VI.

2 0 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas matapos kong umoo sa alok ni Hayme. Nakapagkita ulit kami ng mga kagrupo ko sa Hiraya at nag ensayo ng mabuti para sa kompetisyon.

...

Tatlong buwan din kaming naghanda para sa kompetisyong ito, at sa wakas, ito na.

Maari ko nang gawin ng tama at maayos ang aking sayaw.

...

"Sunod naman ay ang grupong bumangon galing sa pagkakabaon, muling nagbabalik matapos ang tatlong taon, Hiraya!"

Sa puntong iyon, grabe na ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib. Kailangan ko na ihanda ang aking sarili upang sumayaw at gawin ang routines namin. Agad kaming naglakad papunta sa entablado at inihanda ang sarili upang sumayaw.

Unang sumayaw ang mga babae, at sunod naman ang mga lalaki at sumayaw sila ng sabay. Naiwan kami ni Hayme sa backstage dahil sa pangalawang parte pa kami sasayaw.

"Sa tingin mo, kakayanin ko'ba?" wika ko kay Hayme ng may pagaalinlangan "Nadya, tiwala lang sa sarili. Kaya mo'yan, at tsaka ito rin naman ang gusto mo diba? Ang mabalik ang Hiraya at maitama ang pagkakamali mo rati. At ang pinakamahalaga, ay magawa mo na ulit ang iyong pangarap na minsa'y naging bangungot para sa iyo. " sagot ni Hayme sa akin ng may kasamang yakap.

"Maraming salamat sa pagtitiwala. Pangako, gagawin ko ng maayos ang sayaw sa pagkakataong ito.."

"At ng maingat!" dugtong ko pa, at agad naman siyang tumawa.

Malapit na matapos ang unang parte kaya agad naman kaming pumasok sa entablado. Magkahawak kaming naglakad habang nakayuko at tumingala kasabay ng musika. Sinabayan namin ang aming sayaw kasabay ang tugtog, at ang aming katawan ay magkadikit sa isa't isa, ang mata namin ay nagkakatinginan. Patuloy naming ginawa ang sayaw ng maingat.

. . . . . .

Maayos namin na natapos ang sayaw at ang mga tao ay tumayo at nagsipalakpakan. Sobra sobrang tuwa ang aking nadama. Sa wakas, nagawa ko na'rin ang dapat kong gawin tatlong taon na ang nakalipas.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon