[ Ang pangyayaring ito ay tatlong taon ng nakalipas sa kasalukuyang panahon. ]
Ngayon na ang araw ng aming kompetisyon, ang "Dance Supremacy" . Ang araw na pinaka hihintay naming lahat. Ang aming mga pagod sa pageensayo ay mapapawi, mga nagastos, mga sakit sa katawan, at mga magagandang alaala ay magtatapos na sa araw na ito. Parte ako ng isang dance group, ang "Hiraya", at ang aming konsepto sa aming sayaw ay ang pagiging makabayan, kami'y sumasayaw ng kontemporaryo na may kasamang katutubong sayaw, ang tinikling.
"Sunod, HIRAYA!" Sigaw ng isang lalaki sa backstage. "Basta tandaan ninyo, ibigay niyo lang lahat ng makakaya niyo, ayos na sa akin yon. Ang pagsayaw ang mahal ninyo, kaya naman ay galingan niyo." wika ng aming Coach, si Hayme.
Kasing edad lang rin namin siya, estudyante rin, at kagrupo rin namin, ngunit sa kanyang kagalingan sa pagsayaw ay ginawa siyang choreographer dito sa aming paaralan.
"At ikaw Nadya, ayusin mo yung part natin mamaya. At sana tayo maaksidente.." wika ni Hayme
"HIRAYA! HIRAYA! HIRAYA!" sigaw ng mga taong nanunuod nung tinawag na ang grupo namin upang magtanghal na sa entablado.
Galing sa backstage ay naglakad na kami papunta sa entablado at ginawa ang una naming puwesto.
Ang unang parte ng aming sayaw ay nagawa namin ng maayos, at mas maganda pa kaysa sa aming inensayo. Ang blockings, transitions, steps, successions, exhibitions, ang parte naman ng tinikling at kung anu-ano pa ay nagawa namin ng maayos.
Sa pangalawang parte na, kaming dalawa nalang ni Hayme ang sumasayaw ng kontemporaryong sayaw.
Napadapa ako sa entablado, sa harap ng maraming tao. Ang paa ko ay parang namanhid ngunit kasabay non ay ang sakit sa aking kanang paa, narinig ko ang sigaw ng mga nanunuod at nakita ko ang paglapit sakin ng mga kagrupo ko at sila'y nag-aalala. Agad akong binuhat ni Hayme at dinala sa ospital.
BINABASA MO ANG
Hiraya
Short StorySi Nadya, isang mananayaw, ang naaksidente sa kanilang pagsasayaw sa isang kompetisyon. Ang aksidenteng ito ay nakapagpabago sa kaniyang buhay at ang rason din kung bakit siya hindi nakasayaw ng ilang taon. Ito rin ang rason kung bakit nawala ang ka...