[ Ang mga susunod na pangyayari ay nangyayari na sa kasalukuyan. ]
Ang aksidenteng nangyari na nakalipas ng tatlong taon ay tuluyang nakapagpabago sa aking buhay. Nagkaroon ako ng injury sa aking paa na naging dahilan upang hindi ako makapaglakad ng ilang taon, at ang mga gastos sa aking mga therapy. Hindi na ako nakapagsayaw pagkatapos non dahil sa aking itinamo, ang pinangako ko na sa aking sarili na hindi na ako ulit sasayaw dahil sa nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay naging pabigat ako sa aking mga magulang, kaya naman ay kinailangan kong matutong tumayo sa aking sarili upang matulungan din sila.
At ang Hiraya? Hindi sila nanalo sa kompetisyon iyon. Marami ang umalis, at mayroon ring naman natira. Marami rin ang nagalit sa akin pagkatapos non, at kahit isa sa kanila ay wala na akong nakausap. Ang hiraya, sapalagay ko ay hindi na sila sumasali sa ibang mga kompetisyon sapagkat ayaw pa ng kanilang coach.
Nakakalungkot lang, sapagkat matagal na rin akong hindi nakakagawa ng pinakahilig ko, ang pagsayaw.
Ako nga pala si Nadya. Nadya Paguia, isang mananayaw, dati, ngunit dahil sa isang aksidente ay hindi na ako ulit sumayaw, at hindi na rin ako uulit ng sayaw. Sa ngayon, ang aking pinagkakaabalahan ay ang aking pag-aaral. Nag-aaral ako ng mabuti upang makakuha ako ng scholar sa isang malaking unibersidad upang kahit papaano ay hindi na gumastos ng sobra ang aking mga magulang.
BINABASA MO ANG
Hiraya
Short StorySi Nadya, isang mananayaw, ang naaksidente sa kanilang pagsasayaw sa isang kompetisyon. Ang aksidenteng ito ay nakapagpabago sa kaniyang buhay at ang rason din kung bakit siya hindi nakasayaw ng ilang taon. Ito rin ang rason kung bakit nawala ang ka...