IV.

5 0 0
                                    


Humiga ako sa aking kama at tinignan ko ang aking cellphone. Pagbukas ko ng aking facebook, ay may lumabas sa pinakaunahan ng feed ko. Tatlong taon na pala ang nakalipas, nung lumaban ang Hiraya sa isang kompetisyon bago sa Dance Supremacy, at nanalo pa kami.

Tinignan ko ang litratong iyon, ang Hiraya, hawak hawak ang isang malaking trophy at isang malaking cheque na may perang 50,000 pesos. Champion kami noon, kaya kitang kita ko sa litratong iyon ang saya sa kanilang mga ngiti at mata. Napaisip lang ako, paano kaya kung nagawa ko ng maayos ang sayaw namin, kung hindi ako nagkamali at natapos namin iyon ng maayos. Sa tingin ko ay nakakuha pa kami ng trophy non. Ngunit dahil sa aking nagawa, hindi lang nataloa ng Hiraya, kundi nabuwag din, naghiwahiwalay ang iba, ang iba naman ay nanatili ngunit hanggang ngayon ay hindi na sila sumasali sa mga kompetisyon.

Maaari ngang kasalanan ko ang mga nangyari sa Hiraya, at hindi ko alam kung pano ko pa maaayos ang grupong iyon, hindi ko alam kung paano ko maayos ang pagkakamaling nagawa ko tatlong taon nang nakalipas.

Tumunog ang aking cellphone at nakatanggap ako ng mensahe galing sa kilalang tao. Galing kay, Hayme?

Agad kong tinignan ang kanyang sinabi sa saking messenger.

"Nadya, alam kong impossibleng sumayaw ka ulit, ngunit nagbabaka sakali lang ako na magbago ang isip mo. Balak ng Hiraya na buhayin ang grupo, at hindi kami mabubuo kung wala ka. Balak ulit naming sumali sa Dance Supremacy. Alam kong hindi ito madali para sa iyo sapagkat sa iisang entablado ka ulit sasayaw kung sakali, kung saan ka naaksidente. Ngunit hayaan mong tulungan ka naming ayusin ang mga mali natin noong huli tayong sumali rito. Isa kang magaling na mananayaw, at ikaw lang ang may kaya ng kontemporaryong sayaw sa atin at kailangan kita upang makasayaw rin non. Kailangan ka ng Hiraya, Nadya." ang wika ni Hayme sa kanyang mensahe.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang dapat gawin, sapagkat gusto ko, ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari, sa maaaring maging kahihinatnan nito. Ngunit kung susubukan ko ulit, maaari ngang mai-tama ko ang nangyari noon, baka sakaling makabawi ako sa maling nagawa ko noon. Sana tama ang aking maging desisyon.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon