III.

5 0 0
                                    

[ Sa parte ng istoryang ito, ay maipakikita ni Nadya ang isa sa mga parte ng kultura ng mga Asyano, (ng mga Pilipino) ang pag galang sa lahat at sa mga nakatatanda. Maipakikita ito sa pamamagitan ng kanyang pag gamit ng "Po at Opo" at ang kanyang pagmamano sa kanilang kasambahay at sa kanyang mga magulang. ]

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos ng klase upang makapaghapunan ako ng maaga kasama ang aking mga magulang at isang kapatid.

"Ma, pa, Kuya Isaiah, andito na po ako sa bahay" agad na sinabi ko at nagdoorbell sa harap ng aming gate. Agad naman itong binuksan ng aming kasambahay namin na si Mama Jackie, Mama ang tawag ko sakanya sapagkat siya ang nag-alaga samin simula nung bata pa ang aking kuya hanggang ngayon, kaya tinuturing na rin namin siyang kapamilya namin.

Agad kong sinalubong nag pagmano ang aming kasambahay at agad na akong pumasok sa bahay.

Pagpasok ko sa bahay ay nakaupo sa sala ang aking mga magulang kaya nama'y agad akong nagmano sa kanila. "Andito na po ako." salubong ko sa kanila . "Anak, may naghahanap sa'yo kanina." wika ng aking ina, "Sino naman po, ma?" sagot ko "Si Hayme, yung kasama mo noon sa iyong pag-sasayaw," nagtaka ako sa sinabi ni mama sapagkat bakit naman ako hahanapin ni Hayme, "Ayaw mo'na ba talagang sumayaw ulit, anak? Hindi ba't gustong gusto mo iyan, sabi mo pa nga ay hanggang sa mamatay ka, ay magsasayaw kapa rin" dugtong niya. Napaisip rin naman ako, sabagay, oo nga, sinabi ko 'yon dati, ngunit sa totoo lang, hanggang ngayon ay natatakot parin akong maulit ang dati kahit sabihin pa ng iba na simple lang iyon.

"Pagkatapos kasi ng nangyari sa akin ma, natatakot nakong sumayaw ulit. Hindi ako natatakot sa sakit, natatakot ako na maulit muli iyon at maapektuhan nanaman ang mga tao sa paligid ko.." 'yan ang nasa isip ko, ngunit iba ang sinabi ko sa mama ko. "Okay na'yon ma, tinatamad na rin kasi akong sumayaw eh" sagot ko kay mama, at umakyat na ako sa aking kwarto.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon