Naglalakad nako sa koridor ng aming campus papunta sa aming classroom.
Malapit na ako sa aming silid nang may humila sa aking braso.
"Nadya." bulong ng isang pamilyar boses sa aking kaliwang tenga, pagka-lingon ko ay nakakita ako ng isang lalaking matagal konang hindi nakakausap. Si Hayme.
"Hayme?" wika ko, hinila niya ako papunta sa gilid ng hallway "Bakit? Pwede bang mamaya nalang? Mahuhuli na'ko sa klase." dugtong ko pa. "Sandali lang naman. Napagisipan mo na ba yung sinabi ko sa'yo? Kailangan ka ng Hiraya, at sana pumayag ka." sagot ni Hayme, hindi na'ko makapag-isip ng maayos sapagkat ang nasa utak ko ay mahuhuli na'ko sa aking klase. Sinubukan kong maglakad papunta sa aming silid ngunit hinarangan niya ako.
"Oo na, sige.." sagot ko kay Hayme upang padaanin nako at makapunta na'ko sa aking silid.
"Salamat Nadya, maraming salamat!" wika ni Hayme ng may saya sa kaniyang mukha, at agad na akong umalis.
Pagpasok ko sa aming klase ay agad na akong umupo sa aking upuan. Oo nga pala, pumayag na'ko na sumali ulit sa Hiraya, masaya ako. At nagagalak na makapag-sayaw ulit, ngunit hindi ko maiwasang maisip na papaano kung mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan, na baka maulit ang mga hirap na naranasan ko tatlong taon nang nakalipas. Iisipin ko nalang na ito na ang pagkakataon upang maitama ko ang pagkakamali ko.
BINABASA MO ANG
Hiraya
Short StorySi Nadya, isang mananayaw, ang naaksidente sa kanilang pagsasayaw sa isang kompetisyon. Ang aksidenteng ito ay nakapagpabago sa kaniyang buhay at ang rason din kung bakit siya hindi nakasayaw ng ilang taon. Ito rin ang rason kung bakit nawala ang ka...