Anong nangyari?" tanong ni Diane.

"Ba't ka hinalikan!?" si Dan naman.

"N-Nag laro kami ng one gulay one kiss..." sagot ko.

"Pasensya na ah? Pero dakila kang tanga." sabi ni Shan habang hinahagod ang likod ko. Tinignan siya ng masama ni Diane.

"Eh san ka ba hinalikan?" tanong ni Nica ule.

"Nung una sa pisngi lang. Tapos habang nung last na, ako ang hahalik sa kanya. Sa pisngi lang dapat kaso bigla siyang humarap tapos...tapos ayon!" kwento ko sa kanila ng wala sa sarili.

"Gago pala siya eh!" inis na sabi ni Shan.

"Tinanong mo ba kung bakit ka niya hinalikan?" si Dan naman.

Naha-hot seat ako dito ah? Artista lang? Artista mga beh? Pero yung first kiss ko wala naaa!

"Sabi niya gusto lang daw niya!" saka tumulo ang luha mula sa aking mga mata.

Gago talaga ang presidenteng yon! Hahalikan daw ba ako kase gusto lang niya!? Pwede pa sana kung sinabi niya na ako yung gusto niya eh! Ay joke–ang harot harot mo Thea ha!

"Eh gago pala talaga siya eh!" hinampas ni Diane ang mesa dahilan para mapatingin sa amin ang ibang estudyante.

"Wag ka ngang maingay!" suway ko kaya tinikom niya ang bibig niya.

"Pero eto bebegirl ha, ano ba kayo?" shoot! Ayon nga! Walang kami eh! "Wala namang kayo diba?" dagdag pa ni Dan. Ouch. Huhu! Oo na walang kami! Kelangan ulit ulitin ha!?

"Wala ngang kami..."

"Dapat ka niyang panagutan! Dapat niyang panagutan yang halik na yan!" agad akong hinila ni Diane at Nica. Guys! Hindi ako buntis!

"Kelangan niyong magkaroon ng label bago ka niya halikan! Pero dahil gago siya hinalikan ka niya kahit wala kayong label!" Ouch naman Nica! Mapanakit kang friend ha!

Oo nga. Tama naman sila. Wala kaming label, ano yon? Friends with benefits

A/N

Sorry po kung nalate ang One gulay One kiss show ni Thea at Adaj. Andami po kaseng unexpected events and Im still adjusting lalo na po't exams na namin. But here it is. Hope you'll love it! Enjoy reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Light Meets DarkWhere stories live. Discover now