#ParinigPaMore

36 4 2
                                    

July na!!

Hooh!!! 1 month na agad ang nakalipas. Ang bilis noh?

At sobrang bilis din ng mga pangyayari.

Yung feeling na, ang ganda ganda ng araw ko, tapos pagdating hapon may sisira lang!

Errrr!!!! >.<

Bakit kasi ang daming makikitid ang utak ngayon?

JULY 08!

Tapos na din ang last subject. Maaga kame pinalabas. Buti na lang, hindi ako mahihirapan sumakay! Haha.

Sabay lagi kame ni Ate Yhaj umuwi tuwing hapon.

Pero bago kame umuwe, naisipan muna namen magfishball. Hahaha!

Habang nangangain kami, may lumapit samin na 3 babae! Yung dalawa dun friend ni ate Yhaj. I don't know their names eh!

At sa di ko inaasahang pangyayari, eh bigla na lang nagsalita itong isa nila kasama!

Maputi siya, maikli ang buhok, payat din kagaya ko! Hahah .

At di ko din siya kilala.

Magkaiba kami ng department eh! Haha.

"Grabe kung makaKUYA at makAATE wagas" bgla nyang sabi.

Nung una, hindi pa siya nagsisink in sa utak ko. Haha!

Medyo slow ako eh. So tuloy pa din ako sag pagkain ng fishball. Sarap kaya! Hahaha.

"KUYA PALA HA!" eto na na naman nagsalita na naman siya!

Pero this time gets ko na. Haha!

Ako yung pinaparinggan niya.

Eeeh???

Problema nya? Hindi ko naman sya kilala!

Kung makapagparinig naman tong babaeng ito, WAGAS!

Syempre, ako bilang isang EDUC STUDENT, tahimik lang ako! Hahaha.

Bahala syang magparinig. Mangalay bibig niya kapaparinig, hindi ko siya papatulan! Bwahahahaha.

Pwede naman nya akong diretsahin diba?

Bakit kailangan pa nya idaan sa parinig?

Parang kilala ko na siya. Haha!

Tama SIYA NGA!

SIYA PALA.....

Siya ang dakilang ex ni kuya!

Si TRIXIE!

Kahit papano naikwento sya saken ni Kuya, but not totally. Ayaw niya pag-usapan eh! Hahaha. Kaya alam ko name niya!

Wew. >.<

Problema nya???

Lumapit lang sila para paringgan ako???

Ayos ah!!!

"Grabe 3 years kame, 3 years!!!!" eto na naman, parinig pa more teh!

"Oh eh anu naman kung 3 years kayo, tinatanong ko teh???"

Pero syempre di ko yan vinoice out, sa isip isip ko lang yan sinabe! Hahah. Ayoko ngang patulan sya!

May sayad ata itong babaeng ito. Anung gusto nya palabasin, inagaw ko sa kanya ang bf nea?? CORRECTION, EX BF pala!

Para po sa inyong kaalaman, wala ako inaagaw sa kanya ha?!!

At friends lang naman kame eh!

Wow ha! Masama na pala makipagkaibigan ngayon, di ako naupdate!

Grabe ka teh, tapunan kaya kita ng sauce ng fishball dyan! Hahaha.

Ay naku!!! Wala na sira na araw ko! :(

Gulo na ito!!! :(

Haist!!!! Anu ba itong pinasok ko??

**kinagabihan**

Sanay na sanay kasi ako na kapag may nangyayari saken kakaiba, nag-g-gm ako or group message! Hahaha

Then maya-maya nagtext si kuya!

1 message received:

Kuya

"May problema ba kanina?"

"Wala naman po!" Reply ko.

"Sigurado ka ate?"

"Ah.... wala po kuya :( :)"

"Bakit sad face ate?" tanong nya.

"Wala kuya mas mabuting wag mo nlang alamin."

"Ok ate. Sorry po! :("

*end of conversation*

Ayaw ko malaman nya ang problema.

Saken na lang yun!

Baka lalo lang gumulo pag sinabe ko sa kanya.

Mas makakabuti sigurong wag ko na lang yun intindihin.

"Minsan mas makakabuting manahimik ka na lang, kesa patulan mo pa ang mga taong makikitid ang utak. Hindi ito pagpapakita ng kahinaan, kundi pagpapatunay na edukadong tao ka!"

SLA AKL FTWI ♥Donde viven las historias. Descúbrelo ahora